CIE 58

420 22 14
                                    

Dedicate to JaDineLBS, thank sa votes dear :) Enjoy!
-----
"Ate Ate, wake up! wake up"

Nagising ako sa boses ng pinsan ko. Tinanggal ko ang headphone sa tenga ko at hinarap sya. Nakatulog pala ako sa gitna ng byahe ko papuntang Pilipinas. Yes, I'm coming back.

"yes baby?" Mahina kong tanong sa batang ito. Ang cute nya talaga.

"Ate! Maglalanding na! I'm so excited!"

Excited nyang sabi saakin. Pinaupo naman sya ni Tita. Kasabay ko kasi sila sa byahe pero hindi naman kami pariho ng lugar na pupuntahan.

"okay. Thank you little Angel"

Sabi ko at umayos ako ng upo.

Ilang taon na rin ang lumipas simula ng umalis kami dito sa Pilipinas. Oo, namiss ko ng sobra ang Pilipinas. Kahit paano ay hindi ako nahirapan na tumira doon kasi galing na naman ako doon, sadyang napakahirap lang gumising sa umaga na wala ang kaibigan mo, pero buti nalang at nandyan ang pamilya ko para pasayahin ako. I enjoyed living there, and I made friends. I even had boyfriends there and they're actually all hot. Tinapos ko ang pag-aaral ko doon, pagka-graduate na pagka-graduate ko binigay na ni Lolo namin ang kompanya doon. Nag-aral nga ako ulit kung paano yun patakbuhin. Masyado naman kasing advance sa abroad at mabilis naman akong nakapag-adjust.

About him? I already moved on, madali lang kalimutan si James dahil hindi ko naman sya kawalan, hindi sya hot at mas lalong hindi sya gwapo para pahirapan ang sarili ko na hindi sya kalimutan. Ano sya? Chicks na patuloy kong mamahalin kahit hindi ako mahal? I'm not like that. Mabilis ko lang syang nakalimutan dahil sa tulong ng pamilya at mga kaibigan ko. Hindi naman ako nawalan ng communication nila Ella at ng gang. Palagi ko naman silang kinakausap, lalo na ang mga baliw, minsan nga habang nagska-skype kami umiiyak sila, mga baliw talaga. Kahit wala ako sa Pilipinas, alam ko ang nangyayari.

I closed my eyes and I keep myself calm. Naghintay ako ng ilan pang minuto hanggang sa naglanding na kami. Kita ko sa mga mukha nila ang ngiti na excited makita ang mga kaibigan at pamilya nila. I just made face, excited naman ako but I don't need to smile like that. I'm excited to see their faces if they saw the new Nadine Cassandria Rodriguez.

A smirk flashed on my face, this will be a nice vacation.

Kinuha ko ang gamit ko at lumabas ng eroplano. Hindi naman talaga ako dapat nandito, pinilit lang ako nila mama at papa na umuwi. Hindi muna ako sumabay sa kanila kasi gusto kong e-surprise ang Pilipinas. At inaasikaso ko rin ang company para si lolo muna ang magbantay.

Touchdown, Philipinnes. Kinuha ko ang sunnies ko at sinuot iyon. Parang gusto kong halikan ang sahig ng Pilipinas.

Welcome back, Nadine.

--

"WELCOME BACK NADINE!"

"WELCOME BACK CASSY!"

Awtomatiko akong tumakbo papalapit sa kanila. Grabe, pinaghandaan talaga nila ang pagdating ko. Nandito ang buo kong pamilya at ang gang. Isa-isa ko silang niyakap, sobrang namiss ko ang mga to.

"OMG! Mas lalo kang tumangkad Cassy!"-Sab

"holo! Ang ganda ganda mo na!"-Joe

"tapos yung future mo, lumago na!"-Erdy

Bigla naman syang hinapak ng mga babae.

"bunganga mo Erdy hindi pa rin nagbabago!"

Sabi ko naman sa kanya.

"Grabe, ang laki ng pinagbago mo Cassy"-Ivan

"noon, Chihuahua ka pa, ngayon German na. HAHAHAHA!"-Leo

"NAMISS KA NAMAN SOBRA!"

Bigla nila akong niyakap. Pati boys nakikisabay na rin. Nakita ko naman sila mama at papa, si John at Allyson at ang buntis na si Alliex with her hubby Louie. Oo, 2 months preganant na ang loka, nagpakasal na kasi. Si John at Allyson? Ewan ko kung kalian pa sila magpapakasal. Nakita ko rin si Gabriel na yakap-yakap ang buntis nyang asawa na si Trishia. Napa-smile nalang ako.

Kahit pagod na ang katawan ko at gusto ko ng humiga, pinilit ko pa rin ang sarili ko na magkipag-kumustahan sa kanila. Naghanda ng party si mama, nakita ko ang mga ngiti nila sa labi na masaya sila dahil naka-uwi ako. Hindi rin pala sayang.

Nang matapos ang party, agad akong pumanhik sa kwarto ko. Pati kwarto ko ata namiss ko. Naghubad ako at hindi ko na nagawa pang magsout pa ng damit. Sanay naman akong matulog na naka brasseries at underwear ang suot ko. Pagod na pagod na ako.

Kalahati na sana ng katawan ko ay nasa dreamland na kaso itong phone ko kanta ng kanta. Hindi ko naman yun pinansin baka kasi tumigil, pero nasisira na ang tulog ko kasi ilang minuto siyang ring ng ring. Marahas kong kinuha ang phone ko at sinagot yun.

"who this?!"

Iritable kong tanong. Bahala na kung sinong nilalang pa ito, ginugulo nya ang pagpapahinga ko, hindi naman sya nagsalita.

"Leshe! Sino ba kasi to?! Kapag talaga nalaman ko kung sino ka papatayin kitang gago-"

"Nadine"

Natahimik ako. Hindi ko inaasahan na sya pala to. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ang boses nya sa loob ng ilang taon na hindi namin pag-uusap at pagkikita.

"Fvck you, James"

Mabilis kong sabi sa kanya at pagkatapos pinatay ko ang tawag. In-off ko rin yung phone ko para masigurado na hindi ako madisturbo.

--

Nagising ako sa ingay sa ibaba. Agad akong nagbihis mamaya na ako maliligo. 1pm na pala. Napasarap ayat ang tulog ko. Bumaba ako at nakita ko sila sa lamesa na masayang kumakain.

"Hello family!"

Masiglang bati ko sa kanila. Nakita ko naman si Trishia. Masaya ako kay Gabriel at naisipan nya na si Trihia na talaga. Akala ko nga hindi sila magkakatuluyan kasi nagago ang kambal ko noon.

"Kumain ka na, Princess"

Princess pa rin talaga ang tawag saakin ni papa.

"mamaya na pa"

Hinila naman ako ni mama sa upuan ko.

"anong mamaya? Kumain ka na! Ikaw talaga Nadine ha! Sinasanay mo yang kalusugan mo!"

Wala na akong nagawa kundi ang kumain. Nagmamadali akong kumain kasi naglalandian kasi si Trishia at Gabriel. Guguluhin ko lang. Hahaha.

"sa Santorini? Gusto mo dun?"

Tanong ni Gabriel habang nilalaro ang mga daliri ni Trishia.

"dito nalang, mas gusto ko dito"

He sighed. Ano bang problema ng isang ito?

"eh kasi babe, marami kasi akong ano-alam mo na tapos baka manggulo sila sa kasal natin"

Bigla naman ako natawa. Oo, hindi pa kasi sila kasal, ayaw kasi ni Trishia na lumakad sa altar na chubby kaya ayan.

"ano? Kasalanan ko pa? edi mainggit sila!"

Mataray na sabi ni Trishia. Iba talaga kapag buntis.

"ikaw naman kasi kambal, hindi ka pa rin nagbabago"

Napalingon naman sila sa akin habang nakasandal ako sa dingding at naka crossed arm.

"nagbago na kaya ako!"

Sigaw nya saakin.

"yang mukha nagbago!"

Sigaw naman sa kanya ni Trishia.

"I'm happy for you, guys"

Sabi ko sabay ngiti. Umupo ako sa harapan nila at kinuha ang phone ko. Naalala ko bigla ang nagyari kagabi at napangisi ako. Ang sarap palang murahin si James paminsan-minsan. I texted Ella. Dapat nilang malaman na nagbalik na ang Dyosa.

To: Ella

Tell them that Queen Nadine is back.
----

Anong gagawin ko kay Nadine?! Tulong mga langit T.T
Anyway, gusto nyo ng dedic? Feel free lang, magsabi lang kayo :)

-Bless

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon