Chapter 12

13.7K 247 23
                                    

"Hoy Mika... Alam mo ba?" biglang sabi ng Kuya ko habang nasa living room kami, nanonood ng The Conjuring at kumakain ng Ice cream.

It was already midnight and it  was just the both us. Patay ang mga ilaw at ang liwanag lang ay iyong ilaw na galing sa TV. Tulog na sina Mama at Papa kaya kami nalang dalawa.

Napagdesisyunan namin na manood ng movie since hindi pa naman kami inaantok at meron talaga kaming tinatawag na bonding namin. Maglalaan kami ng oras para sa isa't isa despite of our busy schedules.

"Ano?" ani ko habang halos magtago na sa suot kong hoodie. Parehas kaming naka-hoodie at naka-pajama ng may Mickey mouse na design. Favorite kasi namin 'to eh.

"May babae na pumunta sa kompanya namin... Maganda." dagdag niya habang ang mata ay nakatutok pa rin sa TV. Nangangatog na nga ang mga tuhod namin sa takot.

"Pake ko." I answered while the eyes were just pinned on the screen.

"May dalang lunch para kay Engineer Alessandro... Tapos lumabas sila..."

Doon na napukaw ang atensyon at nahampas ko siya ng unan.

"Aray!" daing nito.

"Bakit hindi mo sinaway!" bulyaw ko sa kanya.

"Hindi ko naman problema 'yon! Bakit? Ako ba jowa? Ha? At saka hindi naman kinain ni Alessandro ang lunch na dinala ng babae. Sa katunayan, binigay pa nga sa 'kin eh."

"Binigay sayo kasi patay gutom ka!"

Nag-usok ang ilong nito at tila napikon kaya binatukan niya ako. "Anong patay-gutom ha? Diet nga ako! Kinain ko lang dahil masarap!"

I just tsked. "Ano daw pangalan ng babae?!" pasigaw na tanong ko. Mukha na kaming mga baliw na nagsisigawan at nagkakasakitan dito. Wala na nga kaming ideya kung saan na patungo ang movie.

"Hilary. 'Yon ang narinig ko."

Natigilan ako. That name seemed so familiar. If I am not mistaken, that's the name that Alessandro's mother said. Hilary, Alessandro childhood sweetheart!

"Sigurado ka dyan sa narinig mo? Bingi ka pa naman..."

"Aba! Oo naman!"

May selos na bumugso sa dibdib ko.

They went out! Pa'no ako?!

"Pero you don't have to worry. I trust Alessandro and sa nakita ko, casual lang naman ang mga kilos niya. Ipinakilala niya pa nga ako bilang Kuya ng girlfriend niya..."

Napalingon ako kay Kuya Miko. "T-talaga? Sinabi niyang m-may girlfriend siya?"

Hindi na batok ang nakuha ko. Kundi, pitik na sa noo. "Paulit-ulit? Paulit-ulit?"

I just glared at him.

Nananakit na naman!

Natahimik kami sandali at bumalik na sa pinapanood. Nang matapos ang movie, nagtinginan kaming dalawa.

"Patayin mo." sabay naming saad sa isa't isa.

"Bakit ako?! Ikaw ang pumatay! Remember, ako ang nag-on kanina..." ani ko pa.

Nagtutulakan kasi kami kung sino ang papatay ng TV. Pareho kaming takot dahil sobrang dilim ng bahay tapos horror pa ang pinanood namin.

Ilang beses pa kaming nagtalo hanggang sa pumayag na si Kuya.

"S-sige! Ako na. Basta samahan mo lang ako."

Pumayag nalang ako.

Sabay kaming tumayo at dahan-dahang naglakad patungo sa TV. May ilaw pang natira galing sa TV kaya nang tuluyan na itong napatay, sobrang dilim na ng buong bahay na halos wala na kaming makita.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now