BLAKE
"Blake, isang lapit mo pa saakin lilipad kang walang pakpak." mahina akong natawa sa sinabi ni Stella saka mas lumapit pa sa kanya.
"Pumayag ka na kasi." tinaasan naman nya ako ng kilay.
"Duh, kaibigan ko si Xyrrah. Hindi ako bobo para i-blind date ko sya sa'yo." inakbayan ko si Stella kahit alam kong ayaw nya.
"Hindi ko naman sya sasaktan, aalagaan ko nga sya eh." inalis ni Stella ang pagka-akbay ko sa kanya at hinarap ako.
"Look Blake, I am not called the 'Cupid Queen' here in MSIH if I'm a bridge of no forever." hinawakan nya ako sa balikat at seryusong tumingin sa mga mata ko.
"You are the famous Blake Kent Sandoval AKA 'King of Players'. Xyrrah Lawrence is the famous 'Queen of Bitterness' you two are completely different. Also, not only your titles are different-your attitudes and personalities too."
"Thus, you are out of Xyrrah's league."
"You two are not for each other. Get it?" nakangisi ko syang tinignan.
"Stella, kinikilig ako dahil dyan sa kamay mo" nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Stella.
"Kaya ayaw ko talagang pumayag sa gusto mo eh!" inis na sabi nya saka tumayo. Natatawang hinabol ko si Stella.
"Stellar McCartney! Hintay naman oh!"
"Stella! Pumayag kana kasi!"
Tumigil si Stella kaya tumakbo ako papunta sa kanya.
"Stella pumayag kana." sabi ko kay Stella at hinawakan ang kamay nya.
"Pumayag saan?" Napalingon ako sa gilid ko at nagtagpo ang mga mata namin ni Stacey, ang dakilang patay na patay kay pareng Shawn at kapatid ni Stella.
"Payag na ligawan ko sya. Diba Stella?" nalaglag ang panga ni Stacey at Stella sabay nanlaki ang mata.
"WHAT?!" gulat na wika ni Akisha? Hindi lang sya, pati na rin ang boung Campus Royals. Nandito rin sila?
"What the fuck?" si Kyzir.
"Seriously?" si Taylor.
"Legit?" si Kiro.
"Seryuso na ba 'to?" si Pareng Shawn.
"Luh, grabi ka bata." si Tandang Tyler.
"Kuya Blake naman eh." si Bianca.
"Bakit mo naman liligawan ang kapatid ko aber?!" mataray na tanong ni Stacey.
"Wag kayong maniwala riyan kay Blake si Xyrrah-" tinakpan ko ang bibig ni Stella.
"What about Xyrrah?" malamig ang boses na tanong ni Xavier. Lagot, naka death glare na si pareng Xavier saakin.
"Sysshhmmppp!" hinigpitan ko ang pagkatakip sa bibig ni Stella saka sya hinila paalis sa harap nila.
Itim na itim ang usok na nakapalibot kay pareng Xavier eh, baka masakal ako ng wala sa oras nun. Mababawasan ang pogi sa mundo.
"Shit ouch!" Sigaw ko dahil sa sakit ng pagkagat ni Stella sa palad ko kaya nabitawan ko sya.
Sinamaan nya ako ng tingin saka inapakan ang paa ko bago tumakbo paalis. Hindi naman masakit.
Napaupo ako sa damuhan. Muntik na akong mabuking don ah.
Ewan ko ba, kilala ako rito sa MSIH bilang isang player at basic lang saakin ang humanap ng girlfriend pero takot akong umamin sa nararamdaman ko para kay Xyrrah.
Pagdating kasi sa kanya kinakabahan ako. Dahil siguro sa nakakatakot na awra nya-pero bukod sa mapahamak ang isa sa mga mahal ko wala na akong ibang kinatatakutan.
Iba lang talaga si Xyrrah.
Pero baka natatakot ako sa kanya dahil isa syang agent at isa sya sa mga kalaban ko?
Naiiling na tumawa ako. Kailan pa ako natakot sa kalaban ko?
Diba dapat sila ang matakot saakin?
STELLA
Huminga ako ng malalim saka pumasok sa office ni Queen.
"OMG sis are you okay? Sinaktan ka ba ng lalaking 'yun? Tell me so I could end his handsomeness." Bungad saakin ni Stacey.
"Ah-hmm, may I remind you. He's my brother." sabad ni Bianca.
"I know. And I also know he is so handsome and so hot, but his my cousin so no! and also, that is not an acceptable reason to let him live after he kidnapped my sister." mataray na wika ni Stacey habang nakapameywang at nakataas ang kilay.
At alam ko namang hindi mangyayari 'yang 'I could end his handsomeness' na 'yan eh hindi 'yan mabubuhay kung walang gwapo. Tsaka pinsan nito sina Blake. Sandoval ang mommy niya-before they got married to our dad of course.
Hindi ko rin ka ano-ano si Blake, half sister ko lang si Stacey. She's one year older than me, her mom passed away while in labor of her and our remarried to my mom. That's how I said hello to the world.
"You okay now Stell?" napalingon ako kay Queen saka nakangiting tumango.
"Good."
"I have a date with Kyzir today so I have to go."
"You don't have to broadcast that you have a date, Queen." Napangiti nalang ako sa sinabi ni Xyrrah, she's so bitter.
"I'll consider that as a goodluck from the 'Queen of Bitterness'."
"Tss." tanging tugon ni Xyrrah
Natatawang umalis si Queen at iniwan kaming tawang tawa.
..
Napatingin ako kay Xyrrah na seryusong nakatingin kay Ella, Stacey at Bianca na nagbabangayan na naman.
I envied her so much. Blake loves her. The real reason why I don't want to accept Blake's offer is because I love him. I didn't confess my feelings towards him because I already know he has feelings towards Xyrrah.
Dati pa alam ko na 'yon, I'm not called 'Queen of Cupid' for nothing. Sa mga tingin pa lang ni Blake, sa mga ngiti nya, pati sa mga galaw nya. Alam ko na agad na may nararamdaman sya para kay Xyrrah.
At sobrang sakit para saakin na ako ang magiging tulay para magkatuluyan silang dalawa ni Xyrrah.
I know I'm being selfish, but it's just very painful. Nasasaktan na nga ako kapag nakikita ko si Blake na pasulyapyap ng tingin si Xyrrah, ano pa kaya ang makitang nagdi-date sila. Para na siguro akong pinapatay nun.
—Mealudie
YOU ARE READING
MSIH Series 1 : What Is Love
ActionFor a person who knows the definition of love in the dictionary and some theories, but does not know what it feels in herself, it is hard to answer the question 'what is love?' Xyrrah Lawrence an agent trained since birth to protect her country and...