******* AKIRA ********
"Ughh." Nagising ako at napahawak sa ulo ko.
"Asan ba ako? " tanong ko sa sarili ko habang pinagmamasdan ko yung buong kwarto. At muling natigilan ako ng maalala ko yung nangyari sa clinic
"A-Anong ginawa ko doon sa clinic kanina?! S-Si A-Ate A-Ayumi? " Tarantang sabi ko kaya agad kong tinanggal yung nakatusok na maliit at matulis na bagay sa kamay ko pero ang sakit at ang haba pala nun. Dahilan dumugo ito
"Ms. Akira ano po ang ginagawa nyo?" Sabi nito sa akin at dali daling may nilagay siyang bulak dito at napa ngiwi pa ako ng may alcohol pala yun atsaka tinape na.
"Kailangan niyo po muna matignan muli. " sabi pa nung nurse sa akin.
"Sorry but I need to go." Sabi ko at dali dali ako tumayo at umalis sa kwartong iyun.
"Ms. Akira?! " Tawag niya pa sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa. Kaylangan kong puntahan si ate gusto ko malaman kung ok lang siya.
Takbo lang ako ng takbo para hanapin sya. Pinagtitinginan na nga ako ng ibang istudyante dahil umiiyak pa ako wala akong pakialam kahit ako ang center of mind ng mga istudyante dito ang gusto ko lang ay MAHANAP ANG ATE KO!!!!.
Nakita ko sila Sherlyn, Cassandra, Kristine at si Clarise kaya napatigil ako sa pagtakbo mukhang napansin nila ako kasi tumakbo na rin sila papunta sa akin.
"Akira ok ka na ba?" Tanong sa akin ni cassandra at sa itsura niya hindi siya makapaniwala na makita ako ngayon.
"O-Ok lang ako. N-Nasaan ang Ate ko bakit di nyo sya kasama? " Tanong ko sa kanila.
"Calm down, kasama niya si Sean kanina. "-Kristine sabi nito at hinihimas himas pa ang likod ko.
Sean? Yung lalaking walang modo ba iyun?
"Yung nagligtas sayo " Sabi sa akin ni Sherlyn at pumasok sa alaala ko yung nakita ko siya sa clinic.
"Akala mo siguro masasaktan mo ako sa ginawa mo? Engot ka din yata. Hindi mo pa siguro alam ang kakayahan ko" sabi ng lalaki habang hinihimas ang ulo ko.
"Kumalma ka na, Akira. Masyado mong pinag-aalala ang lahat. Pati na rin ang kapatid mo" sabi niya at unti unti niya ako napatahan at niyakap ko din siya ng mahigpit dahil takot na takot ako.
Yung lalaking walang modo pala yung tumulong sa akin. Akalain mo yun. Mabait din pala yun (minsan).
"Asan si Ate ko? " Pag-iiba ko sa kanila.
"Nandoon siya sa corridor" sabi ni Clarise at tinignan ko naman yung tinuro niya kaya agad na ako nagpaalam sa kanila at kumaripas na ako ng takbo kaso di ko siya mahanap sa dami na ng istudyante na naglalakad. Yung iba nga napapatingin pa sa akin dahil hindi naman ako naka uniform. Yung mismong damit ko talaga yung suot ko ngayon at talagang puti na dress pa talaga ang suot ko. -_-!
Habang paikot -ikot ako sa Corridor napansin ko kaagad si Ate Ayumi
"Ate!" Sigaw ko sa kanya habang tumatakbo ako kaya yung ibang istidyante napatingin sa akin. Nabigla naman siya sa ginawa ko dahil bigla ko na lang sya niyakap. Natutuwa ako na makita siyang buhay.
"A-Akira "Gulat na aabi niya sa akin habang nakayakap pa rin ako sa kaniya. Akala ko hindi ko na siya makikita huhu.
"Ate Ayumi. Akala ko napatay kita. Huhu. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin. " Sabi ko sa kanya habang nakayuko.
(Akira. Hindi ko inaasahan na mailalabas mo kaagad ang kapangyarihan mo. Kaya natutuwa ako pero natatakot pa din ako dahil mukhang mahihirapan kang kontrolin ito) Napatingin na ako ng maayos kay Ate Ayumi ng bigla siyang nagsalita sa isipan ko at bakas sa kaniyang mukha na natatakot siya.
"Natutuwa akong makita kang nasa maayos na. Pero bakit kaagad pinalabas na hindi man lang sa akin pinaalam? " Nagtatakang tanong niya sa akin dahilan napangti na lang ako ng alanganin at napansin ko yung walang modong lalaki na kasama pala ni Ate Ayumi.
"Why are you here?!" Inis na tanong ko sa kaniya.
"Tsk. Dito ako nag-aaral crazy" Walang gana niyang sagot.
Oo nga pala ang tanga mo naman akira hindi pala "I mean bat kau magkasama ng Ate ko. Don't tell me --"
"Nag-aalala lang sya sa iyo" Putol ni Ate Ayumi sa sinabi ko. Whut?! Kelan pa siya nag-alala. At sino ba siya para mag-alala sa akin?
"Itong lalaking ito. Hahaha kalokohan" sabi ko na lang.
"Umayos ka nga Akira. Siya nga ang nagligtas sayo sa clinic kaya dapat magpasalamat ka sa kaniya" sabi ni Ate Ayumi na ikinatigil ko sa pagtawa.
"Ako ang may kasalanan kong bakit nasira yung sa clinic." Deretsong sabi ko sa kanila habang naaalala ko pa rin kung paano ko pinatay si Ate Ayumi gamit ang mga kamay ko.
"Siguro pati din ikaw ay nadamay sa ginawa kong kaguluhan kaya pasensya na sa ginawa ko" sabi ko at tinignan ko siya sa mata ng masama.
"May humihinga ba ng tawad na ganyan makatingin?" Natatawang sabi niya na ikinataas lang ng kilay ko.
"Meron, ako" sabi ko
"Pagpasensyahan mo na ganyan lang talaga yan" sabi niya sa lalaking walang modo pero nakatingin lang din ito sa akin na nakakunot ang noo.
"Akira umayos ka nga" suway ng mahina sa akin ni Ate at bigla naman ako nakaramdam ng pananakit sa left arm ko kaya napahawak ako dito bigla.
"O-Okay ka lang ba, Akira?" Alalang tanong ni Ate sa akin at hahawakan pa sana niya yung braso ko pero agad naman akong na paatras dahilan na ipinagtaka naman niya.
"Pupunta muna ako sa kwarto para makapag palit na ng damit ko. Kita kits na lang tayo Ate Ayumi. " sabi ko at kumaripas muli ako nangtakbo dahil kumikirot na yung left arm ko. Hayss ano bang nangyayari sa akin ngayon?.
Nang makarating ako sa kwarto namin. Agad akong nagtungo sa banyo at bigla naman nawala yung kirot sa left arm ko na ipinagtaka ko naman. At muling bumalik sa isipan ko yung babaeng nakita ko sa labas ng palasyo at bakit nakita ko din doon si Ate Ayumi at mukhang galit na galit siya ng makita ako. Ano ba talagang nangyayari? Ang kapangyarihan ko ba ay makita ang future?
******************************
BINABASA MO ANG
MOON PRINCESS
FantasySi Akira Hana Park ay ika-apat na anak ni Hotaru na kilala bilang isa sa mga elemental warrior. At dahil siya lang din ang nag-iisang miyembro ng pamilyang park ang walang tinataglay na kapangyarihan o sadyang hindi niya pa talaga alam kung ano ang...