Chapter 4

50 3 0
                                    

Nakatuon ang paningin ko sa kasintahan na kasalukuyan kinakausap ang matalik na kaibigan nito slash katrabaho rin nila sa labas ng opisina ng lalaki at mukhang maganda ang pinaguusapan ng dalawa dahil kapwa ito nakangiti.

Hindi ko maiwasan ang makaramdam ng inis o mas tamang sabihin na selos dahil hindi magaan ang loob ko sa dalaga. Madalas kasi ay nakakaramdam ako ng inggit kapag magkasama ang dalawa dahil pakiramdam ko higit na marami itong alam sa lalaki keysa sa akin at gusto rin ito ng mga magulang ng kasintahan.

Alam ko at Nararamdaman ko na may pagtingin ang dalaga sa kasintahan niya.

Muli siyang tumingin sa mga ito at napansin niyang sa kanya na nakabaling ang dalawa na agad naman siyang sinenyasan ng boyfriend na lumapit roon.

Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito at agad ipinalupot ni Erick ang mga braso sa bewang niya na napansin niyang pinasadahan ng tingin ni Shirley, Ang kaibigan nito.

"Kanina ka pa ba ?" baling sa kanya ni Erick

umiling ako sa kanya "Hindi, Kararating ko lang"at nginitian ito

"How are you? I told you na huwag ka munang pumasok to take a rest"

"Erick ok na ako, burong buro na ko sa bahay sa kapapahinga"

Tumikhim si Shirley upang iparamdam ang presensya na tila nakalimutan na namin.

"How are you Ellaine? I heard you got in hospital"

Hindi ko alam kung nag aala ba talaga siya o pakitang tao lamang iyon.

Nginitian ko siya na ako rin mismo hindi alam kung matutuwa kung makikita iyon. She's trying to be nice, I guess.

"Im fine, Erick took care of me" nakangiti kong sagot

"I love taking care of you" at mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin

"bolero" nakangiti kong sagot

"lahat ng sinasabi ko sayo ay totoo"

Madali ko siyang hinalikan sa labi

"para saan yon?" nakangiti ito

"Because I love you"

"I love you too"

Naramdaman ko ang pagbabago ng tingin ni shirley sa amin na tila naiilang. Sinadya ko rito na ipakita kung gaano kami ka sweet at kung gaano ako kamahal ng lalaki para kung sakali mang makalimutan nito na ako ang girlfriend at kaibigan lang ito.

"uhm i guess i need to go" maya maya ay sabi nito

"Shirley why dont you join us for dinner?" anyaya ko na sana ay tanggihan niya dahil ayoko naman talaga

"Oo nga" pag sang ayon ni Erick

"No thanks"

"Sure ka?" si Erick

"ok then we'll go to"

Sa Isang Kilalang restaurant kami nagpunta ni Erick para kumain ng hapunan.

Agad kami sinalubong ng tauhan ng restaurant at iginiya sa pinareserved na pwesto ni Erick.

Pag kaupo ay agad na rin kaming umorder ng makakain.

"How's work?" tanong niya sa akin habang kumakain

"ok lang, medyo pagod kasi marami akong natambak na gawain"

"Sabi ko naman sayo wag ka ng magtrabaho"

"Erick kailangan ko ng trabaho kasi may pangangailan ako, alam mo naman na ayokong humingi sa pamilya ko dahil ginusto ko ang mamuhay ng nakatayo sa sarili kong paa" mahabang lintaya ko

"Ayoko lang nakikita kang napapagod, Then i can provide all you need"

natawa ako sa sinabi nito "Just to remind you Mr. Erick Salvador, Girlfriend mo ako at hindi asawa."

"ikaw naman kasi ayaw mo pa akong pakasalan" ani nito sa malungkot na boses

ito na naman sila "Erick, Marami pa tayong panahon at diba napag usapan na natin ito"

"Ok Im sorry, I just want you to be mine"

"Sayo naman ako aa"

"A real one, Siguro hindi pa sapat ang pagmamahal mo sa akin" may pagtatampo sa boses nito habang nakatingin sa pagkain nito.

nahabag siya sa sinabi nito "Erick" tawag ko rito.

"Erick" pag uulit ko, Nag angat nga ito ng tingin pero hindi naman umabot sa kanya

"Eat your food" sabi lang nito

"Erick, what ever your doubt is, Sobrang mahal kita" Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi nito kaya magana ulit akong kumain.

"By the way, Anong pinag uusapan niyo ni Shirley kanina" pambubukas ko muli ng usapan

"Work" matipid nitong sagot

tumango tango ako rito

"Why?"

"wala ka bang nararamdaman na may gusto siya sayo?" dare daretso kong tanong na nakapag paangat ng tingin sa kanya

Bahagya itong tumawa "How many times do i have to tell you na magkaibigan lang kami".

"Kaibigan para sayo, Pero baka sa kanya hindi"medyo naiinis kong sagot dahil hindi niya ako sineseryoso

Lumawak ang ngiti nito sa labi "Nagseselos ka"

Namula ako sa sinabi niya kaya ibinalik ko na lang muli ang atensyon ko sa pagkain

"I love seeing you jealous" pang aasar nito

"Hindi ako nagseselos, I just want to make sure"

Hindi ito sumagot na parang tinatantiya siya

Tumikhim ito na nakapag angat ng tingin ko sa kanya

"Ellaine, kung sakali man na may gusto man siya tulad ng sinasabi mo" hindi siguradong panimula nito " I will tell her na may Ellaine Rodriguez na nabubuhay sa mundo who own my heart."

lihim akong napangiti sa mga binanggit nito.

"Make sure you'll lock all the door and windows of your apartment before you sleep" mariing bilin nito nang maihatid na siya nito sa apartment niya na hindi naman kalakihan.

"Oo na, recite ko na yan" biro ko rito

Siniil sya ng halik nito na ginantihan niya at panandalian siyang niyakap "Mahal na Mahal kita, I really do" tinignan siya nito sa mata "Hindi ko nga lang alam kong bakit" nakangiting dugtong nito

Napangiti ako rito, sa tuwi kasing nag i i love ito sa kanya ay lagi na lang nitong dinudugtong ang mga katagang "Hindi ko nga lang alam kung bakit" ani nito ay kulang daw ang iilang salita para sa pagmamahal nito sa akin kaya hinayaan ko na lamang.

"I love you too,I really do"

Tinanguan siya nito at pumunta sa sasakyan nito. agad na rin akong pumasok pagkarinig ng tunog ng makina ng sasakyan nito.

Here We are AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon