CIE 64

523 20 3
                                    

Naalimpungatan ako kaya bigla akong napamulat. Nasa kwarto nya ako. Sout ko pa rin ang dress ko at medyo hindi ako makagalaw. Kumuha ako sa closet nya ng isang plain black v-neck t-shirt at isang boxer short. Dumiretso ako sa banyo. Ganito ako kalasing kagabi? Aba! Matinde na yan Nadine!

Hindi naman ako gaano nagtagal sa banyo at lumabs na ako ng kwarto nya. Papunta na sana ako sa kusina ngunit napabalik ako sa may hagdanan. Huminga ako ng malalim, my God. Pandesal na naman, jusko po, nagiging ganito ka na kamanyak Nadine? Magtino ka kahit ngayon lang naman.

I calmed myself and count one to five. Dahan-dahan akong pumunta sa kusina at nakita ko syang nagtitimpla ng kape.

"nanjan ka na pala, anong ginagawa mo sa hagdanan?"

Biglang lumaki ang mga mata ko at pabilis ng pabilis ang paghinga ko. Naman e! Nagbibigay ba sya ng motibo?!

"wala"

Kaswal kong sagot pero yung totoo paano nya nalaman yun? Omg!

"here"

Abot nya saakin ng isang kape. Bumalik uli sya sa pwesto nya kanina at nilabas sa oven ang mga ulam.

Tahimik kaming kumakain at siguro'y mayroong ilangan sa pagitan naming dalawa. Paminsan-minsan ay pinagmamasadan niya akong kumain at gusto kong takpan ang mukha ko sa tuwing tititig sya sa akin.

Huminga ako ng malalim at bumwelo sa sasabihin ko sa kanya. Pinag-isipan kong mabuti ang desisyon kong ito kahit na alam kong pwede ulit mangyari ang nagyari noon. Kahit na alam kong maari ulit akong masaktan ng dahil sa kanya.

"I'll give you yur last chance, James"

Mahina kong bulong sa hangin pero sapat na yun para marinig nya. Ito na ang huling beses  na bibigyan ko sya ng isa pang pagkakataon pero ngayon, sisiguraduhin kong hinding-hindi na niya ako masasaktan.

Sisiguraduhin kong kung mayroon mang masasaktan sa aming dalawa, hindi na ako yun.

Nagulat naman ako nanag bigla siyang mabulunan nang dahil sa sinabi ko. Ubo sya ng ubo, pulang-pula na rin ang mukha nya. Nataranta ako at nagmamadali akong kumuha ng tubig at pinainum sya. Baka kasi mamatay pa to sa harapan ko, konsyensya ko pa.

"Papatayin mo ba ako?!"

Bulyal nya saakin nang medyo mahimasmasan na sya. Sinamaan ko sya ng tingin. Mukhang hindi nya matatagalan ang binigay kong chance sa gonggong na to. Aba, minsan lang magbigay ang mga babae ng third chance.

"oh? Nangsisisi ka jan?"

Sabi ko sabay tingin sa kinkain ko. Himala ngayon ay medyo masarap ang luto nya. Puro cake at cupcakes lang kasi ang alam nito noon.

"you mean, t-tayo na ulit?"

Nakangiti nyang tanong saakin. I arched my left eyebrow.

"ibang klase ka talaga, nahiya ang encyclopedia sa kakapalan ng mukha mo, no?"

"eh, sabi mo you'll give me another chance. So it means, tayo na ulit?"

"Ligawan mo muna ako! Ang kapal naman ng budhi mo. Babae pa rin naman ako kahit paano. As much as possible, papanatilihin ko ang pagiging Maria Clara at hindi pagiging Maria Ozawa lang. ano yan? Easy-easy lang? ano ka? Chicks? Hala, dapat mo munang paghirapan ang dyosang katulad ko"

"Hindi ba pweding ituloy na lang natin yung nasimulan na natin? Naligawan na kita dati ah? Ang panget na kung babalik pa sa kinaunpisahan"

Proud nya pang sabi saakin.

"hoy, Connor! Anong palagay mo saakin? laro sa computer pwede mong e pause at e play? Nuh, kung ayaw mo naman edi wag, hindi naman ako namimilit sa taong may gusto"

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon