008.

36 5 5
                                    


"Good morning, Fatima!" nakangiting bati ni Laudia sa akin. Alas sais pa lang ng umaga at narito na siya sa bahay. Hindi naman halatang excited siya, ano?

"Ayos, ah. Handang handa ka," nakasuot siya nang pencil skirt at kulay puting long sleeves. Nakatuck in ito at pormal na pormal ang kaniyang awra. Pabiro niya akong hinampas at saka sunod siyang tumawa; dapat daw ay presentable siyang tignan para hindi maturn off ang interviewer niya.

"Nag almusal ka na ba? Magluluto palang ako, eh."

"Ay nako, ayos lang ako! Nangape na ako at kumain ng pandesal." ngiti niya habang nakatutok ang mga mata sa telebisyon. Nakasanayan ko na kasing manuod ng balita tuwing umaga kaya nakabukas ito.

"Sabayan mo na kaming mag agahan. Mas magandang mabigat ang laman ng tiyan sa umaga para energetic ka buong araw," nakita kong bumangon na si Chichi sa kaniyang higaan at dali daling tumakbo sa banyo nang makitang may bisita kami ngayong umaga. "Chi, narito si ate Laudia..." natatawang saad ko. Paano ba naman kasi, ang cute cute nang reaction niya nang makita si Laudia.

"Wait po, mimi!" sigaw niya mula sa loob ng banyo.

Bumalik na ako sa kusina at saka pinapatuloy ang ginagawa. Nagluto ako nang adobong manok at naglaga nang tatlong itlog, tagiisa kami nina Laudia.

"Halina kayo rito, kakain na." tawag ko sakanila.

Pagtapos kumain ay naligo narin ako at nag ayos. Bago pumasok sa trabaho ay inihatid muna naming dalawa ni Laudia si Chichi kay Rita. Tulad ko ay namangha rin si Rita sa suot ni Laudia ngayon at pinuri pa ito. Nakangiti tuloy kaming dalawa ngayon habang nakasakay ng jeep, tinatahak ang daan papuntang Sultyna.

Pagkababa namin ay itinuro ko kay Laudia ang opisinang kaniyang pupuntahan. Iinterviewhin siya ngayon ni Mr. Legaspi at kapag nakapasa siya, maaari na siyang magsimulang magtrabaho kinabukasan.

"Itext mo ako kapag pumasa ka. Mabait iyon si Mr. Legaspi, wag kang kabahan!" saad ko upang kahit papano'y mabawasan ang kaniyang nararamdamang kaba. Napansin ko kasing nanginginig ang kaniyang mga kamay at may namumuong butil ng pawis sa kaniyang noo. Hays, ganireng ganire rin ang aking naramdaman noong ako'y nagaapply pa lamang.

Tinapik ko ang kaniyang balikat at saka pumasok sa elevator. Kumaway ako sakanya habang tumango naman siya at nagsimulang lumakad papunta sa opisina ni Mr. Legaspi.

"Thank you for calling Sultyna, where customer service is our priority. My name is Fatima, how can I help you?" bati ko sa aking caller.

[It's my birthday tomorrow...] saad ng lalaki mula sa kabilang linya. Mahina ang boses nito at garalgal. Wari ko'y matanda na ito. [My wife and my friends already passed away while my two sons lived in other countries...]

Nalungkot ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako nang kaunting inis sa kaniyang mga anak. Papaano nila nagawang umalis sa bansa at... iwan ang kanilang ama nang mag isa? Hindi man lang ba sumagi sa kanilang isipan na isama ito at alagaan? Maswerte nga sila't may amang kumakalinga at nagmamahal sakanila; hindi tulad kong pinabayaan lang at inabandona.

"Do you want me to call your sons, sir?" tanong ko.

[I already called them but they told me that they're busy...] natahimik kaming dalawa. Hindi ko magawang magsalita dahil pinipigilan kong kumawala ang aking mga luha. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sakaniya... siguro ay dahil minsan ko nang naranasan ang sitwasyon niya.. [Marunong akong magluto nang biko at pansit... Do you want to come?]

"I have work tomorrow, sir..." muli kaming natahimik dalawa. Napapaisip ako kung aabsent ba ako bukas or magha-half day upang samahan siyang icelebrate ang birthday niya. "Is it okay if I'll go there before dinner... with my daughter?"

[Sure, can you tell me what time you'll arrive so I can be prepared?]

"Probably five thirty in the afternoon, sir. Just divulge me your address." saad ko. Sinabi niya sa akin ang exact address niya at inilista ko naman ito sa isang sticky note na nasa aking table. "Thank you, sir. Anyways, what is your name?"

[Gregorio... Gregorio De Guzman.]

"See you tomorrow, Mr. De Guzman,"

[Salamat dahil pumayag kang samahan ako sa aking kaarawan bukas, hija. Masaya ako dahil pagtapos ng tatlong taon na ako'y mag isa, may makakasama na rin akong ipagdiwang ang aking kaarawan.]

Pagtapos ng aking duty ay dumeretso ako sa bayan. Nakita kong nagtext sa akin si Rita, nasa bahay na raw silang dalawa ni Chichi. Naghahanap ako nang pwedeng iregalo kay Mr. De Guzman.

Napukaw ng isang ginansilyong sumbrero ang aking atensyon, kulay brown ito. Pwede ito kay Mr. De Guzman! Magagamit niya ito sa tuwing siya'y lalabas.

Pagkauwi ko'y agad na sumalubong sa akin ang aking anak. Nagpaalam naman na sa akin si Rita na uuwi na siya dahil may tatapusin pang trabaho. Niyaya ko pa nga siyang maghapunan kaso ang sabi niya'y doon nalang daw siya kakain sakanila. Sinabi ko kaagad kay Chichi na may pupuntahan kami bukas. Malapit lang sa amin ang address na ibinigay ni Mr. De Guzman, isang sakayan lang.

Tuwang tuwa si Chichi nang malaman niyang sa isang birthdayhan kami pupunta. Sabi pa nga niya'y kakantahan niya raw ito at sasayawan.

Kinabukasan ay maaga akong nag-out. Alas kwarto palang ay umuwi na kami ni Chichi sa bahay. Isang bestidang kulay blue ang ipinasuot ko sa aking anak habang ako naman nagsuot ng isang kulay blue na polo shirt at maong na pantalon.

Excited na excited na si Chichi dahil habang nasa byahe kami ay panay ang practice niya sa kaniyang kantang aawitin sa harap ni Mr. De Guzman. Dumaan din muna pala kami sa isang bakeshop upang bumili nang cake.

Natulala ako sa bahay na nasa aking harapan. Paulit ulit kong tinignan ang sticky note na aking hawak at ang bahay; sinisigurado kung tama ba ang address na aking napuntahan. "Nandito na ba tayo, mimi?" nakangiting tanong ni Chichi.

Halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan nang biglang may matandang sumulpot sa aming harapan. "Ikaw ba si Fatima?" nakangiting tanong niya. Tumango naman ako sakaniya.

"Mabuti naman at nakarating kayo, hija... Pasok kayo..." binuksan niya ang gate kaya pumasok na kaming dalawa ni Chichi. Napakalawak ng kaniyang hardin at ang kaniyang bahay ay may ikalawang palapag. Sa laki nito'y natitiyak kong nalulumbay nga siya dahil napakatahimik sa loob at tanging paghampas lang ng mga dahon ang maririnig.

"Mimi, who is he?" pabulong na tanong sa akin ni Chichi. Narinig siguro siya ni Mr. De Guzman dahil siya ang sumagot sa tanong ng aking anak.

"Ako si tatay Gregorio... Seventy nine years old na ako dahil birthday ko ngayon. Ikaw, anong pangalan mo?"

"Ako po si Francheska. Chichi nalang po itawag niyo sa akin, tatay Gregorio." nakangiting saad niya at saka lumapit sa matanda upang magmano.

"Ito ba ang iyong anak, hija?" tanong niya. Muli akong tumango sakaniya. "Napakagalang naman ng batang ito..." bahagya niyang ginulo ang buhok ni Chichi at sabay silang dalawang tumawa. Napangiti ako sa aking nakita... Para silang mag lolo na nagbobonding.

Inilibot kami ni Mr. De Guzman sa kaniyang bahay. Napakagandang tunay ng kaniyang tahanan. Sa kanilang sala ay nakasabit ang isang malaking portrait ng kaniyang asawa at ang litrato nilang dalawa noong sila'y ikasal. Naroon din ang litrato nila kasama ang dalawang anak na lalaki.

Nalaman kong isang negosyante dati itong si Mr. De Guzman. Kaya lang, nagretiro na siya isang dekada na ang nakalilipas. Ipinamana niya ang kaniyang kompanyang nakatayo sa Canada sa kaniyang panganay na anak na si George at ipinamana naman niya kay Gerome, ang bunso niyang anak, ang kaniyang isa pang kompanya sa Japan.

Apat na taon na ang nakalipas nang bawian ng buhay ang kaniyang asawa na si Mrs. Georgia. Namatay ito dahil sa isang hindi matukoy na sakit. Tumulo ang luha ni Mr. De Guzman pagtapos niyang ikwento sa amin ang kaniyang asawa. Sa palagay ko'y sariwa parin sakaniya ang pagkasawi nito.

"Don't cry, tatay." wika ni Chichi at saka hinagod hagod ang likod ni Mr. De Guzman.









The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now