********* AKIRA *********
Pagkadilat ko wala na yung apoy na nakapalibot sa akin at napansin ko na nakapalibot sa akin si Shihou (Serpent) na ang laki pa rin. So ibig sabihin hindi ilusyon yung nakita ko kanina?
"Hindi ako isang ilusyon" Sabi nito kahit hindi ito nakatingin sa akin.
"N-Ngayon lang ako n-nakakita ng ganyang kalaking ahas" Napansin ko naman si Kristine na mukhang gulat na gulat sa nakita. Maski din naman ako ee.
"Hindi mo na kailangan pang kontrolin ang kapangyarihan mo. Cassandra. Ilabas mo ang lahat ng kaya mo" sabi ni Ate Ayumi na ikinabigla ko naman. Seryoso ba siya?!
"S-Seryoso k-ka? P-Paano kung masaktan ko muli siya? " Nag-aalalang tanong ni Cassandra sa kapatid ko pero umiling lang ito.
"Sundin mo na lang kung anong sinabi sa atin. " Ma awtoridad na sabi ni Ate na ikinabigla niya.
Sinabi? Nino?
"Fine" Sabi ni Cassandra at parang mas lalo akong kinabahan dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko sa ngayon.
What to do? What to do?
(Kumalma ka lang at mag concentrate ka. Nakasalalay sayo ang bawat galaw ko) sabi nito sa akin at may kung anong bracelet ang biglang pumunta sa wrist ko na ipinagtaka ko lang.
"Fire Bullets! " Kinabahan ako sa atake sa akin ni Cassandra at hindi ko alam ang gagawin ko kaya napapikit na lang ako. At hinihintay ko na lang na tumama sa akin yung atake niya pero wala naman akong naramdam na kahit na ano. Agad naman akong napadilat at nanlaki ang mata ko nang may kung anong kapangyarihan ang promoprotekta sa amin ni shihou.
"Shihou? " tawag ko sa kaniya dahil napansin ko na sa kaniya nagmumula ang enerhiya na promoprotekta sa akin.
(Mas malakas pa rin ang enerhiya nab magmumula sayo kumpara sa akin, Akira) sabi nito sa aking isipan at napansin ko sa bawat atakeng inilalabas ni Cassandra at patuloy lang niya itong isinasalag gamit yung kaoangyarihan niya. Ano ba ang kailangan kong gawin para matulungan siya?
"Fire wave! " muling atake ni Cassandra at patuloy lang na pinangsasalag ni shihou ng kaniyang kapangyarihan.
"Hindi ka maaring makalabas kung hindi mo ako natatalo, Akira. Wag kang tumunganga dyan at hintayin ang pagbagsak ng alaga mo" Seryosong sabi ni Cassandra at napansin ko habang tumatagal mas lalong lumalakas ang pagpapalabas niya ng apoy.
"Mukhang wala ng laban si Akira. Kaya itigil na lang muna natin ito" Singhal ni Sherlyn at napailing na lang si Clarise dahil sa sinabi nito.
"Hindi na natin mapipigilan siya. Nilabas na niya ang tunay niyang kapangyarihan kaya mas mabuting tignan na lang natin kung sino ang mag wawagi dito" -Clarise.
"Ikaw na lang Sean ang magpatigil nito. Tutal magkatulad lang ang kapangyarihan niyo ni Cassandra" Kristine
Third Person.....
"Ikaw na lang Sean ang magpatigil nito. Tutal magkatulad lang ang kapangyarihan niyo ni Cassandra" Kristine
"Hindi ko hilig mangialam ng hindi ko laban" Seryosong sabi nito habang tinitignan lang sa malayo si Akira na hindi alam ang gagawin.
"Mas mabuting manuod na lang kayo at huwag ng mangialam sa laban nila. Tandaan niyo bahagi ito ng training ng kapatid ko. At kapag nangialam kayo ako mismo ang makakalabn niyo" Malamig na sabi ni Ayumi habang nakatingin ito sa kapatid niya na mukhang nahihirapan kaya napasapo na lang ni sherlyn ang sarili nitong noo at napailing na lang din si Kristine dahil mukhang wala talagang balak itigil ng kapatid nito ang laban sa pagitan ng kaniyang kapatid at ni Cassandra.
.
.
.
.
.
.
."Hindi mo pa rin ba ako lalabanan, Akira? Huling atake ko na ito at nakakasigurado akong hindi na makakayang kontrolin ito ng alaga mo" seryosong sabi ni Cassandra kaya nabahala naman yung mga kasamahan nito.
"Dark Fire Wave! " huling atake ni Cassandra at mabilis na nasira nito yung enerhiyang lumalabas kay shihou oara protektahan sila laban sa atake ni Cassandra at kinabahan na si Ayumi nang unti unti itong napalibutan na ng apoy.
"Sinabi ko na sayo na itigil na ito! " maiyak iyak na sabi ni Sherlyn dahil alam nila na ginamit na ni Cassandra ang pinakamalakas na enerhiya na dark fire.
Tatakbo na sana si Ayumi papunta sa kapatid niya nang pigilan kaagad ito ni Clarise atsaka ito nagtaka.
"Unti unting nag yeyelo ang apoy na ginawa ni Cassandra" sabi ni Clarise habang nakatingin sa kinaroroonan ni Akira. At lahat sila napatingin doon at laking gulat nila na nagiging yelo na yung apoy na pumalibot kela, Akira at unti unti rin itong nagkaroon ng crack at ilang segundo lang ay sumabog yung apoy na binalutan sa yelo at kumalat ito sa sahig.
Nakita nila si Akira na pinalibutan ng kaniyang alagang malaking ahas at unti unting naglaho ang alaga nito at tumambad sa kanila ang kakaibang aura ng kapatid ni Ayumi na ngayon ay asul na ang mga mata.
"Ice spike" atake ng dalaga sa kanilang lahat at walang mababakas na emosyon sa mukha nito at mukhang gulat din sila Sherlyn sa nakita nila kaya di na nila nagawang magteleport at buti na lang nakagawa agad ng pang shield si Sean.
Patuloy lang din sa pag-atake si Akira na akala mo hindi nito kilala yung mga tao na inaatake niya.
"Kailangan niyo siyang pigilan na. Kung hindi pare-pareho tayong mapapahamak sa bawat atake niya" sabi ni Sean na mukhang nahihirapan sa pagsalag sa atake ng dalaga.
Agad naman pinasok ni Ayumi ang isip ng kaniyang kapatid. Ngunit sa pagkatataong iyun ay hindi niya ito magawa.
"Iteleport mo ko sa likuran niya" seryosong sabi ni Ayumi kay Sherlyn at nag dadalawang isip pa si Sherlyn kung susundin niya ang kapatid ni Akira.
"Just do it" seeyosong sabi pa rin nito kaya nagtinginan silang lahat.
"Samahan mo siya" sabi ni Clarise kay Sherlyn kaya tumango na ito at ipinatong ni Sherlyn yung kamay sa balikat ni Ayumi t agad itong nag teleport sa likuran ni Akira.
Agad namang hinawakan ni Ayumi sa noo si Akira para tuluyang makapasok ito sa isipan niya.
(Akira bumalik ka na) sabi ni Ayumi habang tinitignan yung kapatid niya sa dilim at nakayuko lang ito. Halata ang gulat sa dalaga ng makita ang Ate nito.
(A-Ate *sob* p-patay ka na rin b-ba?) Umiiyak na tanong ng dalaga sa kaniyang kapatid. Kaya napailing naman si Ayumi bilang sagot dito.
(Kailangan munang bumalik, kapatid ko.) Nakangiting tugon nito dito.
(P-Pero p-patay na ako a-ate *sob*) iyak pa din nito kaya agad na lumapit si Ayumibsa kaniya at tinap ang ulo nito.
(Hindi ka pa patay. Tuluyan ng nasakop ng enerhiya mo ang iyong katawan at isipan kaya ngayon ay nandito ka sa lugar na ito. Kaya sumama ka na kay Ate. Babalik na tayo doon) nakangiting tugon ni Ayumi sa kaniyang kapatid at inilahad din nito ang kaniyang palad at nakangiting tumingin kay Akira.
(Tara na, kapatid ko) sabi ni Ayumi at dahan dahan humahawak si Akira sa palad nito at tumigil na rin sa pag-iyak atsaka ngumiti.
"Tama nga yan, kapatid ko. Kailangan mong labanan ang enerhiya na nanggagaling sayo" sabi ni Ayumi habang hawak hawak nito ang noo ni Akira at agad naman nang binaba ni Akira ang kamay para hindi na muli makaatake pa.
"Bumalik ka na" sabi pa nito at naramdaman niya ang unti unting pagpikit ng dalaga at babagsak na ito sa sahig ng mahawakan kaagad siya ni Ayumi.
BINABASA MO ANG
MOON PRINCESS
FantasySi Akira Hana Park ay ika-apat na anak ni Hotaru na kilala bilang isa sa mga elemental warrior. At dahil siya lang din ang nag-iisang miyembro ng pamilyang park ang walang tinataglay na kapangyarihan o sadyang hindi niya pa talaga alam kung ano ang...