Quaiden's Point Of View:
Nandito kami sa sasakyan,pupunta kasi kami sa bahay nila Flavin.'yong g*gong kasi na yon ay nalimutan dalhin yong report na ipapasa namin kay Prof Esme kaya no choice kami ni Daellon kundi ang kunin ang report sa bahay nila.
"Bro,are you sure na nasa bahay si Flavin?!"-tanong ng katabi ko na si Daellon.
"Oo,nagtext na ako sa kanya na dadaan tayo para kunin yong report na kailangan natin ire-type."
Malapit-lapit na din kasi kami,ako ang nagmamaneho ng sinasakyann namin.Galing kasi kaming Baguio,Isa lang kasi ang sub namin ngayon araw kaya Naman si ayayaain sila na pumunta saglit sa Baguio kaso lang umuwi na yong iba.Hindi kasi sumama si Flavin sa amin,may aasikasuhin daw siya.Kaya ganoon nalang ang pagtataka namin,all our gigs ay palagi siyang kasama o hindi kaya susunod siya.
"Par,park mo nalang dyan sa gilid."
"Okay,wait wag ka na muna bumaba."
Pagkapark namin ay siyang unang bumaba si Daellon, kailangan na kasi namin makuha yong report.Pina-edit na kasi namin yon kay Flavin lalo't hindi naman siya nakasama sa gig kaninang uwian,sandali lang naman kami doon.
"Bro,katok ka na!"-utos ko kay Daellon.
Tumango na lamang siya sa akin,kakatok na sana siya ng mapansin namin na naka-awang yong pintuan.
"Bukas,par....Baka may nangyaring masama?kaya hindi sumasagot si Flavin sa atin?"-sunod-sunod na anas ni Daellon.
"G*go,napakaoverthink mo naman!"
Ako na nanguna pumasok,dahil parang t*nga kasi.Pagkapasok ko ay agad tumuon ang atensyon ko sa babaeng nakasalampak sa sahig.
"F*ck,Lavenna!"
Naunahan ako ni Daellon sa pagsigaw,kaagad siyang pumunta sa puwesto kung nasaan si Lavenna.Agad ko din naman siyang sinundan.
"Par, kailangan na natin siyang dalhin sa ospital....Ang putla niya!"-nagaalalang wika ni Daellon sa akin.
Lumapit ako kay Lavenna at tinignan kung bakit siya nakasalampak sa sahig,doon ko lang napansin ang putok sa labi nito at namamaga din ang pisnge.Agad ko naisara ang kamao ko ng masigurado ko na si Flavin ang may gawa nito.
"Let's go, Daellon.Let's take her to the nearest hospital here."
Binuhat na ni Daellon ang walang malay na si Lavenna,nakikita ko din sa mukha nito na nahihirapan siya kanina bago namin siya nadatnan na nakasalampak sa sahig.Napansin ko din yong pagsara ng kamao ni Daellon,alam ko na alam niya na kung ano nangyari kay Lavenna.
Binuksan ko yong backseat ng sasakyan ko at doon ko pinasakay si Daellon na agad naman pumasok ako naman ay umalalay sa pagpasok niya sa katawan ni Lavenna na hanggang ngayon ay walang malay. Inunan ni Lavenna anh hita ni Daellon.
Agad naman ako pumasok sa driver's seat at kailangan na namin madala si Lavenna,kailangan din namin ipacheck siya sa doctor.Akala ko hindi na siya sinasaktan ni Flavin lalo't palagi ko siyang pinagsasabihan na ingatan at mahalin na ang kanyang kapatid.
"Lagot ka sa akin,Flavin!"-bulong ko sa hangin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
YOU ARE READING
My Brother's Hurtful Words (Completed)
NouvellesIsang batang babae, ang nakaupo sa tabi ng bintana, ang kanyang ilong ay nakasandal sa malamig na salamin. "Masaya siguro kami kung hindi sila nawala sa amin,bakit napakadaya ng mundo?" Sa labas, ang mundo ay isang makulay at matunog, ngunit sa loo...