XYRRAH
"Tumawag ako sa'yo dahil may kailangan kang malaman. May spy dito sa palasyo. Sila ang nagbibigay impormasiyon kung nasaan ka."
"Do you know who is it?" Sir Xavier asked. "No, pero nakita kong naguusap 'yong lalaking nasa pinakita mo saaking larawan ng kanang kamay no'ng taong gustong kumuha kay Princess Vrella."
The three talked about some stuffs and the plan to keep the Princess Vrella safe and keep their switching position a secret.
After that we all went to our separate rooms.
I dropped myself on the bed because of exhaustion. When my phone rang. I lazily took it out from my pocket.
I frowned as I saw that it's the same unknown number that texted me at the airport. Curiously, I answered it
"Buti sinagot mo. Akala ko 'di mo sasagutin-"
"Sandoval?" based on his voice, it's the guy who's famous by the title of 'Campus Player'. Blake Sandoval
"Wow galing mo ah, nabobosesan mo pala ako, hindi m-"
"How could I not recognize that voice of yours, you're such a chatterbox."
"Napapansin mo pala ako, akala ko hindi. Kung makatutok ka kasi kay Vrella kala mo siya lang nag-iisang tao sa palagid."
'Because it's my job to keep an eye of her highness' my mind said
"So?, may I ask where did you get my number?" I asked to avoid of getting into the topic of her highness
"Dinukot ko phone mo. " His answer made my eyebrows raised
"When? And how?" The other line laughed
"Haha, Xy, you're too serious like your brother. I asked my sister about it, but she won't tell me so, I took her phone while she's asleep and look for your number on her contact list. Hindi ako madurukot no, para dukutin ko 'yan phone mo. Saka napakapogi ko-"
"Oh, shut up. I get it."
"Okay, okay. Pero ba't ba palagi kang nakatingin kay Vrella?" I sighed, of all questions
"None of your business."
"Wala akong negosyo-" I ended the call
That Sandoval is crazy. I don't want to get infected with his virus-like what happened to Scott.
BLAKE
"Hello?" tanong ko ng biglang tumahimik ang kabilang linya
"Hello?" ulit ko
"Hello?" Nabaling ang tingin ko kay Sword na ginagaya ako at kunyari cellphone ang hawak niyang saging na nilalagay sa tainga niya
"Hello, yes, hmm-mm, opo, mandurukot ako. Dinukot ko phone mo. Tapos binalik ko sa'yo para makatawag ako." parang baliw na sabi ni Sword sa saging na hawak. May pa tango-tango pa at nang-asar ang ngiti saakin
"HAHAHAHAHA. Gago ka talaga kahit kailan, Sword. HAHAHA." Tawang tawang sabi ni Luke
"Pfftt, binaril ka na nga baliw ka pa rin, Sword." Pigil tawang sabi ni Katana
"I have my gun with bullets, Blade. You can borrow it." sabi ni Boss, dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Sword
"Boss Axe, naman. Kakabaril mo pa lang sakin eh, tapos ipapabaril mo na naman ako kay Blade. Ang puti ko na nga oh, dahil 'to sa kakulangan sa dugo." reklamo ni Sword at ipinakita kay Boss ang balat niyang natural lang ang puti
"Wow, nahiya naman sa'yo ang dugo kong naging transparent na dahil naubos na red blood cells at white blood cells ko dahil sa mga kagaguhan mo." reklamo ni Luke
"Mas nahiya 'yong dating flawless na katawan kong napuno na sa pilat dahil sa mga kutsilyong nagliliparan, tapos binaril pa ako. At ito,may bago na naman." inis na sabi ni Katana at inangat ang kamay niyang may benda dahil nadaplisan ng bala kanina sa pagbaril sa kanila ni Boss
"Pasalamat ka nga sa kamay lang ang daplis mo, ako nga sa balikat. Ang sakit tuloy igalaw-galaw 'tong balikat ko." Angal ni Luke
"Wow ah, ako nga muntik nang mamatay kanina dahil tumalon ako sa 'tulay do'n kasi akala ko malalim 'yong tubig, tagatuhod lang pala. Ang sakit tuloy ng katawan ko. Tapos dumagdag pa 'tong leeg kong nadaplisan ng bala." Tumawa kaming lahat sa sinabi ni Sword
"Putang ina, ilang taon ka na rito tapos ngayon mo lang nalaman na tagatuhod lang ang tubig do'n sa baba ng tulay? HAHAHAHA." tawa ni Luke
"Aba, malay ko. Ang mga gwapong katulad ko kasi, bagay lang kay Katana, hindi ro'n sa tagatuhod na tulay na 'yon." mabilis na umilag si Sword sa mansanas na binato ni Katana sa kanya
"Hindi ka bagay sa tulay na 'yon at mas lalong hindi ka bagay sakin. Bagay ka sa imbornal." inis na sabi ni Katana at binato kay Sword ang isa pang mansanas, at dahil nakailag si Sword, si Luke ang tinamaan
Mabilis na nagtago ako sa likod ng sofa para hindi madamay sa batuhan nila ng prutas at para na rin e-text si Xyxy ko
"That's enough!" tumigil ang pagliliparan ng mga prutas at gamit dahil sa makapangyarihang boses na 'yon ni Boss
Sumilip ako ng konti mula sa sofa at nakita kong nandidilim ang mukha ni Boss Axe at may binalatang saging ang ulo niya
"Kadiri, sino bumato niyan?" nandidiring tanong ni Katana
"Boss, parang tae 'yang nasa ulo mo." Sabi ni Sword sabay turo sa saging na nasa ulo ni Boss. Gago talaga 'yang Sword na 'yan
"Sinasabi mo bang baliw si Boss?" Tanong ni Luke
"Ikaw nag sabi niyan, hindi ako." Tanggi ni Sword. Napatampal nalang ako sa kagaguhan nilang tatlo
Nasa bingit na nga sila ng kamatayan nagawa pang magbiro. Hindi na ako nagulat nang makarinig ako ng putok ng baril
"Boossss!" sigaw nilang tatlo habang hinahabol ni Boss at pinapaputukan
Napailing nalang ako. Mamaya babalik ang mga 'yon na may daplis ng bala o kaya naman may baling buto at mukhang sabog na mga pulubi. At sigurado akong sila ang maglilinis ng mga kalat nila rito. Ang kapal naman nila kung ako maglilinis nitong kalat nila
"Hindi pa ako sinasagot ni Katana Boss!" rinig kong sigaw ni Sword
Napailing nalang ako ng makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril at mga mura ni Luke
Hayss. Kinakatakutan pa naman ang tatlong 'yon. Kaso puro kagaguhan lang alam
-Mealudie
YOU ARE READING
MSIH Series 1 : What Is Love
AksiFor a person who knows the definition of love in the dictionary and some theories, but does not know what it feels in herself, it is hard to answer the question 'what is love?' Xyrrah Lawrence an agent trained since birth to protect her country and...