CIE 65

546 22 3
                                    

"himala, hindi mo ata kasama si Kevin?"-Missy

"oo nga no? Pansin nyo? anong nagyari ba?"-Kelly

Napansin ko namang nagpipigil ng tawa ang boys. Sabihin lang nila, maliligo talaga sila ng juice.

"oyy ano ba! Ano ba kasi yun Gabriel?!"

Sigaw naman ni Trishia at napatayo talaga sya. Ang saklap mo ngayon Gabriel.

"hoy yung buntis! Yung bunstis!"

Sigaw naman ng mga babae.

"hehe kasi nga, online yung bespren ni Kevin nung nakaraang lingo"

Natatawang paliwang ni Ivan. Bigla ko namang naalala yun at naiinis ako! Bwiset.

"oh? Tapos?"-Ally

"ayun, minanyak si Cassy"

Pagkasabi naman ni John nun, bigla silang natawa. Napairap nalang ako sa hangin. Tss, bahala si James na hanapin ako saang lupalop ng mundo basta wala ako sa mood ngayon. Sira na nga yung araw ko nun dahil sa bwiset na Bea na yun.

Bigla naman silang natigil sa kakatawa nang mag-ring ang cellphone ko. Sabay nila akong tinignan ng alam-na-this look at tinignan ko naman sila ng why-do-you-care look. Dahil sa naiingayan ako, sinagot ko nalang yung tawag.

"nasaan ka?"

Mariin nyang tanong habang kasawal ko lang na inilagay sa tenga ko ang phone ko. Tahimik lang yung mga kasama ko na parang nag-aabang ng susunod na mangyayari.

Two weeks na kasi akong hindi nagpapakita sa kanya. Wala lang, trip ko lang tsaka medyo na-busy ako sa company. Ngayon nga lang siguro ako naka-free time. Tawag ng tawag kasi si lolo. Binalik ko ang atensyon ko sa kausap ko.

"starbucks, why?"

Kasawal ko namang sagot. Tinititigan lang ako ng mga barkada ko. Alam kasi nilang binigyan ko na ng chance si James. Wala namang masama diba? At sana naman this time, ayusin na nya ang ginawa nya saakin dahil pag sinyang nya yung chance na binigay ko, tatawanan ko nalang sya.

"with?"

Mariin nya pa ring tanong. Ano ba to, imbistigador?

"mapagpanggap yan ang Kevin na yan, kunyari galit sayo pero hindi ka pala matiis"

Natatawang sabi ni Ella saakin. at bigla silang nagtawanan. Seninyasan ko naman silang tumahimik.

"boyfriend ko"

Nakangisi kong sagot sa kanya. Na-iimagine ko na ngayon kung ano ang expression nya.

"wait me there, I'll kill that bastard!"

Sabi nya at pinayatan ako ng tawag.

"That jerk!"

Bulyaw ko. Hindi ko maintindihana ng sarili ko e. bakit ko ba sya binigyan ng chance? Diba dapat ako tong natatawa kasi nga parang pinaglaruan ko sya? Pero bakit ganito? Feeling ko ako yung nasasaktan sa tuwing nasasaktan ko sya? Nabaliw na ba ako?

"hoy kambal, parang bumabalik na kayo sa dati ah?"

Sabi ni Gabriel sabay sundot sa tagiliran ko.

"tigilan mo nga ako! Anong babalik? Mukha nya!"

Naiinis kong tugon, bigla namang sumeryoso ang mga mukha nila.

"what?"

Tanong ko sa kanila.

"alam mo Cass, parang seryoso naman sya e"

Sabi ni Ella habang nilalaro nya yung tinidor sa plato nya.

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon