Chapter 17

11.4K 227 16
                                    

Nagising ako na parang may humahaplos sa kamay ko. Noong binuksan ko ang mata ko, isang puting kisame ang bumungad sa akin at napagtanto kung nasa hospital ako.

"Ang a-anak ko? A-ayos lang ba siya?"

Iyan ang unang tanong ko. Bago ako nawalan ng malay, may dugong dumaloy sa mga binti ko.

Sinubukan kong bumangon pero pinigilan ako nina Mommy at Daddy na nasa magkabilang-gilid ko.

"Anak, kumalma ka muna..." my Mother soothed.

"Ma, sagutin mo ako, please... Nagmamakaawa ako..." nagsusumamong ani ko.

Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari sa baby ko. I know the possible consequences of falling from the stairs while you are carrying a baby but I am praying that I am wrong.

Sana mali ako...

Sana mali ang hinala ko...

Ngunit wala akong natanggap na sagot kay Mommy. Kundi umiyak lang siya.

Kaya kay Daddy ako bumaling. "Dad, nandito pa rin naman ang baby ko, 'di ba?" tukoy ko sa loob ng tiyan ko.

Nagtaas ng tingin si Daddy sa akin pero umiwas kaagad ito sabay sabi ng mga katagang nagpagunaw ng mundo ko.

"Wala na ang baby mo, Mika... Nakunan ka..."

Sunod-sunod na tumulo ang luha  ko at para akong nalagutan ng hininga nang marinig kay Papa iyon.

Ang sakit sa dibdib...

Lahat ng mga pangarap ko para sa anak ko ay naglaho. Bakit ang bilis naman?

"H-hindi... Hindi... Sinungaling... Sinungaling kayo!" sigaw ko at humagulgol nang malakas. "Sinungaling!"

"Anak, tahan na..." awat sa akin ni Mommy dahil nagwawala na ako sa kama ko.

Pero kahit anong pagpapatahan nila sa akin ay hindi ko pinakinggan dahil sa sakit, galit, poot at panghihinayang na nararamdaman ko ngayon.

"Hindi pwede! Ang anak ko!" I shouted with grievance.

Lumapit sa akin si Kuya at niyakap ako. He comforted me with his warm hug to make me feel that everything will be alright. His eyes were red and teary.

"Tahan na... Ayaw kong nakikita kitang umiiyak... Nasasaktan ako," ani niya.

"Kuya... M-my baby..." hagulgol ko habang yakap si Kuya.

Then the memories flashed back in my head. Bumalik sa akin ang mga alaala kung gaano sila kasaya noong nalaman nilang buntis ako. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na mawawala nang ganito kaaga ang anak ko. Ni hindi ko man lang naranasan ang maging ina. At bukod sa akin, alam kung masakit rin sa pamilya ko ang pagkawala ng anak ko.

Lalong-lalo na si Kuya Miko....

He loved my child that was inside my womb. He let me feel that he cared for it. The fact the he pays the expenses for my pregnancy shows that he really loved me and my child.

At ang malamang nakuhanan ako ay masakit rin para sa kanya.

Umusbong ang galit sa puso ko nang makita si Alessandro na pumasok. Halata sa mukha nito ang pag-aalala at pagod.

Sa mga oras na ito, wala akong ibang sinisisi kundi si Alessandro at ang mama niya.

This is all their fault.

"Ikaw! Kasalanan mo 'to!" sigaw ko kay Alessandro. Tinangka niya akong lapitan ngunit hinarangan siya ni Kuya.

"Mika, what happened?" he asked.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now