SEAN'S POV
Pagdilat ko ng aking mga mata nakita ko ang kulay puting kwarto. "Oo nga pala yung nangyari sa S3.." sabi ko na lang sa aking isipan ng matandaan ko na muntik na manganib ang buhay ni Akira.
Akmang tatayo na sana ako sa kinahihigaan ko ng maramdaman ko na may nagbukas ng pinto.
"Gising ka na pala Sean? "
Hayss naman. Bakit nandito ang babaeng ito sa kwarto kung nasaan ako.
"Bakit nandito ka?" Walang gana kong tanong sa kanya.
Imbis na sagutin niya ang tanong ko. Naglakad sya papunta sa bintana at parang may tinitignan sya sa labas.
"Mahal mo ba sya? "- nabigla ako sa tanong niya at humarap din siya sa akin.
"B-Bakit mo na tanong iyan?" Tanong ko dito.
"Kung ako sayo pabayaan muna siya. Ayaw mo naman madamay diba?" Sabi pa niya sa akin na ikinankunot ng noo ko lang. Kaya ba siya pumunta dito para sabihin lang yun?
"Ano bang gusto mong iparating ha!? Karen!?" Oo tama kayo si Karen nga ang kausap ko ngayon. Siya ang dahilan nang pagpapalabas kay Akira ng isang malakas na element.
"Let her die" Walang emosyong sabi nito sa akin.
"A-Anong bang p-pinagsasabi m-mo ha!? Karen!" Di ako makapaniwala sa pinagsasabi niya ngayon. Bakit gusto niyang hayaan mamatay si Akira?
Naglakad sya palabas ng kwarto. Bago siya umalis may sinabi pa sya at mas lalong naguluhan na ako.
"Hindi niyo dapat hinayaang mangyari ulit ito. Buhay siya Sean." pagkatapos ng mga sinabi niya umalis na sya at iniwan akong gulong gulo ang utak ko.
Sino?!...... Si Kira!? Buhay si Kira!? Kung yun ang sinasabi ni Karen imposible mangyari yun dahil patay na siya!
Tumayo na ako sa kinahihigaan ko at nagpalit na ko ng damit. Pag kabukas ko ng pinto sya kaagad ang bumungad sa akin.
"Sean! Bakit ka tumayo!? " Sigaw na sabi nito sa akin kaya napapikit ako sa lakas ng boses niya.
"Ayos na ako kaya umalis ka dyan sa harapan ko. Akira " Nabigla ko yata siya sa sinabi ko kaya umatras kaagad siya .
"A-Ah p-pasensiya na. Saan ka pala pupunta? " Tanong muli nito sa akin kaya tinignan ko siya ng seryoso.
"Bakit? Kailangan ko bang ipaalam sayo ang lahat ng ikikilos ko? " Iritang sabi ko dito at napansin kong napaatras siya sa ginawa ko. Hays.
"Hindi naman. Nag aalala lang kasi ako sayo. Alam ko na ako ang dahilan kung bakit ---"Hindi ko na sya pinatapos magsalita dahil alam ko naman ang pinupunto niya.
"Nandito ako sa clinic na ito!? Hindi mangyayari ito kung kayang mo ipagtanggol yang sarili mo! dahil sa kahinaan mo maraming tao sa paligid mo ang napapahamak. Alam mo ba iyun ha!? " Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Nakakainis kasi yung Karen na yun. Kung ano anong pinagsasabi.
"Sorry nang dahil sa akin nangyari sa inyo yan. Sorry dahil mahina ako.*sobs* Sorry kung di ako kasing lakas niyo. *sobs* Sorry din kung ang tingin mo sa akin pabigat na sorry. sorry ..sorry ..*sobs*" Pagkatapos niya sabihin yun tumakbo na sya. Alam kong tama lang na sabihin ko yun para naman ayusin na niya ang sarili niya. Kailangan niya matuto at tumayo sa sarili niyang mga paa na walang hinihingian ng tulong.

BINABASA MO ANG
MOON PRINCESS
ФэнтезиSi Akira Hana Park ay ika-apat na anak ni Hotaru na kilala bilang isa sa mga elemental warrior. At dahil siya lang din ang nag-iisang miyembro ng pamilyang park ang walang tinataglay na kapangyarihan o sadyang hindi niya pa talaga alam kung ano ang...