Chapter 7

17.8K 309 52
                                    


"Alam mo Alessandro, I am not still open for a new relationship because I'm still at the stage of moving on. At hindi pa ako nagpapaligaw. Pero dahil dakilang malandi ka, at lagi mo akong nilalandi, wala na akong akong magagawa." paliwanag ko kay Alessandro habang nasa isang romantic na restaurant, nagdi-dinner.

Nakatingin lang siya sa akin at nakikinig nang maayos sa mga sinasabi ko. "One last time, are you sure that you'll going to court me? Dahil kung oo, magiging panakip-butas lang kita. Frankly said, I have no feelings for you."

"I understand what you're trying to point out Coraz—"

"Oops, oops, oops," I stopped him while raising my forefinger. "Huwag mo akong tawaging Corazon dahil nagmumukha akong unang aswang."

Alessandro chuckled a little bit. "Fine, Eurice. I understand that. Handa akong maging panakip-butas mo. At wala naman akong dapat ikabahala because I am confident that you'll fall for me sooner or later or could be tomorrow."

Napangiwi ako dahil sa confidence na pinapakita ni Alessandro. Literal na confident siya habang sinasabi niya iyon at talagang napakaseryoso ng mukha niya. Ni hindi ko man lang ito nakitaan ng pagbibiro. Pero hindi na ako nag-react.

"And since nandito na naman tayo, I want to confront you about what happened to us in my resort..."

Here he goes again. Palagi nalang niyang binabalik ang nangyari sa amin no'ng gabing iyon.

"Gano'n ba ako kasarap para hindi mo makalimutan?" pagbibiro ko.

He looked at me as if he forgot something. "I think I forgot what you taste like. Can I taste you again?"

Namula ako sa sinabi niya. Para akong ginisa sa sarili kong mantika.

Kahit kailan talaga, ang landi ng lalaking 'to.

Mahina ko siyang pinatid sa ilalim ng mesa. "Ang baboy mo!"

Nagpatay malisya lang ito. "Why? It's true. I can still hear your moans in my wet dreams, your whimpers and how you beg me to fuck you." Tiningnan niya ako sa mata na para bang may atraso ako sa kanya. "But when I woke up, wala ka na... Hinanap kita. I've been searching for you in those three months."

"H-Hinanap mo 'ko?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Exactly! I even searched your name in the guest list. Pero wala naman akong nakitang Corazon. 'Yon naman pala, niloko mo lang ako, Mika Eurice Salazar." Then he pouted.

I bit my lips to prevent myself from laughing. Talagang pinaniwalaan niyang Corazon ang pangalan ko.

Gwapong tanga.

"But it's okay, I have your panty with me and the bedsheet that stained with your blood." sabi niya sabay nagpakawala ng nanunudyong ngiti.

Nabulunan ako sa sariling laway sa biglang sabi ni Alessandro. Doon ko lang naalala na nang pinulot ko ang mga damit ko, hindi pala nasama ang panty ko!

Pero... Nakakadiri talaga 'tong lalaking 'to! Amoy alat pa naman 'yon.

"I-Ibalik mo 'yon!" mahinang bulyaw ko sa kanya pero ngumisi lang ito ng nakakaloko.

Oh my fvcking shit! Damn it!

Hindi makalma ang puso ko dahil sa kaba habang nasa sasakyan ni Alessandro. Weekend at walang trabaho ang pamilya ko kaya lahat sila ay nasa bahay lang ngayon including Kuya Miko.

"Sigurado ka ba talaga, Sandro?" I asked him once again. Gusto niya kasing magpaalam sa pamilya ko na liligawan niya ako.

Sandro nalang ang tinawag ko sa kanya dahil sobrang haba ng pangalan niya.

HOT SERIES #1: One Night Stand With EngineerWhere stories live. Discover now