Hunyo na ngayon at ilang araw nalang pasukan na. Ienroll namin ni papa si Chichi sa isang private school na iang kanto lang ang layo sa amin. Gusto ko sanang doon siya sa ienroll sa school na pinapasukan ni Rita ngunit masyado itong malayo sa bago naming tirahan.Anim na buwan na pala ang nakalipas simula nang lumipat kami rito sa bahay nila papa. Dito rin kami nagbagong taon kasama ang buong pamilya ni Rita at Laudia. Masaya naming sinalubong ang bagong taon; ang mga ngiti sa aming labi ay hindi mabura habang nagsasalo salo.
Tuwing nagkakaroon ako nang problema sa trabaho, si papa ang nagiging sandalan ko. Umiiyak ako sa balikat niya habang pinapatahan niya ako. Tila bumabalik ako sa pagiging bata kapag may caller akong nagsisisigaw sa akin sa kabilang linya at pinagmumumura ako at pag uwi ko sa bahay ay tatakbo ako sa aking tatay para magsumbong.
Mabilis lang ang naging paglipas ng mga araw at pasukan na nila Chichi. Excited na excited siya habang tinatahak namin ang daan ngayon papunta sa kaniyang school. Hindi namin kasama si papa ngayon dahil napagkasunduan naming dalawa na ako ang maghahatid sa anak ko sa umaga at siya naman ang magsusundo sa hapon.
"Remember what mimi told you last night, okay? Be a good student and make friends so you won't feel lonely" saad ko nang marating namin ang gate ng school niya.
"Yes, mimi! Give me my bag na po," isinabit ko na sa kaniyang baikat ang backpack na regalo ko sakaniya noong birthday niya. "Bye, mimi. Ingat ka po papunta sa work mo," aniya at saka yumakap sa akin.
"Good luck sa first day of school mo, anak. Galingan mo ha!" ngiti ko at pinatakan ng halik ang kaniyang noo. "Pasok na dun," kumaway muna siya sa akin bago tuluyang pumasok sa kaniyang room at nang makita kong nakaupo na siya ay nagsimula na akong maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
Magpipitong buwan na si Laudia sa kaniyang trabaho. Natanggap siya sa Sultyna at masaya ako para sakaniya dahil nakakatulong na siya sa kaniyang pamilya sa kanilang mga gastusin sa bahay.
Pag uwi ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Chichi at ipinakita sa akin ang kaniyang kamay na may maraming star. "Look, mimi, i got 10 stars!" ngiti niya at saka tumakbo sa kusina. Pagbalik niya ay kasama na niya si papa na may dala dalang tray na ang laman ay cupcakes. "and... tatay and I baked cupcakes! Tikman mo po, mimi! Masarap po ito dahil this is baked with..."
"Love!" sabay nilang wika ni papa at nagfinger heart pa. Kinuha ko sa kamay ni Chichi ang cupcake at tinikman ito. "Woooow! Ang sarap nga!"ngiti ko bago muling kumagat sa pagkaing hawak hawak.
Lumipas pa ang ilang mga araw at buwan at ngayon ay magtatapos na si Chichi nang kindergarten. Top 1 siya sa kanilang klase kaya naman proud na proud ako sakaniya. Nagbunga ang lahat ng pagsisikap niya na siyang nasasaksihan ko sa bawat araw na nagdaan.
"Francheska Florentino," pagtapos tawagin ang pangalan ni Chichi ay umakyat na kaming tatlo sa stage. "Best in Mathematics, Best in English, Best in Arts, Best in Reaing, Best in Writing, Most Neat and Clean, Most Cooperative, Most Obedient, Dancer of the Year, Artist of the Year, Spelling Bee Queen, Top 1,"
Salitan kami ni papa sa pagsabit ng medal kay Chichi. Akala ko iisang medal lang ang makukuha niya dahil ang sinabi niya lang sa akin ay top 1 siya kaya halos malaglag ang panga ko sa dami nang awards niya.
Pangarap ko to... iyong makapag aral... makapagtapos... at magkaroon ng pamilyang proud sa akin. Hindi ko nakamit ang mga pangarap kong iyon kaya nang ipinanganak ko si Chichi, pinangako ko sa aking sarili na gagawin ko ang lahat upang makapagtapos siya nang pag aaral. Nangako ako sa sarili ko na sa tuwing may sasalihan siyang contest at sa tuwing magkakaaward siya, ako mismo ang dadalo upang samahan siyang umakyat sa stage o di kaya naman upang masaksihan ang magiging performance niya.
Ginawa ko ang lahat ng iyon ngayong nagsimula na ang kaniyang buhay mag aaral. Kung minsan ay lumiliban ako sa trabaho sa tuwing may paligsahan siyang sasalihan. Kami ni papa ang may pinakamalakas na palakpak sa tuwing natatapos na ang kaniyang performance at kami rin ang unang humihiyaw sa tuwing tinatawag ang kaniyang pangalan sa mga nanalo sa patimpalak.
Gusto kong iparamdam sa anak ko na proud na proud ako sakaniya. Gusto kong iparamdam sa anak ko na masaya ako sa tuwing nagkakamit siya nang karangalan. Gusto kong iparamdam sa anak ko na nandito lang ako palagi sa likod niya, handang sumuporta sa mga bagay na gusto niya.
Sa buhay, hindi tayo palaging panalo. Mararanasan natin ang matalo at kailangan nating tanggapin iyon. Hindi naman porke talo ka ay mahina ka at pulpol. Sadyang may mga tao lang talaga na mas angat ang kaalaman kaysa sa atin kaya nagwawagi sila sa buhay.
Sa tuwing may mga paligsahan namang hindi nananalo si Chichi, ako ang nagpapatahanan sakaniya. Ako ang nagpapagaan ng pakiramdam niya at lagi kong pinaparamdam sakaniya na magaling parin siya. Lagi kong sinasabi sakaniya na may ibang pagkakataon pa naman, laban lang nang laban.
Hindi ko pinaparamdam na may kulang sakaniya dahil lagi akong humahanap ng paraan upang punan ang lahat ng iyon. Hindi ko pinaparamdam na hindi sapat ang galing niya't talento dahil mahusay si Chichi; mahusay ang anak ko at sadyang hindi lang para sakaniya ang pagkapanalo ngayon. May mas magandang plano ang Diyos para sakaniya.
"Congratulations, anak... Proud na proud na proud ako sayo," ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo ay tuluyan ng bumagsak.
Words can't even describe how happy I am for my child. Ang galing galing niya... Ang galing galing ng Chichi ko.
"Congrats, apo. Proud ako sayo," ngiti ni papa at saka yumakap ky Chichi.
"Mimi, tatay..." kinuha ni Chichi ang kalahati nang kaniyang medalya at saka sinabit ito sa akin habang ang kalahati naman ay sinabit niya kay papa. "Para po sainyong dalawa iyan..." ngiti niya at saka pinunasan ang aking mga luha.
"Wag na magcry, mimi. I love you po,"
"I love you, Chichi..." wika ko at saka niyakap ng mahigpit ang aking anak.
"Aba, sali naman diyan," biro ni papa at saka yumakap sa aming dalawa.
Kuntento na ako sa buhay kong ito. Makasama ko lang ang dalawang taong pinakaimportante sa akin, masaya na ako.
—
YOU ARE READING
The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED]
Short StoryFatima Florentino, 22, single mom. A loving mother, a hard-working woman, and a sweet daughter to Mr. Gregorio De Guzman. Started: July 28, 2022 Ended: August 09, 2022