Chapter Three

3 3 0
                                    

THREE

Late akong na gising, it's lunch time already. Sa pagod siguro kaya napasarap yung tulog ko. Pagkalabas ko ng kwarto nagpunta agad ako sa kitchen, I'm starving already. May nakita akong nakatakip sa may mesa na may note.

Hey. Pinagluto na kita ng breakfast and lunch just microwave it if its cold already. Sorry dahil Hindi kita matutulungan ngayon because of work, but I promised I'll accompany and help you the whole weekend. If something happened don't hesitate to call me ok? Take care and don't forget to bring the keys.

PS. Here's my number. I know you changed your phone and number. 09xxxxxxxxx ,office landline ----------.
JOSH.

Tinanggal ko yung takip at ang laman nun ay egg, bacon, toasted bread and milk na I think para sa breakfast ko at isa naman ay kanin at fish fillet with sweet and sour sauce, he really know me. Fish fillet and that sauce is my favorite combination!

Pagkatapos Kong kumain, bumalik na ako sa kwarto at naligo.

Nagsuot lang ako ng peach sunday dress and black doll shoes.

Naglibot ako sa manila para maghanap ng apartment or bedspace at nakahanap naman ako. Malayo ito sa office and condo ni josh kaya ok na, maganda din naman yung monthly payment kaya nag settle na ako sa apartment nayun. May kasama daw ako na isang lalaki, nagreklamo ako bakit lalaki yung makakasama ko diba dapat girls only? or kung boys, boys only lang dapat. Pero sabi nung landlady mabait naman daw yung lalaki medyo matanda nga lang daw sakin ng konti. Magisa lang daw kasi yung lalaking yun sa apartment niya at medyo nahihirapan itong magbayad monthly dahil sa mga ginagasto niya daw, kaya gusto ng landlady na magtulungan nalang kami sa monthly dahil maliki yung apartment na nakuha ng lalaki means malaki din yung monthly at Hindi pa kasama yung electric bills and water bills dun, may dalawang kwarto naman daw yung apartment nayun kaya pumayag na din ako since kilala naman at tiwalang tiwala yung landlady dun, pinupuri nga ng pinupuri eh. Kesho masipag yung batang yun ganto ganyan. Tsaka nagtitipid ako.

Yung landlady na yung nagoffer sakin ng deal nayun kaya pumayag na talaga ako, maguusap nalang daw sila nung lalaki mamaya pagkauwi nito galing sa trabaho.

Sana lang Hindi manyak, adik, siraulo, drug dealer, budol budol gang, akyat bahay gang-ok stop na. Sana talaga mabait nga yung bedmate ko.

Nagdeposit muna ako sa landlady at nagbayad ng 3 months advance. No choice na ako ito na kasi yung pinakamura sa lahat ng nakita ko, at maayos yung kwarto ko at yung apartment. Ok na din yun kesa magbedspace or dorm ako, masyadong crowded at walang privacy. Sabi nung landlady pwede na daw akong lumipat dun bukas.

Umuwi na ako sa condo ni josh at nagpalit ng pambahay. Inayos kuna din yung mga gamit ko at yung isusuot ko bukas para aalis nalang ako bukas, kapag pumasok na kasi si josh bukas sa work niya dun palang ako aalis. I won't tell him na nakakita na ako ng apartment at Hindi ko din sasabihin sa kanya na bukas na ako aalis because I'm sure he'll bombarded me with questions about where will I stay? And so on and so forth.

When I Ran awayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon