Kabanata 3

13 1 0
                                    

"Sino 'yong naghatid sa'yo? Bakit maaga kang umuwi?" Bungad na tanong ni Kuya ng makapasok ako sa loob ng bahay.

Napabuntong hininga ako at tinignan siya. "Kaklase ko. Nahulog kasi ako sa hagdan kaya pina-uwi muna ako tapos ang bag ko idadaan mamaya dito ni Beau." Sagot ko at napatango siya bago lumapit saakin.

"Nahulog? Asan ang masakit sa'yo?." Tanong niya.

"Likod." I lied.

"Magpahinga ka muna. Hindi pa daw uuwi si Mama dahil gagala pa daw sila papuntang Vietnam mga next week pa siguro siya uuwi. Sigurado ka bang likod mo lang ang masakit sa'yo? Should I bring you to the hospital?." Tanong niya habang may halong pag-aalala.

I smiled secretly. My brother is really sweet.

Umiling ako. "Don't bother. I'm now okay. Itutulog ko nalang 'tong sakit ng likod ko." I lied again. Sorry po lord!.

"Sige"

Umalis na ako at pumunta sa kwarto ko. Nilock ko muna bago kumuha ng pamalit na damit bago pumasok sa banyo at para maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nakatapis akong lumabas ng banyo at magbibihis na sana ng mahagip ko ang sarili ko sa whole-size body mirror ng kwarto ko.

Kinapa ko ang gilid ng leeg ko at lumapit pa sa salamin.

"A-ano to?.." I asked at tinignan ng mas maigi ang leeg ko. Mayroong dalawang marka ng sugat. Oo marka nalang ang natira.

Napakunot nalang ang noo ko at nagbihis nalang. Baka kagat lang ng kung ano-anong insekto.

Pinatuyo ko muna ang buhok ko bago humilata sa kama ko.
Napatitig lang ako sa kisame habang nasa kawalan ang pag-iisip.

Maraming nangyare ngayon at maraming mga nangyareng pati ako ay hindi kayang i-explain.

Nahulog ako ng hagdan pero walang galos pero alam kong mayroon talaga akong sugat sa ulo.

Yung sa madilim na kwarto. Ano 'yon? Bangungot?.

NAGISING ako dahil nakakaramdam ako ng init sa buong katawan ko. Para akong pinapaso.

Pinilit kong minulat ang mga mata ko and I groaned when I saw what time is it. Mag-aala una na ng madaling araw. Whole day akong tulog.

"Ahh" Impit na ungol ko ng magsimulang manginig ang buong katawan ko dahil sa init na nagmumula sa loob ko.

Masakit. Para akong hinahati dahil sa sakit.

"Ahhhh!!" I screamed and clutched my stomach. Ang sakit.

Ano bang nangyayare saakin?.

"Mer?! Mer, anong nangyare?." Biglang bumukas ng marahas ang pinto ng kwarto ko at nakita ko ang humahangos na mukha ni Kuya.

"Masakit" sagot ko sa kaniya at sumigaw na naman ulit.

"Mer!" Sigaw ni Kuya at lumapit saakin hinawakan niya ang kamay ko na naka hawak sa tiyan ko dahil sa sakit.

Nakalmot ko ang braso ni Kuya and I stilled when I saw his blood dripped.

I swallowed. Nakakaramdam ako ng uhaw.

"Mer? Okay ka na ba?" Nag-aalala niyang tanong saakin pero nasa braso niya parin na may dugo ang paningin ko. Ilang beses din akong napalunok at pinigilan ang sarili na tikman 'yon.

Pinipigilan ko ang sarili ko na hablutin ang braso ni Kuya but I'm not strong enough to control myself.

"Meira!" Malakas na sigaw ni Kuya ng marahas kong hablutin ang braso niya and I pinned him under my bed.

I licked my lips when the smell of his blood filled my nostril.

"Ano bang nangyayare sa'yo?!" Sigaw niya pero nagmistula akong bingi.

Nakaramdam ako na luminaw ang paningin ko at humaba ang ngipin ko.

In just a second. I'm sipping his blood.

"Meira!!" He screamed in agony at bigla akong natauhan at parang napapasong humiwalay sa kaniya.

"Shit. Shit. Shit. What did I do?" I mumbled habang napatingin sa sarili ko sa salalim.

My eyes widen in horror when I saw myself. Covered with blood, long sharp nails, red eyes and with fangs.

Naluluha akong napatingin kay Kuya na nanghihina habang hindi makapaniwalang napatingin saakin habang bakas ang takot na sa mga mata niya.

"You're a monster."

"AAHHHHH!" I screamed at kaagad na napabangon mula sa isang masamang panaginip.

Namamawis akong napatingin sa orasan. Ala una.

"Fvck!" I cursed at napahawak sa noo  ko habang habol ang hininga.

That was a nightmare pero bakit parang totoo?. Ano bang nangyayare saakin?.

Nakahawak ako sa ulo ko at inaalog alog habang lumabas ako ng kwarto ko at dumiretso sa kusina. Hindi ko na inon ang ilaw dahil nakakakita naman ako kahit madilim.

Binuksan ko ang ref. ng makarating ako ng kusina at kumuha ng isang pitsel at baso bago nilagyan ang baso ko ng tubig at inistraight sa pag-inom.

Pero bakit nauuhaw parin ako?.

Hindi ako nagugutom. Nauuhaw ako.

Napatingin ako sa aso ko na nasa gilid at natutulog. Napalunok ako ng malinaw kong nakikita ang daloy ng dugo niya mula sa ugat.

I have the urge to drink that blood. Huli na ng mapigilan ko ang sarili ko at sinakmal ang aso ko sa leeg at kinagat iyon.

Dinig ko pa ang pag-iyak nito at ang muntil tahol bago nawalan ng buhay. I sucked the blood of my poodle until the last dripped bago nabitawan ang walang buhay na katawan ng aso ko.

Natulala ako habang nakatingin sa kamay ko at sa asong wala ng buhay sa harapan ko.

"A-anong ginawa ko?." Nanginginig na tanong ko at lumuhod para kunin ang katawan ng aso ko bago dinala sa likod ng bahay at doon inilibing habang may mga katanungan parin sa isip ko.

"Bakit ko nagawa 'yon?." Nanginginig na tanong ko sa sarili ko ng makapasok ako sa kwarto ko matapos kong inilibing si Bark ang aso ko sa likod.

Napatingin ako sa salamin at mas lalo pa akong nanghina ng makita ko ang sarili ko.

Gaya ng nasa panaginip ko kanina. 'Yon din ang itsura ko pero ang pinagkaiba. Aso ko ang nabiktima ko.

"Ano? Anong nangyayare saakin?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili ko.

Umiilaw sa dilim ang pula kong mga mata at nakikita ko rin ang mga bahid ng dugo sa mukha ko at ang pangil ko na unti-unting umiiksi kasabay ng kuko ko.

"Blood sucker." I murmured at napailing ng maalala ko ang mga iyon sa isip ko na kawangis ko ngayon.

"A vampire." I whispered at nanghihinang napasalampak sa sahig ng kwarto ko.

Ano na? Bakit ako naging ganito? Anong nangyare?. Si Vesper!. Baka may nakita o may alam siya sa nangyare kanina.

Pero hindi parin maalis sa isip ko ang ginawa ko kay Bark. I killed him and my heart is aching for that.

You're My Dark LoveWhere stories live. Discover now