BLAKE
"Stella, may gagawin ka mamaya?" Tanong ko kay Stella, hinarap niya ako ng nakataas ang isang kilay.
"Halata?" sarkastikong tanong niya at pinakita ang umbok na papel na hawak niya.
"Tulungan na kita." Mas lalong tumaas ang kilay niya, grabi 'tong babaeng 'to parang si Queen lang.
"No, thanks. May kapalit 'yang tulong mo." Ay, alam pala niya.
"Okay, nagbago na isip ko. Walang kapalit." sabi ko at ngumiti.
"Talaga?" parang batang tanong niya, tumawa naman ako.
"Oo—" agad niyang inilagay sa kamay ko ang mga papel na hawak niya at nauna nang maglakad.
Napangiti nalang ako. She's a brat, what do I expect from her?
"Hoy! Blake, kaano-ano mo 'yong pagong?, bilisan mo ngang maglakad!" sigaw ni Stella.
Hindi nalang ako sumagot, dahil alam kong talo ako rin naman ako.
Nang makarating kami sa parking lot tumigil kami sa harap ng kotse ko.
"Bago na naman kotse mo?" tanong ni Stella.
"Bakit? Pangit ba?, nag-sawa na kasi ako do'n sa lumang kotse ko." Paliwanag ko, she frowned.
"Luma agad? Kakapalit mo palang no'n last week ah."
"Well, na realize ko kasi na hindi ko pala gusto 'yong mga Audi, kaya pinalitan ko ng Lamborghini." Napabuntong hininga nalang si Stella habang nagsusuot ang seatbelt
"Mayaman nga naman." Kamunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Bakit? Mayaman ka rin naman ah. Nag-shopping nga kayo sa Paris nung sabado." napailing nalang ako.
"At least hindi ako bumibili ng mga sasakyan tapos ilang linggo pa lang papalitan na." depensa niya.
"Talagang hindi ka bibili ng sasakyan, aanhin mo naman, eh hindi ka nga marunong mag-drive." Mula sa reviewer mirror, nakita kong ngumuso siya kaya napangiti ako.
"Eh, ikaw marunong ka ngang mag-drive at may kotse ka, pero ang tanong may lisensya ka ba?" okay, na savage ako do'n.
"Wala pa, hindi pa ako 18—"
"At hindi ka pa rin mag-18 next year, pati next-next year." putol niya sa sasabihin ko, at sa pangalawang pagkakataon, na savage na naman ako.
"So what, okay? Matangkad naman ako." Depensa ko.
"Wala ka pa ring lisensya." Malapit na talaga akong mapikon sa babaeng 'to.
"Ate mo nga mag 18 na, mas matangkad pa ako. May lisensya tapos 'di pa marunong mag-drive." Hinampas niya naman ako ng malakas sa braso.
"Don't talk behind my sister's back!" inis na singhal saakin ni Stella.
"We're here." sabi ko at huminto sa tapat ng gate ng bahay nila Stella.
Bumaba kaagad siya. Pero bago pumasok sa mansion nila dumukwang siya sa bintana ng kotse ko.
"Hindi ako magpapasalamat sa paghatid mo sakin pauwi, mamaya na pagtinulungan mo na ako sa mga assignments at projects ko." sabi niya at tinalikuran ako.
"'Yong Goodbye kiss ko?!" Tinaas niya ang gitnang daliri. Napailing nalang ako at pinasok ang kotse ko sa garahe ang mansion namin na katabi lang sa mansion nila Stella.
Nasa pinto palang ako nang salubungin ako ni Kuya na masamang nakatingin saakin.
"Oh, problema mo?" bungad ko.
"Why are you with, my Stellar?" Ngumisi ako. Ang astig talaga mag-selos nitong isang 'to, nagiging englishero.
"Hinatid ko lang siya no, tsaka may Xy-xy na ako. Ukupado na puso ko." napangiwi naman siya.
"Ang cheesy mo, Blake."
"Says the possessive suitor since forever." pabiro niyang sinuntok ang balikat ko.
"Mapapasagot ko rin si Stella ng 'oo' no."
"Sa panaginip mo?" tanong ko saka tumakbo papuntang kwarto ko, narinig ko pa siyang nagmumura.
...
"Hay nako, asan 'yong gunting?" tanong ko at itinaas ang mga cardboard na nasa study table ni Stella.
Binatukan naman ako ni Stella.
"Bulag ka talaga no? Eh nasa harapan mo lang. Ginugulo mo lang 'yang arrangement ko eh." nakanguso ko siyang tinignan.
"Malay ko bang nandyan ang gunting, dito ko lang 'yan inilagay no." Depensa ko, inirapan naman ako ni Stella.
"Saka pwede mo namang tinuro lang ang gunting, 'di mo na ako kailangang batukan. Ikaw kaya sipain ko." nanghahamon niya akong tinignan.
"Subukan mo, sasapakin kita." nanghahamon na sabi ni Stella, pero ang mata nakatutok sa cardboard na dinidikit niya sa isa pang cardboard.
"Payag ako, pero may kiss na kapalit." Nakangising sagot ko na nakatutok sa cardboard na ginugunting ko.
Nakatanggap naman ako ng batok mula kay Stella.
"Ano ba!, muntik nang maputol kamay ko." reklamo ko, tinaasan lang niya ako ng kilay at inirapan.
"Pake ko, kamay mo 'yan, hindi sakin." Pasalamat talaga 'tong babaeng 'to siya mahal ni Kuya. Baka naitapon ko na 'to bintana.
"Finish!" Nagulat ako sa bigla nyang pag sigaw.
"Maganda ba, Blake?" nakangiting tanong niya, napangiti na rin ako.
"Oo, sana ikaw rin." Nawala ang ngiti niya. Agad akong tumakbo nang kunin niya ang lalagyan ng glue at binato sakin.
"Bumalik ka ritong bwesit ka!" sigaw niya.
Lumabas ako ng kwarto niya habang hinahabol pa rin niya ako.
"Tulong! Hinahabol ako ng mangkukulam!" sigaw ko habang tumatakbo.
Napapatingin na tuloy saamin ang mga maid na nadadaanan namin.
"Bwesit ka talaga, Blake!" sigaw din ni Stella habang binabato ako ng mga gamit.
"Tulong! May babaeng baliw na humahabol saakin!" sigaw ko.
Nakarating kami na kami sa dining room nila Stella pero hindi pa rin siya tumigil kakabato sakin ng gamit.
Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko si Tito Simon, ang Daddy ni Stella.
"What—"
"Bwesit ka talagang gago ka!" Sigaw ni Stella at binato ako ng tinapay na nakuha niya sa lamesa, kaagad ko 'yong sinalo. Sayang kasi.
"Tito Si, tulong. Kanina pa siya ganyan." sumbong ko kay Tito at nagtago sa likod niya.
"Stellar, why are you throwing stuffs at Blake?" tanong ni Tito kay Stella.
"Oo nga, inaano ba kita." sabi ko habang nagtatago pa rin sa likod ni Tito Si.
Lumapit si Stella sakin pero ginawa kong sheild si Tito Si.
"That's enough, Stellar." seryusong saway ni Tito Si.
Tumigil naman si Stella na nakabusangot ang mukha at masamang nakatingin saakin. Binelatan ko lang siya.
"Who broke all the furnitures at the second floors hallway?" Tanong ni Tita Amelia na kakapasok pa lang.
Lahat ng maid at pati na rin ako tinuro si Stella.
"Oh, shit." mura ni Stella.
—Mealudie
YOU ARE READING
MSIH Series 1 : What Is Love
AçãoFor a person who knows the definition of love in the dictionary and some theories, but does not know what it feels in herself, it is hard to answer the question 'what is love?' Xyrrah Lawrence an agent trained since birth to protect her country and...