Kabanata 9

6 1 1
                                    






"Saan ka na naman galing?" Salubong ni Kuya saakin ng pumasok ako sa loob ng bahay. 'Yan eh! Sana pala sa bintana nalang ako dumaan.


"Kina Beau, hinatid ko lang siya." Sagot ko sa kaniya at tinanguan niya nalang ako at lalampasan ko na sana siya pero nagtanong siya na nakapagtigil saakin.

"Hindi ko parin makita si Bark" Sabi niya at tipid akong ngumite.

"Baka naman nawala o sumama na sa ibang tao." Sagot ko. Sorry po sa pagsisinungaling.

Napakamot nalang siya sa ulo niya bago tumango at pumunta sa kusina. Pumunta na ako sa kwarto ko pero dumaan muna ako sa kwarto ni Mama at bahagyang nakabukas ito.



"Tomorrow. Don't worry I'll be there and tell the council that I will bring the head of that shit he beloved"

Parang hanging dumaan sa tenga ko ang sinabi ni Mama. May kung anong bumalot na kaba saakin pero binalewala ko nalang 'yon at sigurado na namang nagbibiruan na naman sila ng mga amigás niya.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nilock iyon at kinuha ko ang isa pang tumbler na dinekwat ko mula kay Vesper na may roong lamang dugo at pumunta sa bintana ng kwarto ko at kitang kita mo ngayon ang mga iskinita at mga tambay sa kanto kahit gabi na.

I drunk the blood and my eyes automatically turns into bloody red.
Tuloy parang dalawang bilog na umiilaw ngayon sa bintana ng kwarto ko ang mga mata ko mula sa labas dahil nakapatay ang ilaw ng kwarto ko but still I can clearly see everything.

Inubos ko na ang dugo na nasa tumbler at naligo na bago humiga sa kama pero hindi masyadong inaantok. But suddenly a scene flashed into my mind.





Nakaluhod ako sa harapan ng tatlong tao. Ang dalawa ay lalake at ang nasa gitna ay babae but I can't see their faces because of the mask they're wearing.

Nakayuko ako habang nakaluhod pero alam kong namumula na ang mata ko.

"What do you want from me?!" Nagsalita ako at nadinig ko ang mahinang tawa ng babae.

"Malapit ka man saakin dahil saakin na nanggaling pero kailangan na kitang tapusin."



Napahawak ako sa ulo ko dahil sa biglang palabas ng kung anong mga imahe sa utak ko na biglang lumabas. What was that?. A warning?

Sino sila? And the words that the girl spoke earlier rewind. Parang silang plaka na umulit sa tenga ko.


"Malapit ka man saakin dahil saakin na nanggaling pero kailangan na kitang tapusin."



Malapit ako sa kaniya? Sa kaniya ako nanggaling? What was that? Warning from the people I was closest too?.

Unang pumasok sa isip ko si Mama pero ipinilig ko nalang ang ulo ko at umiling. Si Mama? Kalokohan.

Hanggang narinig ko nalang ang pag-alis ng kotse ni Mama mga bandang Alas tres ng madaling araw. Hinayaan ko nalang siyang umalis at hindi na ako bumangon pa at kailangan ko ding bantayan dito si Kuya at baka mamaya may mangyayareng masama sa kaniya.

Kinaumagahan ay pumasok ako sa eskwelahan at naabutan ko sa loob ng room si Beau na parang problemado.

"Problema mo?" Tanong ko sa kaniya at gulat siyang napatingin saakin.

"Anong...? Bakit bigla kang nandiyan?" Gulat na tanong niya. Lihim akong natawa.

"Kanina pa ako andito, hindi mo napansin?" I lied at mukha namang kumbinsido naman siya.

Napailing siya. "Hindi. Napapa-isip lang ako sa panaginip ko... para kasing totoo?" Nagtataka niyang tanong saakin at umupo ako sa tabi niya.

"Panaginip? Anong panaginip mo?"

"Bampira ka daw." Sagot niya at napahilot pa sa noo.

Natigilan ako at napatingin sa kaniya at siya naman ngayon ang nakatingin saakin. "Oo alam kong hindi totoo 'yon pero kasi parang totoo talaga eh!" Biglang sabi niya at dumukdok ulit sa mesa niya.

"So what if I am a vampire?" Pagsasalita ko ng seryoso sa kaniya.

"Mag t-thank you ako sa'yo eh." Bigla siyang nag-angat ng tingin at nginitean ako.

"Kasi kahit sa panaginip lang, prinotektahan mo'ko." Ngise niyang dugtong at sinapak ang balikat ko pero dahil mas mabilis ako sa kaniya napigilan ko ang kamay niya at ibinaba.

"Pero seryoso kasi ang astig kasi pag ikaw naging bampira bhie kaso hindi sila totoo sa subrang panonood ko lang siguro ng twillight 'to at subrang addict kay Edward Cullen." Sabi niya pa.

You're wrong. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya 'yon but I remain silent and slightly smiled. Kailangan kong protektahan kung ano akong talaga.

Hindi na kami nagsalita pa at pumasok na si Vesper na sa akin kaagad lumanding ang paningin and I mouthed 'Seloso' at kagad naman siyang namula at masama akong tinignan bago umupo sa likod namin.

"Nakita ko 'yon ha! Ano 'yon? Lumalandi kana ba, Meira?." Bulong ni Beau at kinurot pa ako ng mahina.

What's the point of whispering? Kahit nga ilang kilometro pa ang layo namin dito kay Vesper e siguradong maririnig niya parin.

"Wala naman alam mong loyal ako kay Lay." Ngiseng kunyareng sagot ko at tinignan sa gilid ng mata ko si Vesper at umitim na naman ang buong mukha. Hindi pala seloso ha.

Beau giggled. "Oo nga pala."

"I'll give you a punishment later." I can heard the voice of Vesper at the back of my head.

I smirked. "Bring it on, Tesoro."

Umayos na ako ng upo at tumitig sa harap ng white board at saktong pumasok naman ang professor namin  na may hawak ng log book.

"Good morning students. I want all of you to be informed for this upcoming retreat in Davao for three days, lahat ng upcoming graduating students fourt year lamang ang kasali dito and everyone should be there. I will give you a waver kailangan niyong papirmahan sa magulang, guardians, or kahit sino na mas matanda sa inyo na kasama niyo sa bahay. Dapat ibalik niyo saakin 'to bukas." Pagsasalit niya kaya napatango kaming lahat sa kaniya.

Wala si Mama kaya si Kuya nalang ang papipirmahin ko sa waver.

"Bhie, tabi tayo ha?" Bulong ni Beau at tumango ako.

Mula noong first year pa kami lagi kaming nagre-retreat at field trip sa school at lagi kaming magkasama ni Beau kahit saan.


"No! Ako ang katabi mo"

Biglang boses na sumagi sa isipan ko. I rolled my eyes. Umiral na naman ang pagka-bipolar niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 10, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're My Dark LoveWhere stories live. Discover now