CIE 67

560 20 13
                                    

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nagyari sa mansion nila James. Hindi nya pa rin ako kinakausap. Pati mga kaibigan ko hindi na rin. Parang hindi ko kaya e.

Sila Allyson, Alliex, at John bumalik na ng Canada. Pinatawad ko na naman sila. Sabi nila nagawa lang nila yun kasi akala nila magiging masaya ako.

"hahaha! Hoy Erdy! Baka bukas nyan, may boobs ka na!"

Natatawa sigaw ni Joe. Bigla naman syang sinapak ni Ella.

"yang bunganga mo Boo!"

Sigaw ni Ella. Nakita ko naman si Bea na masayang nakipagtatawanan sa mga kaibigan ko, hindi na sya ang dating Bea, nagbago na sya dahil kay JP. Nakaplano na nga ang araw ang kasal nila ni JP sa susunod na taon. Nakita ko naman si Trishia na hawak ang tyan habang tumtawa, manganganak na pala sya sa susunod na buwan, magiging daddy na ang kambal ko. Nakita ko naman si Tristan na panay ang ngiti habang nakatingin kay Fiel. Nakita ko rin si Ivan na nakaakbay kay AJ. Kaya na pala nilang sumaya kahit wala ako.

"e kung e umpog ko—"

Napatigil si Kelly sa pagsasalita nya nang makit akong papalapit. Naglilingunan naman sila. Nginitian lang ako ni Klein at Gabriel. Umamin rin kasi sila na kasali sila sa plano.

"sorry"

Yun lang ang nasabi ko. Biglang nagbago ang expresyon nila na parang galit na galit. Hindi na nga sana ako pumunta dito e. alam ko kasing magagalit sila.

"haaay! Ano ba yan, umalis ka na. Baka kasi hindi ka namin maiwasang hindi mayakap"

Sigaw ni Missy. Nagulat ako kasi bigla silang nagtakbuhan sa harapan ko at niyakap nila ako. Naiyk ako sa ginawa nila.

"sorry talaga guys ha?"

Pagsosory ko sa kanila. Bigla naman nila akong sinapak.

"gaga ka always! Alam naman namin e na hindi mo kasalanan, tsaka. Nagulat lang kami hindi kami galit. Sorry din"

Pagyakap saakin ni Claudette.

Umupo kami sa table nang mapansin namin na gumagawa na pala kami ng eksena dito sa stabucks.

"so, anong plano mo?"

Tanong saakin ni Sab. Oo nga pala.

"guys, aalis ako—"

"AALIS KA NA NAMAN?!"

"IIWAN MO NAMAN KAMI?!"

"PLANO NA NAMAN BA TO?"

Sabay-sabay nilang sigaw saakin.

"hindi. Aayusin ko lang ang buhay ko. Babalik ako dito pag okay na ang lahat."

Bigla naman silang umiyak at niyakap ako.

"ano ba yan Cassy. Nakakabakla ka na ah!"-Ivan

"wala ng magtatangol saamin kapag inaway kami ng mga babaeng to!"-Tristan

Naluha rin ako. Aalis lang ako para ayusin ang buhay ko, para rin makalimutan nya ako. Kashit masakit sa loob.

Ilang oras rin akong nakatambay doon. Maya-maya ay hinatid na ako ni Gabriel paauwi. Nalala ko na malapit na pala ang alis ko.

I texted him

To: James

I'll miss you. Sorry.

Hinintay ko baka mag-reply sya kasi nagri-ring pa rin ang phone nya kapag tinwagan ko. Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga ko nang mag beep ang cell phone ko. Napangiti ako pero agad naman iyong napawi dahil sa nabasa ko.

From: James

Who's this?

Bigla akong napahawak sa bibig ko para pigilan ang hikbi ko. Hindi nya pa rin ako mapatawad. Wala naman akong kasalanan e.

Tumayo nalang ako pinunasan ang luha ko. Nakita ko ang isang box na may lamang mga pictures namin. Habang tinititigan ko yun, bigla na naman akong mapaiyak. Napatingin rin ako sa daliri ko kung nasaan yung ring. Ang sakit lang.

———-

Maaga akong nagising at hinihintay ang tawag galing kay tita kasi sabay kaming pupunta ng Canada. Sila mama at papa naman nauna na saka si Trishia at Gabriel. Uuwi lang sila dito after manganak ni Trishia.

Nagsuot ako ng isang skinny jeans, nka loose shirt na rin ako at tinali ang buhok paitaas. Humarap ako sa salamin at pilit na ngumiti. Dito na rin ako sa condo ko nagpalipas ng gabi.

Kinuha ko ang mga gamit ko sa gilid ng higaan ko at nahagip ng mata ko ang larawan namin ni James. Bigla na naman akong napaluha. Ngumiti na naman ako ng pilit. Hindi nya alam na ngayon ang alis ko. Kagabi nga inaasahan ko na nandito si James sa unit nya pero wala sya.

Bumaba na ako ng building at nagpaalam sa mga katiwala doon. Sinuot ko yung ray-ban ko para hindi mahalata na naiyak ako. Naghintay ako sa may tapat ng building ng taxi. Hindi naman nag tagal ay may taxi na huminto sa harapan ko. Lumabas yung driver at tinulungan akong ipasok yung mga gamit ko pero bago mangyari yun ay may isang familiar na kotse na biglang huminto sa likod ng taxi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Lumabas sya doon. Mukhang bagong gising pa sya. Naka-boxer shorts lang sya at naka-sando. Gulo-gulo pa yung buhok.

"James"

Pagbanggit ko nang makita ko syang nakatayo. Bigla akong naiyak at tinanggal ko yun ray-ban ko. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, parang tatakbuhan ako ng bait sa nakikita ko.

"subukan mong umalis at iwan ako. Hindi ako magdadalawang isip na buntisin ka, Right here right now" 

————

OMG!

-Bless

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon