Chapter 21

13.1K 225 13
                                    

Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa nakahandusay si Alessandro na nasa tabi ko ngayon dahil sa talim ng tingin ko sa kanya.

Kanina pa kami bumabyahe pero hindi pa rin kami humihinto. I don't even know where on earth will this asshole bring me!

"Stop looking at me. I will be turn on." he said playfully. Parang inaasar niya lalo ako eh!

Kung nakakapagsalita lang ako, baka binatuhan ko na siya ng libo-libong mura.

Dahil sa inis, sinipa ko siya nang malakas kaya napadaing siya.

"Bad, Corazon!" ani niya habang hinihimas ang binting nasipa ko kanina lang.

Sa inis niya kinuha niya ang dalawa kong binti at nilagay sa kandungan niya at hinawakan ito nang mahigpit. Kaya kahit pilit akong nagpupumiglas hindi ko maigalaw ang binti ko.

"Xenon, malapit na ba tayo?" rinig kong tanong ni Alessandro sa driver niya.

"We're near, jackass." sagot nito gamit ang baritonong boses.

Hindi ko masyadong maaninag ang driver dahil nakatalikod ito. Ang tanging nakikita ko lang ay ang kanyang nakalantad na mabalbon at maputing batok. Pero hinuha ko, gwapo rin ito. Maskulado rin at tila may ipagmamalaki.

Natigil ako sa pagtingin sa driver nang bigla hawakan ni Alessandro ang magkabilang pisngi at hinarap sa kanya.

"Why are you looking at him? You are not allowed to fantasize other man, Mika Eurice, unless it's me. Understand, my love?" ani niya habang nakataas ang kilay.

Pagkatapos ay pinatakan niya ako ng halik ang tape na tumatakip sa bibig ko. After that, his eyes accidentally fixed on my body, specifically, on my abdomen.

"You even dared to wear that sexy sports bra, hmm? Your body was too exposed... And this... " Napaiktad ako nang bigla niyang padaanan ng kanyang kamay ang aking pusod. Pinaikot-ikot niya ito sa sensuwal na paraan na nagdulot ng kakaibang sensasyon sa akin.

"Hmmp..." Impit na daing ko.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang tigilan niya na ito. At bumalik na sa tuwid na pagkakaupo.

Anong gusto niya? Mag-pajama ako habang nag-jo-jogging?

Maya-maya pa ay tumingin na naman siya sa akin. "Are you hungry?" tanong niya.

Dumaan ang ilang minuto na hindi ako sumagot kaya kinuha niya ang takip sa bibig ko.

"So, now you can speak." utos niya ngunit hindi pa rin ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa kanya gamit ang aking matatalim na tingin. My breathing was heavy and my lips were completely pursed together.

"Speak, Love." sabi niya ulit nang mapansin niyang hindi pa rin ako nagsasalita. "Go on. Spea—"

"Bwesit ka!!!!!" sigaw ko sa mukha niya na literal na nagpaatras sa kanya.

Hindi niya siguro inaasahan 'yon.

"Bwesit! Bwesit! Bwesit! Ahhhhhh!!!!! Tulong!!!! Kinidnap ako! Tulong!!! Kuya! Mama! Papa! Ahhh tulong!!!! Mamang Pulis! Help! Anyone! They kidnapped me!" pagwawala ko sa loob ng Van. Sigaw dito, sigaw doon. Umaasang may makarinig sa akin pero ni isa, wala man lang akong nakitang tao. Kundi, mga damo at mga puno ang mga nakikita ko sa labas.

Hindi ko nga alam kung saan nila ako dadalhin! Baka probinsya na 'to dahil mukhang nakalayo na kami sa siyudad. Dalawang oras siguro o higit pa kami bumabyahe.

"Damn it, Man! Your girl is a disaster!" rinig kong sabi ng Driver ni Alessandro. Halata ang pagkairita sa boses nito.

"My favorite disaster!" Alessandro shouted back and chuckled.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now