Chapter Eight

7 1 0
                                    

EIGHT

Nagulat ako ng biglang may dumagan sakin sa kama. Inaantok pa ako!

"Ugh! Ano ba!" Tinulak tulak ko kung sino man yung dumagan sakin

"Sleepy head. Wake up." Kiniliti niya ako kaya napa-upo na ako sa Kama ko

"Inaantok pa ako, lumabas ka nga sa kwarto ko Dustin!" Tinutulak tulak ko siya. Palagi nalang siyang nambubulabog kapag weekend, nung last weekend sinulatan ba naman ng pentel pen yung mukha ko! Buti nalang Hindi permanent kung Hindi lagot siya sakin. Nasanay na akong laging nasa kwarto ko si Dustin tumatambay lagi, privacy invader yan eh, kaya pati ako nasanay nang tumatambay sa kwarto niya kasi iniinis ko siya pero walang epekto. Almost two months na din akong nakatira sa apartment nato kaya close na close na talaga kami ni dustin. And alam niya na din na nagdi disguise ako para Hindi ako mahanap ng tauhan ng daddy ko, but I didn't tell him my reason at naintindihan niya naman. Sabi niya sabi ko na nga ba contact lens lang yan at nagpakulay lang ng buhok eh Hindi daw kasi akong mukhang foreigner, Hindi daw eh paniwalang paniwala kaya siya nung nanuod kami nung fast 7. Nagulat nga ako kasi ganun lang reaction niya at Hindi siya nagalit sa pagpapanggap ko. Alam niya na din ang real name ko pero sabi ko Cassey parin dapat ang itawag niya sakin kasi baka may makarinig mabuko pa ako, nainitindihan niya naman. Tinanong niya pa nga ako kung ang daddy ko ba ay yung may-ari ng Montevega Corporation tumanggi ako syempre. Wala naman talaga akong balak na ipaalam sa kanya yun nga lang nung unang beses siyang pumasok sa kwarto ko at tulog ako nun nung dumilat ako nakita niyang brown ang kulay talaga ng Mata ko kaya sinabi ko na kung bakit ako nagsinungaling sa kanya baka kasi magalit siya sa pagsisinungaling ko kaya sinabi ko na ayokong magalit siya sakin ay buti naman naintindihan niya.

Palagi na din kaming lumalabas at gumagala kapag off namin, minsan movie marathon kapag tinatamad kami. At ngayon weekend hindi ko lang alam, Hindi naman kasi nakaplano eh nangyayari nalang. And about my work, nasanay na din ako nakatanggap na din ako ng first salary at may bonus pa ako dahil maganda daw ang feedbacks sa akin. Kaya nung sweldo ko nagpunta kaming star city ni Dustin at nilibre ko siya. Yung kuripot naman tuwang tuwa.

Napatili ako ng bigla akong lumutang, binuhat ako in bridal style ni Dustin at dinala sa kusina. Nilapag niya ako sa upuan.

"Breakfast is ready, ako nagluto niyan." Pagmamalaki niya sakin napatingin naman ako sa lamesa at may bacon at hotdogs sa mesa at toast bread. Nakahanda na din yung coffee niya at gatas ko. Napangiti naman ako.

"Wow. Improving buti Hindi nasunog." Ngumisi ako

"Magaling na kaya ako magluto ngayon, fried foods nga lang." Humalakhak siya, napatawa na din ako sa kalokohan niya. Kumakain na kami ng niluto niya ng magsalita siya.

"Magbihis ka, may pupuntahan tayo." Nakangiti siya sakin

"Where?"

"Basta. Wag nang maraming tanong." Sabi niya Sabay kindat. Napailing nalang ako at ngumiti.

"Basta ba makakauwi pa ako ng buhay dito."

"Oo naman." Tumawa siya

Pagkatapos naming kumain pinagpaligo niya na ako, siya nalang daw ang maghuhugas ng Plato Hindi kuna tinanggihan kasi minsan lang maghugas ng Plato yan. Sabi ko nga anong kalokohan kaya ang binabalak niya, tumawa lang siya at sinabing Wala daw siyang kalokohan ngayon. Good boy daw siya na agad Kong kinontra pero tinulak niya na ako papunta sa kwarto, maligo na daw ako at isuot ko daw ang pinakamaganda Kong dress. Ano kayang binabalak ng Dustin nato? Kapag naman pinagtitripan lang ako nito masasapak ko na talaga siya.

"I'm done. Are you done?" Sigaw niya sa labas ng kwarto ko

"Malapit na." Sigaw ko

"Kupad naman." Pangaasar niya

When I Ran awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon