004.

43 8 3
                                    


Mabilis lang ang naging paglipas ng mga araw. Linggo na ngayon at narito kami ni Rita sa bayan upang mamili ng mga ingredients at pang disenyo sa gaganaping party sa aming apartment bukas.

Mabilis lang kaming nakauwi ni Rita dahil nakatala naman na sa aking ginawang listahan ang aming mga dapat bilhin kaya hindi na kami nahirapan sa paghahagilap ng mga ito sa loob ng pamilihan. Naiwan rin kasing mag-isa si Chichi sa apartment dahil ayaw niyang sumama. Nalibang kasi sa pinanunuod na palabas sa aming telebisyon. Kinandado ko nalang ng mabuti ang aming pinto at pinaalalahanan siyang huwag na huwag bubuksan ito hangga't hindi boses ko ang kaniyang naririnig.

"Chichi, open the door. Mimi is here." narinig ko ang tili nang aking anak mula sa loob maging ang kaniyang pagtakbo papunta sa aming pintuan. "Hi, mimi!" bati niya sa akin habang nakangiti nang malawak.

"Hello, ninang Ritz!" bati niya rin sa babaeng nasa aking tabi at saka nagmano rito.

Pagpasok namin sa loob ng bahay ay malinis ito at kumikintab kintab pa ang sahig. Ang mga unan ay maayos na nakahilera sa aming sofa at ang bintana'y bagong punas din. "Did you clean the whole room, sweetie?" tanong ko sakaniya. Kaya siguro malawak ang ngiti niya mula kanina dahil may ginawa siyang kaaya aya.

"Yes, mimi!" nakangiting sagot niya habang tumatango tango. "Aba, ang galing galing naman ng bebe ko na iyan! Pahug nga ang ninang Ritzzz!" wika naman ni Rita na ngayon ay kagagaling lang sa kusina; inilapag ang mga bitbit na eco bag.

Pagtapos naming mananghalian ay nagsimula na kaming magdekorasyon sa sala. Ikinabit namin ang tarpaulin na aking ipinagawa noong nakaraang linggo at sunod naming pinalobohan ang mga balloons na color white at violet. Naisipan kong gawing fairy ang theme nitong birthday party ni Chichi. Favorite niya kasi ang fairies at favorite niya rin ang color violet.

Habang nagpapalobo kami nang balloons ay tuwang tuwa si Chichi. Halos mapunit na ang kaniyang labi kakangiti at hindi siya maawat sa pagtalon nang matapos na kaming magdisenyo. "This is so amazing, mimi! I love the colors so much and look, I'm a fairy here!" aniya habang itinuturo ang sarili sa tarpaulin.

Seeing my child happy makes me happy too. Tunay ngang nawawala ang ating pagod kapag nakikita nating masaya ang ating mga anak... Hindi bale nang magkandakuba kuba ako kakatrabaho basta maibigay ko lang ang lahat ng pangangailangan at mga bagay na ikatutuwa nang anak ko.

Narito ako ngayon sa kusina at nagluluto nang gulaman. Gagawa ako nang gelatin bilang dessert ng mga bata. Naiwan naman sa sala sina Chichi at Rita upang balutin ang mga candies na ipamimigay niya sa kaniyang mga friends bukas.

Nang kumulo na ang gulaman ay pinatay ko na ang stove at inoff ang gasul. Inilipat ko na ito sa mga plastic container at saka inilehera sa lamesa. Habang hinintay ang mga gulaman ay kinuha ko na sa ref ang all purpose cream, condense, at evap.

Sa isang malalim na lagayan ay inilagay ko muna ang chilled all purpose cream at hinalo ito nang hinalo hanggang sa nagdouble size siya. Sunod kong ibinuhos and condensada at evaporada at saka hinalong muli. Inilagay kong muli ito sa loob ng ref at saka binalikan ang mga gulaman at hiniwa hiwa ito nang pasquare.

Matapos kong gawin ng gelatin, sinunod ko nang gawin ang shanghai para ipiprito ko nalang ito bukas.

Kinabukasan, alas sais palang ng umaga ay mulat na ang aming mga mata ni Rita. Dito na siya natulog kagabi para hindi na siya gumastos ng pamasahe papunta dito. Pupunta muna kami ngayon sa bayan upang magdasal sa simbahan at bumili nang cake ni Chichi.

"Anong wish mo kay Papa God, anak?" tanong ko sakaniya nang makalabas kami sa simbahan. "Secret..." aniya at saka tinakpan ang bibig habang tumatawa. "Baka hindi igrant ni Papa God ang wish ko kapag sinabi ko sayo, mimi."

Pagtapos naming magdasal sa simbahan ay dumeretso kami sa mall na ilang lakad lang ang layo mula sa bayan. Pumunta sina Chichi at Rita sa second floor para magikot ikot habang bumili naman ako nang cake sa Goldilocks.

"Magkano po dito sa chocolate cake ninyo?" tanong ko sa babaeng nasa aking tapat. Rectangular shape itong cake na napili ko at sa tingin ko naman ay kakasya ito sa aming mga magiging bisita mamaya para makakain rin ang mga kaibigan ni Chichi sa cake niya. "499 po ma'am." sagot niya.

"Sige, bilhin ko na to." ani ko at sagot dinukot ang aking wallet sa bag upang kuhain ang aking pambayad. "Pakisulat nalang po dito kung ano ang ilalagay sa cake, ma'am." iniabot niya sa akin ang isang piraso nang papel at ballpen. Kinuha ko naman ito at agad isinulat ang "Happy 5th Birthday, Francheska."

Alas diyes na kami nakarating sa bahay dahil sa traffic. Agad kong inilagay sa loob ng ref ang cake at inilabas ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto nang spaghetti at pansit.

Ako ang nagluto sa spaghetti habang si Rita ang sa pansit. Ako ang nagprito sa manok at siya naman sa shanghai. Nagluto rin kami nang adobo at afritada.

Ala una na kami natapos sa pagluluto at sa pag aayos ng mesa. Ginising ko na ang natutulog na si Chichi upang ayusan siya. Isang bestida na kulay lila ay ipinasuot ko sakaniya at nilagyan siya nang kulay violet na flower crown sa kaniyang ulo. Ibrinaid naman ni Rita ang buhok ni Chichi at nilagyan ng mga glitters ang kaniyang balikat.

Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga kaibigan ni Chichi na siyang mga estudyante ni Rita. Tuwang tuwa naman si Chichi habang tinatanggap ang mga regalong inaabot sakaniya nang kaniyang mga bisita at masayang iginigiya ang mga ito sa upuan.

Natutuwa ako dahil inaasikaso ni Chichi ang kaniyang mga bisita. Hindi rin nito nakakalimutang magpasalamat sa tuwing binabati siya nang "maligayang kaarawan".

"Happy birthday to you...

Happy birthday to you...

Happy birthday, happy birthday...

Happy birthday to you..."

Inilapit ko kay Chichi ang kaniyang cake na may nakasinding kandila. "Blow your candle, Chichi..." ipinikit niya ang kaniyang mga mata at saka tuluyang hinipan ang kandila.

"Happy birthday, Chichi!" sabay sabay na sigaw ng kaniyang mga kaibigan habang pumapalakpak.





The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now