Chapter 5

51 3 0
                                    

Kasalukuyan nasa canteen ng kumpanya kami ni jane to take a lunch pero nasa labas ng canteen na ito ang tingin namin, Naguusap si Erick at Shirley roon.

"Best hindi ka ba nagseselos kay shirley?" biglaang tanong ng kaibigan ko

Binaling ko ang pansin ko sa kanya at panandaliang sinimsim ang juice na nasa harapan ko "minsan" Maikli kong sagot

"I have this feeling na hindi lang KAIBIGAN ang tingin niya kay sir" binigyan diin pa nito ang salitang kaibigan

Nagkibit balikat ako rito, Parehas lang kami ng nararamdaman at ayoko ng dagdagan ang mga posibilidan na nasa isip ko kung papalawakin ko pa ang usapan.

"Paano kung malaman mong may may gusto nga talaga siya"

Doon sa tanong niya na iyon ako napalingon.

Ano nga ba ang gagawin ko kung sakali? Oo alam ko na ako ang mahal niya pero nakakatakot pa rin ang mga posibilidad na pwedeng magbago kung malaman ni Erick na may pagtingin ang kaibigan nito sa kanya sa haba ng pinagsamahan ng mga ito ay sobrang special na para rito ang isat isa.

Ako pa rin kaya ang piliin niya, gayung paulit ulit niya na kong nabalewala dahil pagpapahalaga niya sa kaibigan.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko "Then i tell her na may Girlfriend na ito at ako yun, kung makakalimutan niya"

"Sa tingin mo mawawala yung pagmamahal niya sa jowa mo kapag sinabi mo yon?, Best sa panahon ngayon uso na ang love story kung saan ang bida ay may very special friend tas blah blah blah, then boom bigla na lang nilang marerealize na they cant live without they so called Bestfriend at ito pala talaga ang mahal nila then yung unang minahal ay maiitsapwera dahil sila pala ang dakilang extra kung baga sa inyo ikaw ang extra at si shirley ang bida" mahabang pahayag nito na siyang nakapagpatahimik sa akin "Minsan nakakatakot din magmahal na kahit wala namang sabit e may dakilang bestfriend naman."

Napatingin ako sa labas kung nasaan si Erick na nakikipagngitian sa babaeng maaring balang araw ay maging bida ng kwentong ito.

"Ano ka ba jane, yang imahinasyon mo sobrang lawak na" kunwariy pambabalewala ko kahit na ang totoo ay sobra akong nahabag

Nagkibit balikat ito "Bahala ka"

"Sorry medyo natagalan ako"si Erick, na sa sobrang okyupado ng utak ko ay hindi ko napansing dumating.

Umupo ito sa tabi ko at hinalikan ako sa pisngi

"Where's Shirley?" tanong ko ng mapansing hindi nito kasunod ang dalaga

"Something came up so she cant join us."

Tumango tango lang ako at hindi sumagot

"Let's Eat" yaya nito

"Ahm Ellaine and Sir mauna na po ako nasa baba kasi kapatid ko at pupuntahan ko muna, tutal madalang na lang kayong maglunch na kayo lang dalawa" kumindat pa ito sa akin bago naglakad palayo

Mapait akong napangiti sa sinabi huling sinabi ng kaibigan, Oo sobrang dalang namin maglunch dito sa company na kami lang dalawa, Lagi kasi sumasabay sa amin si shirley sa pagkain dahil bago pa man naging kami ay ang dalawa ang madalas magsama noon, sa lahat ng bagay at para hindi masyado maging malaki ang mundo para sa aming tatlo ay inanyayahan ko si Jane na sabayan kami na pinaunlakan niya.

"Let's eat" nakangiting anyaya niya sa akin.

tinanguan ko siya,

Nakatutok lang ang tingin ko sa pagkain at hinahayaan ng mga dalari kong paglaruan ito gamit ang tinidor.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako mapalagay at masyadong nalulunod ang isipan ko sa kakaisip. masyado akong nadala sa mga posibilidad na iniwan sa akin ni jane. Puro takot at pangamba ang nangingibabaw sa akin

"You dont like the food?" biglang tanong ni Erick

"No, I like it"

"hindi ka naman kumakain , pinalalaruan mo lang yan"

pinuna ko ang pinggan kong lamug lamug na ang laman nito "Sorry, Busog kasi ako"

"Busog?, Ni wala ngang bawas yang Pagkain mo, you should eat ellaine ayaw kong nagpapalipas ka ng gutom"

Hindi ko siya sinagot, Hinayaan ko ang sarili na pagmasdan lamang ang gwapo nitong mukha. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Dahil sa pangamba o presensya niya ay hindi ko alam.

Sa huli kaya ako naman ang pipiliin mo Yun ang mga katangungang pilit nagsusumiksik sa magulo kong utak

Naramdaman ko ang pagsalubong niya ng tingin sa mga mata kong nakatutok sa kanya

"May problema ba Ellaine?" may pagaalala nitong tanong

Umiling iling ako at nagbaba ng tingin sa kanya.

tinaas niya ang mukha ko gamit ang mga palad niya "What it is Ellaine, tell me" kitang kita ko ang pag aalala sa kanya

Imbis na sagutin siya ay binigyan ko siya ng mahigpit na yakap.

Naiinis ako sa sarili ko dahil ganito ang nararamdaman ko, Dapat wala akong pakelam dahil alam ko na ako ang mahal niya.

Mariin akong pumikit at pilit nilalabanan ang takot at emosyon na bumabalot sa akin ngayon

Naramdaman ko ang pag ganti niya ng yakap "Ellaine, Tell me, Hindi yung tinatakot mo ko ng ganito,"

"I just missed you" sagot ko upang ibsan ang negatibong bagay

Huminga ito ng malalim at bahagyang tumawa na syang nakapagpagaan ng loob ko. Ang ngiti nito ang siyang pain reliever ko

kumalas na ko ng yakap sa kanya pero hinigpitan niya lamang ang yakap sa akin "Kakakita pa lang natin kanina missed muna agad ako, ikaw ah sobrang na oobsessed kana sa akin" nakangiti ito

Kumalas na ito ng yakap sa akin "Gusto mo mamasyal ? maghahalf day ako."

Ngumiti ako "Im fine erick magkikita naman tayo mamaya ee, naging oa lang ako"

"Sana lagi ka na lang oa"

Nakunot noo ako sa sinabi niyang iyon

"Nakakabakla man, pero napapakilig mo ko" tas bigla na itong tumawa ng malakas na naka agaw pansin ng mga tao roon.

Napangiti na lamang ako at pinagmasdan ang masaya niyang mukha

I know this man love me.

Here We are AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon