Chapter 3

20.2K 279 5
                                    


Bumalik agad ako sa aking hotel room at sinubukan ko talagang hindi paika-ikang maglakad. Inimpake ko ang mga gamit ko at dali-daling nag-check out. Sinubukan kong lumakad nang maayos pero hindi pa rin talaga kaya ng karne ko.

Karneng napasukan...

Pero tiniis ko. Ginusto ko 'yon.

Sige Corazo— Este Mika! Tiisin mo! Ginusto mo 'yon diba? Nagpabarbeque ka diba? Kasalanan mo naman eh... Kasalanan mo...

Papalabas na ako ng resort nang makasalubong ko an isang lalaking staff ng resort.

"Ayos lang po kayo Ma'am?" tanong nito.

"Ha? Ah... A-ayos lang ako. K-Kinagat lang ako ng langgam. Oo, kinagat..." nauutal na sagot ko habang may pekeng ngiti. Umaasta pa ako na kumakamot sa paa ko para ipakita sa kanya na kinagat ako ng langgam.

Pero takte... Mas lalong sumakit.

Well, hindi naman talaga masakit... Parang kinarate lang ni Ongbak at binaril ni Cardo ang puday ko.

"Ah... Mag-ingat nalang po kayo. May mga langgam po talaga dito." sabi niya.

"Oo nga eh... Ang laki nga ng mga langgam niyo dito." I answered, double-meaning.

Without further a do, pumasok na ako sa sasakyan at nag-drive pauwi. Actually, wala naman talaga akong balak na umuwi kaagad pero ayaw ko lang na makita ko ang lalaking kumuha ng pagkakababae. Nakakahiya. Ngayon lang ako nakaramdam ng hiya kaysa sa kagabi dahil na rin siguro 'yon sa epekto ng alak.

Tang*nang buhay 'to, palagi nalang akong nasasaktan. I am physically and emotionally hurt.

Mga lalaki nga naman, puro sakit lang ang binibigay... Pero masarap din 'yong 'ano.'

I off the airplane mode on my phone at sobrang dami na ng notifications, missed call, and messages from my family. At ang pinakamarami doon ay 'yong sa kuya ko.

Nang iparada ko ang sasakyan ko sa tapat ng bahay namin, agad nila akong sinalubong.

"Mika! Saan ka ba galing ha?! Alam mo bang nag-aalala kami sayo? Lalong- lalo na si Mama. Ni hindi ka man lang nagpaalam!" sermon ng kuya ko.

Nilagpasan ko lang siya at dumiretso kay Mama at Papa at niyakap ko silang dalawa. Doon ako humagulgol nang malakas.

"Aba! Nilagpasan lang ako!" reklamo niya. Ganyan kasi ang Kuya ko, kalalaking tao, bungangero.

"Ma... Pa... Wala ng kasal... Niloko niya ako..." I cried.

They hugged me back and caressed me. "Everything has a reason anak... Mabuti nang nalaman mo agad na niloloko ka niya bago pa kayo ikasal..." Mama counseled.

"Uupakan ko siya para sayo anak... Promise 'yan." may galit na sabi ni Papa habang may paghihigante sa boses.

Tinampal naman siya ni Mama para sawayin ito. My mom doesn't want to get revenge. Madali rin siyang magpatawad.

They comforted me through soothing words hanggang sa maging okay ako.

Dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga. Magpahinga sa lahat— magpahinga sa sakit na nararamdaman ko.

I am a registered nurse and I worked in abroad for almost three years then I stopped because I was tend to marry Patrick but nawala lahat noong niloko niya ako. Tumigil ako sa pagtatrabaho sa abroad at umuwi dito dahil gusto kong mag-settle na dito sa Pilipinas pero nasayang lang ang pagtigil ko.

After a week of moving on, I finally went out on my nest. Dahil kung mabubulok lang ako sa kwarto, mas lalo lang akong masasaktan. Inasikaso ko nalang ang gagawing birthday party ni Mama sa susunod na buwan. Me and my Kuya planned a grand celebration for my Mama since we both have work and can support all the expenses.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now