Chapter 20

14.8K 218 12
                                    

Malapit na akong makarating sa bahay namin nang may makita akong kakaalis lang na sasakyan. Parang galing lang ito sa bahay namin. Gayunpaman, hindi ko nalang pinansin iyon at iginarahe na ang aking sasakyan.

"Mom, dito ba galing ang sasakyang nasa labas kanina?" I asked curiously.

Nagulat silang dalawa ni papa sa tanong ko. Nasa sala silang tatlo ni Kuya.

"H-huh? Ah— Eh... Hindi! Baka naligaw lang 'yon." Nauutal pa ito at hirap makahanap ng salitang isasagot sa akin.

She looked tensed. But I didn't mind it. What to be tense of? I'm just asking!

Nang ibaling ko ang paningin ko kay Kuya Miko, nakayuko lang ito habang hawak ang kamao.

Napansin kong namumula ito.

"Kuya, what  happened to your hand? Ba't namumula?" nagtataka kong tanong.

"May sinuntok lang." sabi nito at tumayo. Pagkatapos ay nilagpasan ako at dumiretso na sa kanilang kwarto ni Hanna.

While me on the other hand, was left with a question mark at the top of my head.

"Sinuntok? Nakipag-away ba si Kuya?" baling ko kina Mommy at Daddy na hanggang ngayon ay hindi pa rin mapakali.

"A-ah... Hindi! Sinusuntok niya kasi ang punching bag kanina. Nagpapawis lang."

Hindi ko nalang pinahaba pa ang pagtatanong. Sa halip ay dumiretso nalang sa kwarto ko.

Kinabukasan, maaga akong pumasok sa trabaho. Wala namang nagbago. Nurse pa rin ako.

Ngayon, magmo-monitor na naman ako kay Mr. Ramirez na pinsan pala ni Alessandro.
Bumuntong-hininga ako at nagdasal na sana wala si Alessandro sa loob.

Dahan-dahan kong tinulak papasok ang pintuan. I felt relieved when I didn't see Alessandro inside.

"Hi Nurse," bati ni Mr. Ramirez.

"Monitoring muna tayo ngayon, Sir..." I said.

Sinimulan ko na ang dapat gawin. Pero hindi pa rin mapalagay ang isip ko sa kakaisip kay Alessandro. Hanggang ngayon, nakatatak pa rin sa isipan ko ang nangyari sa amin sa stock room.

Hindi ko alam kung bakit sinusundan niya pa rin ako sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya noon.

"Ahm, Sir? Wala po kayong kasama ngayon? I mean... Wala bang dumadalaw sa 'yo?" tanong ko.

"Ah... My cousin will be here in a while. May inasikaso lang sa kompanya pero pupunta rin ito mamaya." sagot naman nito.

Nang matapos na ako kay Mr. Ramirez, niligpit ko na ang mga gamit ko at naglakad na patungo sa pintuan.

Pinihit ko ito at ganoon nalang ang pagkagulat ko nang naunang bumukas ang pintuan at lulan no'n ay si Alessandro na naka-itim na t-shirt at nakamaong na pantalon. Ang kaputian nito ay mas lalong tumingkad dahil sa suot nitong itim na damit at dagdagan pa ng mga namumutok nitong braso.

Nagkatitigan kami sandali pero pinutol ko naman agad ito. Baka maakit pa ako ng mga berdeng mata niya. Kaya nang makabalik na ako sa ulirat, nilampasan ko na siya.

"Mika,"

Napapikit ako nang marinig kong tinawag ako ni Alessandro.

Sigurado akong mangungulit na naman siya!

I faced him after bracing myself. Hindi pa man siya nakakapagsalita ay inunahan ko na siya.

"Kung tungkol ito sa nangyari sa atin noong isang araw, pwes, kung ako sa 'yo, tumigil ka na. Huwag na tayong mag-usap pa. And just like what what I have told you, I'm not satisfied with your performance, Mr. Engineer. Your fingers were too slow. Ano ba ang nangyari diyan? Signs of aging na ba?" I sarcastically said.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now