CIE 53

526 25 11
                                    

Dedicated to her, hi dating schoolmate :)) Thank you reading my story, enjoy :D

—————

Noon, sa TV, libro at movies lang ako kinikilig ng ganito. Yung tipong mapapapadyak ka na ng sarili mong mga paa. That moment na lalabas na ang puso mo sa rib cage, yung moment na hindi mo na alam ang gagawin mo.

"wag ka nga James, ang bakla nito!"

Sabay tulak ko sa kanya sa kanyang upuan at natawa ako bahagya.

"I told you! Sana hindi nalang yan yung pinanuod natin!"

Wala kasi kaming ginagawa ngayon at kakatapos lang ng opening ng bagong bakeshop nila James. Kaya ito, sya nag aya na manood ng sine. Ngayon ko lang nalaman, takot pala to sa multo. HAHAHA!

"sht! Hindi na talaga ako manununood nun! Pero okay lang, naka-tsansing naman ako sayo"

Sabi nya sabay akbay saakin. Ewan ko ba sa timang na to, kahit ano nalang ang naiisip.

"ewan ko sayo!"

Sabi ko nalang sa kanya. Hindi naman halatang kinikilig ako e!

"gutom ka na?"

"umm, oo. San mo gusto kumain?"

"basta, sumama ka nalang saakin"

Hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako papasok sa isang restaurant. Buong oras lang kami nagkwentuha. Pati pag tulog nya kinuwento rin nya. Parang sinusulit nya bawat oras na meron kami. Pati nga sa pagkain namin ngayon, magkatabi kami.

"so, Kaylan ang kasalan? Invited ba ako?"

Napatigil ako sa pagtawa nang may magsalita sa likuran namin ni James.

My left eyebrow automatically arched nung malaman ko kung sino yun. Nakangisi sya habang palipat-lipat ng tingin saamin ni James. Naramdaman ko ang mahigpit na pagpulupot ni James ng braso nya sa bewang ko.

"Bea"

Mahina kong sabi. Mas lalo lamang syang ngumisi at sinuklian ko naman sya ng matamis na ngiti.

"nag-proposed na pala sya sayo? At nag-yes ka naman? Hindi mo talaga pinapalagpas ang ex ko?"

She said in a mocking tone. Wow. Proud sya, bravo.

"Bea"

Mariing suway ni James sa kanya.

"what?!I'm just stating the fact!"

Natatawang sabi ni Bea.

"Let's go ebabs, pabayaan mo na sya"

Sabi ni James. Akmang aalis na kami ngunit pinigilan ko sya.

Bakit? Palalagpasin ko nalang ba ang sinabi nya? Ako yata si Nadine Cassandria Rodriguez. Fetus palang ako, nakikipagbasag-ulo na ako sa mga tao na walang alam gawin kundi ang guluhin ang buhay ng may buhay.

"At ano naman ang pakialam mo? At wala akong pakialam sayo, bakit? Iniisip mo ba na magpakama sa kanya katulad ng ginawa mo sa kanya dati?"

"bakit? Natatakot ka na gawin ko ulit sa kanya yun at maagaw ko ulit sya sayo? Hay, alam mo Nadine. Akala ko natuto ka na dati e, na hindi mo deserve si James at hindi ka rin nya derseve. Masasaktan ka lang, Nadine"

"at sino sa tingin mo ang deserve sa kanya? Ikaw? Alam mo rin? Akala ko natauhan ka na sa sampal ko sayo noon e, sa tingin mo kulang pa? Gusto mong ikama ang lalaking ito? Go! Hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin! Pero tandaan mong hinding-hindi ko papayagan na tapakan lang ng katulad mong basura ang pagkatao ko. Minsan ka na ring dahilan para masaktan ako noon at sinisigurado ko na sa oras na mangialam ka pa sa buhay ko, walang pag-alinlangan kong ilunod ka sa milk tea at balatan ka ng buhay"

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon