Chapter One

23 4 0
                                    

ONE

"Chris! Wait up!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ang bestfriend ko na nakayuko habang nakahawak sa tuhod niya. She's been chasing me simula nung makapasok ako sa school gate, at ngayon ko lang siya nilingon. Nakatrip ako ngayon eh.

"Oh anong nangyari sayo? You look like you've been chased by thousand of dogs Sy."

"Ikaw kaya! Kanina pa kita tinatawag Hindi ka nagstop lakad ka parin ng lakad. Ang bilis mo kayang maglakad!"

"So kasalan ko pa palang mabagal ka maglakad?"

"Hindi mo man lang ako inintay! You are so mean!"

"I know right. No need to mention it."

"Tsk. Whatever. By the way where's Pau?"

"Hindi ako tanungan ng mga nawawalang tao."

"Ugh!! Stop acting like a bitch please? Ano bang nakain mo?"

"Pancakes, hotdog, egg and hot chocolate."

"Ugh! Seriously. Tara na nga sa room." at nauna na siyang naglakad papunta sa room namin. That was epic! She's pissed man. Hahaha!

Hindi muna ako dumiretso sa room since may 15 minutes pa before class hour, kaya nagpunta muna ako sa cafeteria para mag breakfast. Echos lang yung mga pinagsasabi ko kay Sy kanina, iniinis ko lang talaga siya. Karma ko nga ata kaya ayan nagutom ako sa mga pinagsasabi ko, I'm craving!

Bumili lang ako ng Carbonara with garlic bread and Lemonade. Umupo ako sa pinakamalapit na table at nagsimula ng kumain. I'm famished!

Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na agad ako sa room dahil ayokong malate sa last day of class.

Pagkapasok ko sa room marami ng tao at napatingin sila sakin at agad din bumalik sa kanya kanya nilang ginagawa.

Pagkakita ko kay Sy agad na akong nagpunta sa bakanteng pwesto sa tabi niya kahit alam ko na inis siya sakin.

"Hi Sy."

Hindi niya ako pinansin at agad humarap sa kabila. Aww, she's really pissed.

"Hey...Sy...Babe"

"Nakatrip lang ako kanina. Hey."

"SYRIEE! CHRISTINE! I MISS YOU BOTH BABES!" Napatingin ako sa may entrance door at nakita ang mala machine gun na isa ko pang bestfriend.

Agad siyang tumakbo papunta samin at niyakap kaming dalawa at hinalikan sa cheeks.

"Pau! Lower your voice please. Nakakahiya ka." Sita ko sa kanya

"Aww kinakahiya niyo ako." At nagpout siya

"Anong grade kaba talaga? Grade 11 kaba talaga or grade 3?"

"So meanie Chris." At nagpout ulit siya

Nagroll eyes nalang ako sa kachildish-an ng bestfriend ko. Ugh seriously.

Napansin ni pau ang pananahimik ni Sy kaya binatukan niya ito

"Ouch! Pau!!!" Impit na tili niya at tinignan niya ito ng masama

Nagpeace sign siya dito at tumawa

"Tahimik mo kasi eh!" Sabi niya sabay halakhak ulit.

"Ewan ko sayo." At inirapan niya ito

"Ouch. Ano bang nahithit nito at nagkaganto to?" Baling ni pau sakin

"Nabadtrip ko siya. Hehe."

"What? Pano?"

At kinwento ko lahat sa kanya yung nangyari kanina

"What the! Ang sama mo Chris!" Sabay tawa niya ng malakas.

When I Ran awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon