006.

41 8 0
                                    


Mabilis ang naging paglipas ng panahon. Ilang araw nalang at pasko na. Bumili ako nang isang maliit na christmas tree sa halagang nine hundred pesos.

Bumili na rin ako nang ireregalo ko kay Chichi, baka kasi maubusan pa ako nitong fairy doll na ito. Noong nagpunta ako sa mall para bumili nang christmas tree at ilang parol ay napagalaman kong limited edition lang pala ang manikang ito. Nakita ko kasi na panay ang titig ni Chichi dito habang kumikislap ang kaniyang mga mata sa tuwing lumalabas ang ads nito sa YouTube. DeavyGirl ang tatak nito; kumakanta raw ito sabi sa ads at gumagalaw ang pakpak kapag pinindot mo ang red button sa likod.

Rest day ko ngayon dahil sabado kaya naisipan kong mag general cleaning sa aming apartment. Abala naman si Chichi ngayon sa pagbabasa nang libro sa sala. Katatapos niya lang maligo at mananghalian.

May narinig akong katok mula sa aming pintuan kaya dali dali akong nagtungo roon upang tignan kung sino ang tao sa labas. Pagsilip ko sa bintana ay nakita ko si Rita, may kasamang isang dalaga na wari ko'y kasing edad lang naming dalawa. "Oh, anong sadya natin? Pasok kayo." saad ko pagtapos silang mapagbuksan ng pinto.

"Good afternoon, bes! Siya nga pala si Laudia. Laudia, siya si Fatima, best friend ko!"

"Hello! Nice to meet you, Fatima." inalok niya sa akin ang kaniyang kamay na agad ko namang tinanggap. "Nice to meet you too, Laudia." nakangiting saad ko. "Halikayo, maupo kayo rito't ikukuha ko lang kayo nng tubig. Pasensya na ha, wala kaming stock ng juice, eh. Chichi, narito ang ninang Ritz mo!" dagdag ko pa at saka sumenyas ng sandali lang.

Pagkabalik ko ay nakita ko ang aking anak na nakikipagtawanan kina Laudia at Rita. Napangiti ako dahil nililibang ni Chichi ang mga bisita habang wala ako. Inilapag ko na ang hawak hawak na dalawang baso nang tubig bago naupo sa kabilang dulo nang sofa. Agad namang kumandong sa akin si Chichi at nagsimula na kaming tatlo magusap.

"At iyon na nga ang aming sadya sa iyo, bes! Naghahanap ng trabaho itong girlfriend ng aking kapatid, baka pwede mo siyang ipasok sa Sultyna?"

"Kapatid mo? Si Totoy?!" narinig ko ang munting pagtawa ni Laudia. "Ay este, si Tomastor?!" tumango tango naman si Rita. Kung ganoon, itong babaeng kausap ko ay ang nobya ni Tomastor.

Aba, ilang taon na ba akong hindi nakadadalaw kina Rita? Dalawa pa lang naman dahil naging abala ako masyado kay Chichi. Sadyang kay bilis ng panahon. Huling punta ko roon sa tahanan nila Rita'y stress na stress pa ang lalaking iyon sa kaniyang mga plates at ngayon ay mayroon nang happy lovelife, hahaha!

Ibinahagi ko kay Laudia ang aking mga naging karanasan bilang isang call center agent. Itinanong ko rin sakaniya kung handa ba siya sa mga magiging pagbabago nang kaniyang everyday routine sa oras na siyaʼy matanggap at sabi naman niya'y handa siya kaya sinabi ko sakanya ang mga dapat dalhin sa Lunes tulad ng bio data, dahil isasama ko na siya sa aking kompanyang pinagtratrabahuan.

"Ah, Fatima, wala pa kasi akong naging karanasan sa pagtratrabaho sa isang kompanya. Ang huli kong trabaho ay isang waitress sa restaurant... Baka naman may tips ka diyan?" saad niya saka napakamot sa kaniyang ulo.

"Aba, syempre meron!" nakangiting saad ko. "Unang una sa lahat, dahil you'll enter a new working environment, try to list down your skills in a piece of paper that is related to the job you're applying for. Halimbawa, magaling kang magsalita sa wikang ingles, mabilis kang magtype, etcetera etcetera."

"Tapos, pag nalista mo na lahat ng skills na mayroon ka na related sa pagiging isang call center agent, tanungin mo yung sarili mo kung sapat na ba yang knowledge mo about this, about that. At..." huminto muna ako sandali at saka nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung sa tingin mo ay hindi pa, ienhance mo. Try to self study. Pwede mo ring gayahin ang ginawa ko dati noong baguhan pa lang ako sa trabaho. Nagbabasa ako nang English books at nanuod sa YouTube nang mga tutorials kung paano magsalita at matutunang intindihin ang foreign languages."

"At syempre, huwag na huwag mong kaliligtaan ang pageensayo. Mahalagang iensayo mo ang iyong sarili upang hindi ka mahirapan sa oras na nagsimula ka nang magtrabaho sa Sultyna. Are you expert at talking in English?" nakita ko siyang umiling iling habang ngumiti nang papilit.

"Sakto lang, hehe." sagot niya. "Don't worry. You can practice your English at home! Much better if mageenglish ka araw-araw. Kausapin mo si Tomastor in English! At saka, mag isip ka muna in English bago mo tuluyang ibuka ang bibig mo para magsalita."

"Consider constructing your words and sentences in your mind before talking. In that way, you'll be able to learn how to speak fluently in English. Easier and faster." napatigil ko sandali nang iniabot sa akin ni Chichi ang isang towel. Pinagpapawisan na pala ako. "Thank you, sweetie."

"Correct pronounciation is a must! Once you mispronounced a word, baka hindi na kayo magkaintindihan ng caller mo niyan." nakatingin lang sa akin ng dalawang babae na seryoso sa pakikinig. "Tandaan mo lahat ng yun, ha." saad ko.

"Maraming salamat, Fatima!" wika niya. Bago sila umalis ay nagkwentuhan muna kami saglit. Tinanong niya sa akin kung masusungit ba ang aming mga supervisors at boss. Natawa naman ako dahil parang kabadong kabado ang kaniyang hitsura. Sabi ko naman sakaniya'y wala siyang dapat ikatakot sa mga taong mas mataas ang posisyon kaysa sa amin kung wala namang ginagawang mali sa trabaho.

Napakwento rin ako tungkol sa aking buhay single mom. Ang dami niyang tanong, grabe! Tinanong niya ako kung mahirap ba ang buhay single mom; alangan namang magsinungaling ako, hindi ba? Sinabi ko sakaniya ang totoo.

Mahirap magpalaki nang anak mag-isa. Kinakailangan kong magpakananay and at the same time, kailangan kong magpakatatay. Kailangan kong kumayod ng maigi para makabili nang gatas, diaper, vitamins, at iba pang pangangailangan ni Chichi upang masigurong malusog ang pangangatawan nito at malalayo sa sakit. Bukod sa nagbabantay ako at nagaalaga sa aking anak buong araw, kailangan ko ring gawin ang lahat ng gawaing bahay dahil wala namang ibang gagawa nun kundi ako dahil wala akong katuwang sa buhay.

Natanong niya rin kung nasaan na ng tatay ni Chichi at bakit hindi ako tinutulungan nito... Hindi ko alam ang iasagot dahil katabi ko lang ang aking anak... Ayokong malaman ni Chichi ang katotohanan tungkol sa kaniyang ama dahil bukod sa delikadong tao ito, hindi ko rin gustong naisin niyang makita ito dahil mapapahamak lang siya.

Ayokong malaman niya na siyaʼy nabuo dahil sa isang aksidente. Nabuo siya dahil sa isang pangyayari na ibig ko nang ibaon sa limot.

Hindi ko nais na matuklasan niyang ang kaniyang tatay ay isang demonyo...









The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now