Chapter 6 (SPG)

21.6K 323 24
                                    

Warning ⚠️🔞: Ipikit natin ang ating mga mata dahil ang kabanatang ito ay hindi pwede sa mga bata. 🧐

---------------

"Hello, Mika! Pakihatid mo naman 'yong blueprint ko dito sa construction site. Nasa ibabaw ng mesa sa kwarto ko." Bungad ng Kuya ko.

Napakamot ako ng ulo ko dahil sa inis habang nagpagulong-gulong sa kama. "Kuya naman eh! Ba't mo naman kasi kinalimutan!" naiinis na sabi ko.

Kay aga-aga nang-iisturbo!

Kung lang siya tanga, edi sana payapa ang tulog ko ngayon. Tumawag lang naman siya para sabihin na ihatid ang blue print niya.

Naturingan pa namang engineer... Nakakainis!

"Dalhin mo rito, Mika. Sinasabi ko sa 'yo..." he threatened.

"Oo na!" bulyaw ko.

"Dalian mo, gagamitin ko 'yon."

Inis kong pinatay ang tawag at bumangon na. Hindi talaga mawawala ang araw na hindi ako mabwebwesit ng kapatid kong 'yon.

Naligo muna ako pagkatapos ay kumuha ng damit na isusuot. Napili kong isuot ang isang white mini dress at pinaresan ito ng isang black na naked sandal. Naglagay rin ako ng light make up.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko mula sa whole body mirror. I looked so sexy and petite wearing the white mini dress. Expose na expose ang mapuputing hita ko as well as my shoulders. Well, I am not that conservative. I know how to style myself and I have a good taste in fashion.

Natawa ako nang mapakla.

Too sexy to be cheated.

After taking a pose, pumunta na ako sa kwarto ni Kuya Miko at kinuha ang blueprint niya na nasa ibabaw ng mesa. Pagkatapos, bumaba na ako at nagpaalam kay Mama. Nagtataka pa ito kung saan ako pupunta dahil sobrang aga pa pero sinabi ko naman sa kanya na may ihahatid lang ako sa anak niyang makakalimutin.

Habang nasa byahe, nahagip ng tingin ko ang dalawang tao na sobrang pamilyar sa 'kin. Magkahawak ang kamay ng mga ito habang patawid sa kabilang parte ng kalsada na kung saan nandoon ang kotse ni Patrick.

Yes. It was Patrick together with Aubrey—my best friend who betrayed me. The two person who both betrayed me.

Tangina... Parang kakalabas pa lang ng mga hayop sa lodging house!

So, they still continuously doing it. Ni wala nga akong nakuhang isang sorry galing sa kanila.

Ang kapal ng mukha! Mas makapal pa sa spartan!

Parang may isang masamang hangin na sumapi sa akin kaya nang patawid na sila, pinaharurot ko ang sasakyan ko papunta sa kanila pero hininto ko naman ito nang makita silang napaiktad sa takot. Konting-konti nalang at masasagasaan ko na sila pero wala naman akong balak na sagasaan sila.

Hindi ako katulad nila na walang konsensya.

"Putangina! May balak ka bang patayin kami?!" galit na sigaw ni Patrick at hinampas ang sasakyan ko.

Pagkatapos ay pahampas niya na kinatok ang bintana ng aking sasakyan habang nasa likod niya si Aubrey na nakabusangot ang mukha at supladang magkakrus ang mga braso sa tapat ng dibdib.

Ilang minuto ang nagtagal bago ko napagpasyahan na buksan ang bintana ng aking sasakyan.

Bakas sa mukha nilang dalawa ang gulat nang makita ako at ang kamay ni Patrick ay nabitin sa ere.

I gave them a plastic smile. "Sorry not sorry." I said fiercely before maneuvering the car with a fast speed and left them in awe.

I don't forgive easily. Just like Alessandro said, I am no saint. What they did left a scar in my whole being that even in my dream, it still hunts me. Mahirap magpatawad dahil mahirap makalimot.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now