009.

49 5 5
                                    


Pagsapit ng alas sais ay nagtungo na kami sa hapag kainan ni Mr. De Guzman. Malaki ito at may sampung upuan. Sa mesa ay may nakahaing biko at pansit na kaniya raw niluto para sa amin ni Chichi. Sabi niya'y kinakailangan daw namin itong matikman dahil dito niya napaibig ang kaniyang asawa, hahaha!

Mayroon ring fried chicken, letsong ulo ng baboy, kutsinta, letche flan, palitaw, menudo, at inihaw na bangus. "Napakarami naman nito, Mr. De Guzman, tatlo lang naman tayong kakain." natatawang saad ko. Paniguradong uuwi kami neto ni Chichi nang busog na busog. Inilapag ko na rin sa mesa ang mocha flavor na cake na binili namin kanina.

"Maguwi kayo para kay Rita... iyong kaibigan mo at kay Laudia," ngiti niya saka umupo sa dulong bahagi nang mesa, umupo narin kami ni Chichi. Naikwento ko kasi kay Mr. De Guzman ang dalawang babaeng iyon. Sana pala ay niyaya ko rin sila upang mas masaya ang aming maging kwentuhan gayong ayos lang pala sa matanda na magsama ako nang kaibigan. Di bale na, may susunod pa naman.

Nagsimula na kaming kumain at tama nga si Mr. De Guzman, pagkasarap nitong bikong niluto niya! Napakalinamnam din ng pansit kaya naman naparami ang aking kain. Maging si Chichi ay napasabak din sa kainan, nakailang sandok siya nang kanin dahil sarap na sarap siya sa fried chicken at menudo. Naubos din niya ang balat ng letsong ulo ng baboy.

Habang kumakain ay panay ang pagngiti ni Mr. De Guzman, aliw na aliw kay Chichi. Napangiti ako habang kumakain nang letche flan dahil kahit papano ay ramdam kong masaya siya ngayong araw.

Ang sinabi ni Chichi na kaniyang kakantahan at sasayawan ang kaniyang tatay Gregorio ay tinotoo niya. Halos mapunit tuloy ang labi ni Mr. De Guzman habang pinapanuod si Chichi at hindi siya matigil sa pagpalakpak pagtapos ng munting performance nang aking anak.

"Thank you for coming, hija... Sobrang saya ko ngayong araw at aliw na aliw talaga ako rito kay Chichi..." buhat buhat ko si Chichi ngayon dahil nakatulog na sa sobrang pagod. Paano ba naman, panay ang laro nila ni Mr. De Guzman sa hardin kanina. "Maraming salamat din po sa masasarap na pagkain, Mr. De Guz-"

"Papa nalang..." malumanay na sambit niya. "I want to feel being a father again..."

"Thank you, papa..." ngiti ko at saka kinuha sa aking bag ang regalo ko para sakaniyang nakalimutuan kong ibigay kanina. "Happy birthday..."

Bago lumiko ay sinulyapan ko muna ang kaniyang bahay upang tignan kung pumasok na ba siya sa loob ngunit laking gulat ko nang makita siyang nakatayo parin sa labas, yakap yakap ang binurdang sumbrero na regalo ko sakaniya.

"Nagustuhan niya..." bulong ko sa aking sarili. "Nagustuhan ni papa..."

Kakaibang saya ang nararamdaman aking nararamdaman ngayon. Sa wakas, may papa na ako. May tao na akong maituturing kong ama kahit pa hindi kami magkadugo.

Tatlong araw makalipas ang kaarawan ni papa ay bisperas na nang pasko. Sabi ko kay papa dito nalang siya magpasko at pumayag naman siya. Nandito ako ngayon sa bayan at kasalukuyang bumibili nang mga sangkap na gagamitin para sa mga putaheng aking lulutuin mamaya; naiwan naman si Chichi at ang kaniyang lolo sa apartment na aming tinutuluyan.

Simple lang ang aming handa. Kalahating kilo lang ng spaghetti ang lulutuin ko dahil tatlo lang naman kami. Nais ko nga sanang imbitahan sila Rita at Laudia pero alam kong sa kani kaniyang pamilya sila magpapasko. Bumili na rin ako nang mangga, balak kong gumawa nang mango graham. Nanuod ako sa YouTube kung paano gawin ito kaya susubukan ko ang recipe na ito mamaya. Bumili rin ako nang hamon, isang kilong giniling at porkchop.

Pagkauwi ko sa bahay ay nadatnan ko si Chichi at papa na nakatulog sa sahig. Mabuti nalang ay may sapin sila kaya nilagyan ko nalang sila nang kumot bago pinatay ang telebisyon. Mukhang nakatulugan nila ang pinapanuod nilang palabas.

Sa kahit anong okasyon talaga'y hindi mawawala sa aking mga ihahanda ang shanghai; pareho kasi namin itong paborito nang aking anak. Pagtapos kong paghalu haluin ang carrots, giniling, dahon ng sibuyas, at cheese ay ibinalot ko na ito sa wrapper. Kakaiba ba ang recipe ko sa shanghai? Hahaha, mas nasasarapan kasi ako sa ganitong pagkakaluto. Ewan ko ba kung bakit.

Inilagay ko muna sa loob ng ref ang shanghai, mamayang gabi ko pa ito priprituhin para malutong padin pagsapit ng alas dose nang madaling araw. Sinunod kong gawin ang mango grahams at maganda naman ang kinalabasan nito at saktong lang ang lasa; sakto lang ang tamis at hindi nakakaumay ang lasa.

"Mukhang masarap yan, anak, ah." napalingon ako sa aking likuran. Nakita ko si papa na bagong gising at kumukuha nang tubig sa galon. "Syempre, ako pa! Baka Fatima to!" pagmamalaki ko sakaniya.

"Merry Christmas!" masayang hiyaw namin habang pinapanuod ang fireworks sa labas.

Ang paskong ito... ang pinakamasaya sa lahat! Kasama ko si Chichi at si papa na salubungin ang kapanganakan ni Hesus. Wala na yata akong mahihiling pa... Sana lang ay magtuloy tuloy na ang kasiyahang ito sa aking buhay.

"Eto, para kay Chichi!" inabot ko sa aking anak ang regalo ko para sa kaniya. Nagtatatalon pa siya habang kinukuha sa akin ang kaniyang aginaldo. "At syempre, eto para kay papa!" nakangiting saad ko. "Merry Christmas, pa!" wika ko at saka patalong yumakap sakaniya.

"Sali ako, tatay, mimi!" binuhat ko ang aking anak at agad naman siyang yumakap sa kaniyang lolo. Aba, itong batang ito ay hindi man muna ako niyakap bago ang kaniyang  tatay Gregorio!

Kinabukasan, maaga kaming tatlo nagising upang magsimba at mamasyal. Kasama na namin ngayon si Rita at Laudia. Umepal pa talaga ireng si Totoy dahil baka raw may ibang lalaking pumorma sa kaniyang nobya habang wala siya. Ang OA, eh!

Pagtapos naming magsimba ay dumeretso kami sa Mall of Asia. Grabe pagkaganda nang buong lugar! Nagpicture kaming tatlo nina Chichi at papa sa may globo at sa malaking Christmas tree sa loob ng mall. Tuwang tuwa si Chichi dahil nakagala na naman siya at binilhan ng bagong toys ng kaniyang lolo. Ang sabi ko nga kay papa na huwag na ngunit ang sagot niya nama'y "Hayaan mo na, anak. Pasko naman,"

Naging masaya ang aming naging paglilibot dahil panay ang aming daldalan at kwentuhan. Nangunguna ang bunganga si Rita sa ingay, kung ano anong chismis sa aking buhay ang kwinento kay papa. Pati iyong nakasagutan kong costumer sa restaurant na aking pinapasukan noong ay ikwinento niya!

Pagkauwi sa bahay ay hindi na kami naghapunan. Busog na busog kami sa libre ni papa, grabe! Pagtapos maghalf bath ni Chichi at naplakda agad ito sa higaan, ni hindi man lang kami sinabihang matutulog na siya. Pagod na pagod ang babaita dahil grabe ang kulit kanina.

"Napakasaya..." wika ko sa kawalan. Dito ko sa sofa matutulog dahil nandoon sa kama nakahiga ang aking anak at ang kaniyang lolo. Kanina ay kinausap ako ni papa kung nais ko ba raw na lumipat sa kaniyang bahay. Todo tanggi pa ako noong una dahil ako'y nahihiya ngunit sinabi niyang mas makakatipid ako dahil wala na akong aalalahanin pang mga bayarin kung saan tama naman siya.

Sa huli ay napilit niya rin ako dahil grabe siya kung mangonsensya, my gosh! Sinasabi niya sa akin kung gaano siya kalungkot tuwing siya'y mag-isa at kung sino ang tutulong sakaniya kung wala siyang kasama sa bahay. Natatawa nalang ako sa tuwing naaalala ko ang pamimilit niya sa akin kanina.

Hays, makatulog na nga't baka mahuli pa ako sa aking trabaho bukas.



The Call Center Agent (JWW) [COMPLETED] Where stories live. Discover now