Sa gitna ng madilim at maalikabok na silid, isang binatang lalaki ang nakaupo sa kanyang kama, ang kanyang mukha ay nakasimangot at ang kanyang mga kamao ay nakakuyom. Ang kanyang kapatid na babae, si Lavenna, ay nakatayo sa pintuan, ang kanyang mga mata ay puno ng takot at pangamba.
Simula ng mailibing ang kanilang mga magulang ay para na siyang ibang tao kung ituring ng kanyang nakakatandang kapatid.Unti unti na lumamig ang lakikitungo nito sa kanya.
"Ano ba ang gusto mo?" tanong ng binata, ang kanyang boses ay malamig at puno ng galit.Hindi nito binibigyan ng tingin ang batang babae na nakatayo s akanyang harapan.
"K-kuya, gusto ko lang..." nagsimula si Lavenna, ngunit hindi niya natapos ang kanyang sasabihin.
"Huwag mo akong tawaging kuya," putol ng binata. "Hindi na kita kapatid."
"P-pero..."
"Bakit ba hindi ka pa umalis?" sigaw ng binata, ang kanyang mga mata ay nagliliyab ng galit. "Hindi mo ba alam na ikaw ang dahilan kung bakit wala na sila?"
"K-kuya, hindi ko kasalanan..."
"Hindi mo kasalanan? Ikaw ang dahilan kung bakit nag-away sila! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay sila!" sigaw ng binata, ang kanyang mga kamao ay nanginginig.
"H-hindi totoo 'yan..."
"Umalis ka na!" sigaw ng binata, ang kanyang mukha ay namumula sa galit. "Huwag ka nang bumalik!"Ngunit hindi pa din nagpatinag ang kanyang kapatid na babae.
'Akala ko kuya,hindi ka magbabago pero iba ka na sa kuya na aking nakasama noon.Hindi naman ako ang dahilan kung bakit namatay ang ating mga magulang.Bakit ba nakasarado iyang isipan mo."-Umiiyak na paliwanag nito ngunit para bang walang narinig si flavin patuloy lamang ito sa pagyuko at nanginginig din ang kanyang mga kamao.
'Umalis ka na"-malamig na sambit nito.
Mas lalong napaiyak si Lavenna at tumakbo palabas ng silid, ang kanyang puso ay puno ng sakit at takot.---------------
~2 Years Later~
"LAVENNA!!!!!!!!!"-A raging voice from outside of my room.
Agad akong napatayo sa pagkakaupo,naggagawa kasi ako ng mga assignments ko na kailangan na ipasa kinabukasan.
~Blagg~
Nanglalaking mata na tumingin ako sa pintuan ko,dahil nasira ito at di ko maikubli iyong takot na nararamdaman ko habang nakatingin sa taong nakatayo sa may pintuang wasak na ngayon.
"K-Kuya?!"-nanginginig na pagtawag ko mula dito. Natatakot ako. Halata sa kanya na galit na galit siya.
Bakit? Ano na naman ba'ng kinakagalit niya?Ano na naman ang nagawa ko?Hindi ko maikubli yong panginginig ng katawan ko.
"You!!"-he said while pointing his one finger at me.
"A-Ano p-po i-iyon?"-nauutal na tanong ko, sigurado ako na may kasalanan na naman ako kaya siya gan'to ngayon.
"How dare you to open my room without my permission!!"-aniya na namumula sa galit.
"Arghh!"-malakas na daing ko, hindi ko napansin na nakalapit na pala siya sa akin at hawak hawak niya na ako ng sobrang higpit.
"K-Kuya,m-masakit p-po!"-umiindang daing ko dito,hindi pa masyadong magaling ang natamo ko na pasa nung nakaraan...Pagaling palang to be exact pero sa tingin ko hindi na ito hihilon ulit dahil may panibago na naman.
~Pakkk~
Agad tumabinge ang aking pisnge dahil sa pagkakasampal sa akin ni Kuya.
"U-uughhhh!"-daing ko na naman,hindi ko maiwasan na hindi mapaluha.
"K-Kuya..."-mahinang tawag ko rito.
"Nauurat ako kapag naririnig ang boses mo lalo na kapag tinatawag mo akong kuya!"-nanggigigil nitong saad sa akin, agad naman akong napapikit kasi ang sakit na nang pagkakahawak niya sa braso ko.
"Bakit kasi ikaw pa ang naiwan?sana sila Mama at Papa na lang ang nandito at hindi ang isang katulad mo na walang pakinabang!"-may bahid na galit at insulto nitong pahayag habang nakatitig ito sa mga mata ko.
"Nakakasuka iyang pagmumukha mo! Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ka nila Tita. Siguro, may ginagawa ka, 'no?siguro ako na ginayuma mo sila ng sa ganoon ay maging mabait sila sa 'yo siguro kamag-anak mo si Lucifer nuh?"-may pang-aakusa na sambit nito sa akin,hindi ko maiwasan na hindi masaktan dahil sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig grabe,kapatid ko pa ba siya?Paano niya nakakayanan na sabihan ako ng ganitong salita?
Bakit ba 'lagi na lang masama ang tingin niya sa akin?Hindi ko naman alam kung ano ba ang ginawa ko noon na kung bakit ganito na lang niya ako saktan at paiyakin.Hindi na siya yong Kuya Flavin ko dahil Ibang iba na siya.
Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito sa akin, damn!He's still my brother after all pero grabe siya kung mang-insulto sa akin. Akala mo hindi niya ako kapatid para ganituhin niya ako.
"K-Kuya, b-bakit ka ba gan'yan sa akin?"-lakas loob na tanong ko rito.
"May lakas ng loob ka pa talaga na magtanong sa akin ng ganyan?"-natatawa nitong tanong sa akin.
“Don't ask me about the way how I treat you,find the solution not just to cry like a crybaby...You look a like a garbage in my eyes,Tsk!'-malamig nitong lintayang may halong insulto ulit.
Hindi ko maiwasan na hindi mapaluha, hindi ko naman deserve na ganituhin. Bakit sa lahat ng magkakapatid, ako pa ang nabigyan ng ganitong trato?Mabait naman ako pero grabe naman ang sakit at salita ang natatanggap ko sa pang-araw araw sa kanya. Gusto ko man siyang iwan ngunit palaging tumataktak sa akin ang salitang palaging bukambibig ni mama sa amin.
"Anak, palagi mong tatandaan na nandito lang kami ng papa n'yo kahit na ano'ng mangyari...mawala man kami o hindi, palagi kaming nakasubaybay sa inyong magkapatid. Dahil ang sarili n'yo na lamang ang maasahan ng bawat isa. Kaya't 'wag niyong iiwan ang isa't-isa, ha? Sa hirap man o ginhawa, problema man o wala."
Iyan ang palaging tumatatak sa aking isipan, kaya hindi ko maiwan-iwan ang kuya ko. Kahit na sobra na ang pananakit at salitang natanggap ko, patuloy pa rin ako sa paghinga at pakikisama sa kanya.
Agad ako nabalik sa sarili ng bigyan na naman niya ako ng mahinang sampal, pakiramdam ko madhid na yong kanang pisnge ko.
"Ikaw na babae ka, once you enter my room again without my permission. Asahan mo na hindi lang ito ang makukuha mo."-may babalang pahayag nito sa akin,bago siya umalis at binigyan niya ako ng matalim na titig.
Hindi ko napansin na nakadantay na ako sa pader malapit sa kama ko. Paghagulgol na lamang ang aking nagawa. Alam ko na may dahilan si kuya kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Alam ko 'yon kaya hindi ako mawawalan ng pag-asa na malaman ang dahilan niya kahit ano pang mangyari.
Pinakalma ko na muna ang aking sarili, hindi maaari na iiyak ko na lamang itong nararamdaman ko. Kailangan ko din asikasuhin ang mga importanteng bagay na ginagawa ko kanina pa.Kahit na masakit ang mga braso at pisnge ay pinilit ko na tumayo,kailangan ko maging malakas.
~~~~~~~~~~~~
I hope you like the prologue!Gracias!
Edited: Sept 16,2023
Seçond edited: Nov.04,2024
YOU ARE READING
My Brother's Hurtful Words (Completed)
Historia CortaIsang batang babae, ang nakaupo sa tabi ng bintana, ang kanyang ilong ay nakasandal sa malamig na salamin. "Masaya siguro kami kung hindi sila nawala sa amin,bakit napakadaya ng mundo?" Sa labas, ang mundo ay isang makulay at matunog, ngunit sa loo...