Chapter 10

38 2 0
                                    

Napagplanuhan nilang maglaro para daw mas enjoy ang bakasyong ito.

Dahil wala pa naman si Erick ay sumali ako para may magawa. Swim Race ang naisipan nilang laruin which is good dahil mahilig akong magswimming noon kaya sisiw lang sa akin ito.

"Ok guys, two groups tayo Ellaine,Dan, and lana kayo ang mag kakagroup at kami naman nila Shirley at ayycee" Si Aaron

Tumango tango lang kami

"So whats the rule and price?" si ayycee na excited na excited

"The first two player need to swim hanggang sa may red small flag na iyon na pinalagay namin kay manong kanina you need to get that flag and past to the next player at ang matatalo ang sasagot sa dinner mamaya, kuha ba?" tanong ni lana

Tango lang ulit ang sinagot namin

"and by the way, tandaan niyo na medyo malalim doon so mag iingat kayo guys"

"So start na tayo?"

"ok"

Nagsipagpwsestuhan na kami sa bawat group namin, unang sasabak si Lana vs. Ayycee

Sabay na lumusong ang dalawa at walang tigil sa paglangoy habang kami ay nagchecheer sa panonood, hindi naman seryosohan to kaya magiging masaya ito.

Sabay na nakuha ng dalawa ang magkahiwalay na flag at dahil hindi naman ganun kalayo yun ay nakita ko pa ang pagtawa ng mga ito.

Hinihintay namin kung sino ang unang makakarating kaya hinanda ko na rin ang sarili ko dahil ako ang susunod at ang kalaban ay si Shirley.

Sinulyapan ko ito, hindi katulad namin na may mga ngiti sa labi ito naman ay seryoso at parang may malalim na iniisip

Siguro naman hindi niya ito seseryosohin diba?

Binalik ko ang tingin sa dagat kung saan sabay na sabay pa rin ang dalawa, Sabay rin nilang inabot ang flag sa amin ni Shirley

Kukuhanin ko pa lamang ang flag ay nakita kong tumalon na si Shirley at nagsimulang lumangoy papunta sa pinanggalingan mg dalawa.

Nagkibit balikat na lang ako at sumunod na rin doon. Nauna man siya sa akin ay nagawa ko pa rin siyang habulin.

Nang parehas na kaming nasa kinalalagyan ng flag ay hindi inaasahan ang paghampas ng medyong malakas na alon sa kinalalagyan namin ni Shirley kaya hindi maiwasan na lumubog buong katawan at ulo ko sa ilalaim ng tubig.

Kinalma ko ang sarili ko sa pagkabigla, mabuti na lang at hindi na naulit ang alon na iyon. dali dali akong umahon dahil nauubusan na ako ng hininga.

Sa pag angat ng ulo ko ay napansin agad nito si Shirley na hirap na hirap sa paglangoy at may takot na nakabahid sa mukha.

Hindi na ako nagdalawang isip pa na puntahan siya, kahit na man na may galit ako sa kanya ay hindi ko maatim na mapahamak siya habang ako pinanonood iyon. Mabait din naman ako pag may time XD

Malapit na akong makarating sa kinalalagyan ni Shirley ng mapahinto ako at pinanonood ang paglapit ng isang lalaki para sagipin ito. Si Erick

Binuhat nito ang dalaga na parang mawalan ng malay at agad dinala sa pampang papunta sa kung saan.

Ako eto tulala. Yung makita yung taong sinasabing mahal ka ay hindi ka man lang nagawang sulyapan o tanungin kung ok lang ako dahil sa labis na pag aalala nito sa kaiibigan.

Binalewala niya ako, yun ang paulit ulit na pumapasok sa utak ko. Alam kong ayos lang ang lagay ko pero bakit hindi ko maiwasan ang makaramdam ng galit na tuluyan ng nabubuo sa dibdib ko.

Here We are AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon