CHAPTER#02

129 9 0
                                    

Lavenna 's Point Of View:

Kakarating ko lang sa tahanan nila Aunty Ainna ,hindi din nila sigurado na nandito ako.Dapat talaga diretso ako sa tambayan ng tropa ngunit kailangan ko na muna makahanap ng bahay na pagtitirhan ko sa limang araw.Hindi kasi ako pwedeng bumalik sa bahay hangga't hindi pa lumalamig ang ulo ni Kuya.

Kakatok na sana ako ng unti unting nagbukas ang gate nila Aunty Ai,kaya naman agad agad ako tumabi sa gilid dahil baka aalis sila.Nakayuko ako habang nasa gilid,hindi ko kasi kayang harapin si Aunty Ai o hindi ang pinsan ko na si Ate Aithanna na anak ni Aunty.

“Lavenna,ikaw ba yan?!"-boses mula sa aking harapan,itinaas ko ang aking mukha at doon ko na lamang napansin si Ate Aithanna na nakatayo sa aking harapan.

“Kanina ka pa ba?Dapat pumasok ka na sa loob,you are always welcome to our house and also kanina ka pa namin inaantay.Bakit ngayon ka lang dumating?!"-mahabang lintaya na may halong ilang katanungan nito sa akin.

“A-ano ...."-Hindi ko naituloy kung ano sasabihin ko,dahil nahihiya talaga ako.

Hindi lang kasi unang beses itong nangyari kundi ilang beses na at dito ang palagi kong takbuhan sumakto pa na nandito din ang mga kaibigan ko.May alam naman sila sa mga ginagawa ni kuya sa akin,kaso ang hindi nila alam ay ilang beses na ako muntikan mapatay ni kuya.Ang alam kasi nila sinasaktan ako ni kuya pero they didn't know the reason why.Ganoon na lamang din ang galit nila,lalo na ang boy Bestfriend ko na si Amiaz.Kulang na nga lang ay sugurin si kuya,dahil sa ginagawa sa akin pero ako na mismo ang umaawat sa kanya.

“Tungkol na naman ba ito sa kuya mo?!"

Sa sinabi niya ay doon ako tumingin sa kanya diretso sa mga mata niya na mababasa mo ang pag-aalala.

“O-opo!"-nauutal ko na sagot.

Narinig ko na bumuntong-hininga siya,maya maya ay hinawakan nito ang aking kamay.

“Halika na sa loob,alam ko naman na pagod ka sa biyahe papunta dito.Nakahanda na din ang kuwarto mo,buti nalang at pinalinis ko ito kay nanay abeng tsaka kanina ka pa din hinihintay nila Amiaz."

“S-salamat po,ate.Sorry po sa istorbo,palagi na lamang dito ang takbuhan ko kapag pinapalayas ako ni Kuya!"

“Walang anuman,pinsan kita eh.Kaya nandito lang kami kung kailangan mo ng mapupuntahan.Handa kaming tanggapin ka."

“S-salamat po talaga ng marami,Ate!"

“Hay naku,halika na muna ng sa ganoon ay sa loob na natin ituloy ang paguusap natin."

“S-sige po!"

Naglakad na kami sa loob,dala dala din niya yong travel bag na dala ko kanina pa.Kahit papano kasi ay mabigat ito.

“Oh,ija...Ikaw pala yan!"-masayang bati ni nanay abeng pagkapasok namin.

“Nandoon ang mga kaibigan mo sa kusina,they are preparing something for us!"-dagdag pa ni Nanay sa akin kaya naman tumango ako,ibinababa ko na lamang ang bagahe na dala ko.Akala mo talaga galing ibang bansa eh.

“Magandang gabi po,nay!"- bati ko rito, ngumiti na lamang ito.

“Kumain ka na ba?"-tanong nito na siyang ikina-iling ko,hindi ko na kasi nagawang kumain sa bahay.Minadali ko na kasi na maka-alis kesa ang kumain.

My Brother's Hurtful Words (Completed)Where stories live. Discover now