"Mimi, tatay! Ako ng valedictorian sa buong batch namin!" bungad sa amin ni Chichi pagkapasok niya sa loob ng bahay. Napatigil ako sa aking ginagawang pagwawalis at dali daling yumakap sa aking anak. Kahit kailan talaga'y hindi niya kami binigo ni papa.
"Congrats... apo," matanda na si papa Gregorio at naka wheelchair, mahina na ang tuhod.
Sa loob ng anim na taong nakalipas, masaya ang aming naging pamumuhay. Puro tawanan, kwentuhan, lambingan, at walang naging problema. Ang anak kong si Chichi ay malapit na magdalaga habang si papa naman ay unti unti nang nagkakaroon ng mga karamdaman pero lagi naman kaming nagpapacheck up upang suriin ang kaniyang kalusugan.
"Congratulations, anak. Kailan ba ang inyong graduation?"
"Sa biyernes na po, mimi," sagot niya. Nako, ilang araw nalang pala! Magpapaalam nalang ako sa aking boss bukas na liliban muna ako sa biyernes dahil graduation ng aking anak. Hindi pwedeng wala ako sa araw na iyon!
Lumipas ang dalawang araw at graduation na nila Chichi sa makalawa. May practice sila ngayon at mamayang hapon pa ang uwi nila. Excited na akong umakyat sa stage at sabitan ng medalya ang aking anak. Kung pwede nga ang ipagsigawan sa mundo na "Eto si Chichi! Anak ko! Valedictorian!" ay gagawin ko.
Bago tuluyang umuwi sa bahay ay dumaan muna ako sa mall upang ibili nang damit si Chichi. Kulay puting dress daw kasi ang dapat nilang suoting mga babae habang puting long sleeves naman ang sa lalaki. Isang puting bestida na may habang hanggang tuhod ang aking ibinili para sa kaniya. Wala itong disenyo ngunit disente at kaaya ayang tignan.
Si Rita ang mag aayos kay Chichi sa biyernes. Hindi kasi ako marunong magmake up kaya nakisuyo nalang ako sakaniya. Ikinasal na ang aking kaibigan noong nakaraang taon. Isang piloto ang kaniyang asawa at dalawang buwan na siyang nagdadalang tao. Si Laudia at Totoy naman ay engaged na, nagiipon na rin para sa kanilng kasal.
Masaya ako dahil natagpuan na nila ang mga taong para sakanila. Ako naman ay wala nang balak sa mga ganiyang bagay. Kuntento na ako na kasama ko si Chichi at papa.
"Good evening po, papa," nagmano ako kay papa na nanunuod ngayon ng balita sa telebisyon. "Nasaan po si Chichi? Himala hindi kayo magkasamang manuod ngayon ng balita," natatawang saad ko at saka inilapag sa isang gilid ang aking shoulder bag at iyong paper bag na naglalaman ng dress na binili ko para kay Chichi.
"Wala pa nga ang aking apo, eh. Kanina ko pa siya hinihintay..."
"Ano?! Hindi pa nakakauwi si Chichi?" hinalughog ko ng buong bahay dahil baka hindi lang napansin ni papa ang pagdating ng anak ko ngunit hanggang sa kahuli hulihang silid ng bahay ay wala siya. "Pa, dito ka po, ha. Susunduin ko lang si Chichi sa school nila," paalam ko at saka pinatakan ng halik ang noo ni papa. "Wag kayong aalis diyan,"
"Mag iingat ka, anak..."
Patakbo kong tinahak ang daan papunta sa eskwelahan nila Chichi. Ang bilis ng tibok ng aking puso, pakiramdam ko'y may hindi kaaya ayang nangyari sa anak ko. Diyos ko, huwag naman sana.
Nakita ko ang kaniyang guro na kalalabas lang ng gate kaya agad ko itong tinawag . "Ma'am Cristine!" napalingon siya sa akin at huminto sa paglalakad. "Good evening, Ma'am Florentino. Bakit ho?"
"Nandyan pa ho ba si Francheska.. iyong anak ko ho," hinihingal na saad ko.
"Huh? Kanina ko pa pong alas kwatro sila pinauwi. Wala po ba sa bahay niyo?" umiling iling ako. Mas lalo akong kinabahan. Namamawis na ang mga palad ko at panay ang pagkagat sa aking labi.
Hindi... hindi... ligtas si Chichi... Baka may pinuntahan lang iyon. B-Baka tumambay saglit sa bahay ng kaklase. Oo, tama! Baka ganoon nga... Think positive, Fatima.
"Sino po ang huling kasama ni Chichi lumabas sa school?" agad na sinabi nang kaniyang guro ang ngalan ng mga kasama ni Chichi paglabas sa paaralan. Hiningi ko ang mga address nito, baka nandoon lang siya't nagbobonding kasama ang mga kaibigan tapos nakalimutan lang magpaalam. Nagpasalamat ako kay Mrs. Cristine at saka dali daling nagpunta sa bahay ni Jenny, kaklase ni Chichi at kasama nitong lumabas sa school.
"Tao po! Tao po!"
"Sino yan?" tanong ng isang ale na naglalakad ngayon papalapit sa gate.
"Ako ho si Fatima... Nanay ni Francheska, kaklase ng iyong anak. Nandyan ho ba si Chichi?"
"Nako, wala pa nga rin si Jenny dito, Fatima. Kanina pa namin siya hinihintay ng tatay niya. Hindi rin sinasagot ang aming mga tawag."
Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi nang nanay ni Jenny. Chichi... nasaan ka na ba?
Maging ang sunod na tatlong bahay na aking pinuntahan ay wala akong Chichi na nadatnan. Pare pareho kami nang sitwasyon ngayon, hindi pa umuuwi sa bahay at hindi alam kung nasaan ang sariling mga anak.
Wala sa sarili kong binagtas ang daan pauwing bahay. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang anak ko. Hindi ko alam kung ligtas ba siya o ano. Hindi ko alam kung nakakain na ba siya nang hapunan, kung ayos lang ba siya, wala! Wala akong alam at parang mababaliw ako!
Hindi umuuwi nang late si Chichi... bago magtakip silim ay nasa bahay na siya kasama ang kaniyang lolo at sabaynilang hihintayin ang aking pagdating.
"Anak... nasaan ka na ba? Nag aalala na si mimi sayo..." wala sa sarili kong sambit.
Pagkadating ko sa bahay agad akong napaluhod at saka umiyak nang umiyak. Ang sama nang pakiramdam ko... feeling ko hindi ligtas ang anak ko ngayon at naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung saan ko siya matatagpuan. "Pa... hindi ko mahanap si Chichi,"
Niyaya ni papa na magtungo sa police station kaya dali dali akong nagsuot ng jacket. Nagdala rin ako nang pagkain dahil baka nagugutom na ang anak ko, dinamihan ko na para hindi siya kulangin. Sabi ni papa matutulungan kami nang mga pulis sa paghahanap kay Chichi.
"Sorry ma'am pero hindi po talaga pwede," saad nitong pulis na kausap ko.
"24 hours?! Ako? Maghihintay sa wala sa loob ng 24 hours?! Sir naman!" reklamo ko. Napupuyos ako sa galit at kaunti nalang ay sasabog na ako.
B-Bakit... bakit ganoon nalang kadali para sakanilang sabihin na maghintay sa loob ng isang buong oras? B-Bakit?!
"Hanapin na natin ang anak ko ngayon, sir... Baka kung ano na ang nangyari sa Chichi ko..." pagmamakaawa ko. Nakaluhod ako sakanilang harapan ngayon habang pilit naman akong itinatayo ni papa. "Sige na naman, oh... Hanapin na po natin ang Chichi ko," wala akong pakialam kung pagtinginan ako nang mga tao rito sa loob ng police station, ang tanging mahalaga ngayon ay ang mahanap ko ang Chichi ko.
"Sige na, boss. Apo ko yung pinaguusapan dito at hindi pwedeng wala tayong gawin," saad ni papa. "Nak, tayo na diyan. Madumi ang sahig,"
Sa huli ay tinulungan kami nang mga pulis sa paghahanap sa anak ko. Sinabi ko sakanila ang naging usapan namin ni Ma'am Cristine at mga magulang ni Chichi. Ang buong village ay hinalughog na namin. Maging ang mga bahay ng ibang kaklase ni Chichi ay pinuntahan namin ngunit ni isa ay wala kaming nakitang bakas ng anak ko.
Alas tres na nang madalinng araw noong bumalik kami sa police station. Agad akong sinalubong ni papa dahil hindi ko siya pinasama dahil bawal siyang mapagod. "Nasaan na ang apo ko? Kasama niyo na ba?"
"Hindi... hindi namin nakita si Chichi pa..."
—
YOU ARE READING
The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED]
Cerita PendekFatima Florentino, 22, single mom. A loving mother, a hard-working woman, and a sweet daughter to Mr. Gregorio De Guzman. Started: July 28, 2022 Ended: August 09, 2022