CIE 4

1.2K 55 9
                                    


Hi @ctrish_9616, thanks for reading my story, lablab :*

--------------------------------

-Nadine's POV-

After dinner, umakyat na kami sa taas para tulungan si Ally na mag-ayos ng gamit nya. Si Alliex naman lumabas para sunduin si Sab, hindi na rin sya makapaghintay para bukas, miss nya na rin kaya si Ally.

Nang matapos na kaming mag arrange, kinuha agad namin ang box. Kung saan naka lagay ang mga pasalubong nya saamin, rich kid po yan.

"I have something for you"

Sabi ni Ally sabay open ng box. Nilabas nya ang anim na set ng victoria's secret perfume and lotion at mga chocolates.

"Thanks  Ally, maakit ko na naman si Louie nito at mas lalo na syang mainlove sakin !" - Sab

"ayyyy ! Makakapaghunting ako ng maayos nito !" - Alliex

"punta lang kami sa veranda, ma testing nga to, thanks Ally !" - Sab

"you're welcome"

Pumasok ako sa kwarto ko at nilatag sa higaan ko ang mga pasalubong nya. Bumalik naman ako para kausapin sya, namiss ko kaya ang mga bara nya sakin.

"Ally, bakit hindi ka man lang nagpasundo, gaga ka talaga kahit kelan"

"Surprise !"

Nakangiti niyang sabi. Abnormal rin kasi to minsan !

"WOW ! Na surprise nga kami !"

Feel the sarcasm XD

"heh ! Tumahimik ka nga ! Oyyyy Cass, samahan mo naman ako bukas !"

Sabi nya sabay hug pa saakin.

"O_O BUKAS ?!"

Hindi ba sya pagod ?

"you're so OA, whats with 'BUKAS' ?"

saba nya sabay make face.

"bakit bukas ? Hindi ka ba pagod ? May jetlag ka pa, pahinga ka muna"

"no I'm not, at bukas na talaga, we have no other vacant time."

Kung maka vacant time to akala mo end of the world na !

"Do you still remember the guy we bumped at the aiport two years ago ?"

sabi nya habang naka smile.

"yes, but I can't remember the face, I was sleepy that time"

"kaya nga samahan mo ako bukas ! Makikita mo rin sya !"

Ano naman ang kinalaman ko don ? Edi mag kita sila, ako okay na, may lakad naman ako bukas.

"pwede next time nalang ?"

sabi ko sabay arrange ng mga gamit nya sa desk.

"Cass, just say yes please ? Umm, If you'll agree, I'll tell mom na dito na ako magsta-stay...for good"

"stay ? For good ?" - Sab

"so you mean, makakapaghunting tayo ng boys forever ?" - Alliex

Mabilis pa sa kidlat nakalapit saamin ang dalawa, sumakit bigla ang ulo ko sa naamoy kong halo-halong pabaango.. Nakatingin pa sila sakin, matching puppy eyes pa, leshe ! Hindi na talaga ako makakatanggi pag ginawa na nila yan !

"kfine"

"HEHEEEEY ! Thank you Cass !"

Iyak nilang sabi sabay hug sakin. Bakit ba ang hina ko pagdating ko sa kanila? They always get what they want when they do the 'puppy eyes' thingy.

Crush, I ExistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon