CIE 6

1.2K 51 3
                                    

Wish granted @mariebagang :)) add mo ha? harthart :*

---------------------

-Nadine's POV-

One week na ang nakalipas nung nangyari sa school. Si John na talaga ang new bestfriend ko. Ang mga negrang inggeterang anak ni Ursula ayun nainggit, ikaw ba naman ang may kasamang mukhang artista kakainggitan ka talaga. Napansin nyo yun ? Rhyme.

Madalang nalang kami nag-uusap ni James. Lumalabyap na si Sab dahil sinagot na nya ang Louie na yun, si Alliex 'hunting girl' parin kasama ang mga baliw na barkada.

Kasalukuyan akong naglalaro ng badminton, ito lang kasi ang kaya kung laruin during PE time.

Eh pinanganak talaga akong tanga, natagilid ako at natapilok. Tatanga-tanga ba naman ! Ang sakit !

"awww, sheeet ang sakit !"

Putek, masakit talaga !

"talo kana ! Score ko yun!" - Mikee

At hindi man lang ako tinulungan, mga baliw talaga !

"wag kang mag-alala friend kung natapilok ka..." - Fiel

"PINASMILE mo kami ! HAHAHAHA !" - sila

"mga baliw talaga kayo no ? Di nyo man lang ako tinulungan ! Waaaa ang sakit talaga !"

Langyang barkada yan ! Di man lang ako tinulungan, wala rin si sir !

"ohh ? Anyare sayo Cass, okay ka lang ?!" - John

Aba ! okay pa ba ako sa lagay na to ?

"ayy tanga, kitang natapilok na nga yung tao, tinatanong kung okay pa, tulungan mo nalang kaya ako !"

Sigaw ko kay John, napuno na naman ng tawanan ang court !

"tendendeden ! tendendeden ! tininidendenden --- ARAY !" - Erdy

"gaga ka talaga bakla no ? graduation song ang kinanta mo hindi wedding song !" - Luisa

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAAHAHA" - sila

Nakikitawa naman si John, sinamaan ko sya ng tingin at napansin nya naman yun. Tinulungan naman nya naman ako at tinungo namin ang clinic.

-Clinic-

Unfortunately, wala si Ma'am Boyles kasi may klase pa ito, wala rin si Ateng nurse, lokang gaga ! Malaki ang sweldo nun tapos sa guard house ang trabaho ng nurse na yun ?! Gagamutin nya siguro ang guard ng himala !

"oh Kevin ? Napano ka ? Pasok" - John

Napatingin ako kay James sa may gilid ng clinic, may hawak na tubig ang namumutla pa.

"ayy wag na, hyper lang naman to" - James

"may gamot naman dito e" - John

"hintayin ko nalang ang nurse, tsaka....." - James

Sabi ni James, sus, si Allyson lang ang hinahanap nyan which is na sa badminton court.

"ayaw mo talaga ?"

Tanong ni John, tumingin lang sya sakin tapos kay John at umiling, lumabas naman ito at umupo sa may upuan.

Pero nang tingnan nya ako kanina, nagja-jumping rope na naman ang heart ko. One thing reminds me.. No hindi dili, three languages yan para ma intindihan nyo.

-Third Person's POV-

Pinaupo ng maayos ni John si Nadz na ngayon ay iniinda ang sakit sa paa nya. Kumuha si John ng oil at pinahid sa paa ni Nadz.

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon