Chapter 9

24 2 0
                                    

"Wait me here, okay" Si Erick na panamantalang nagpapaalam dahil may biglaang tawag na kailangan niyang asikasuhin

tumango ako "take your time, im fine here"

"Sandali lang ako promise"

Ang kulit ng lalaking ito kanina pa nagdadalawang isip na iwan ako pansamantala

Mabilis ko siyang hinalikan sa labi at nginitian "Erick, ok lang, Sige na asikasuhin mo na iyon" pantataboy ko rito

Bumuntong hininga ito"it should be our time, but promise ill be back soon"

tumango lang ako rito at pinanood ang papalayong pigyura nito

Pinagmasadan ko na lang ang mga nagkakasiyahang tao sa dagat habang ang iba ay gumagawa ng kung anu ano.

"Youre alone" Si Shirley na katulad ko ay nakatingin din sa magandang tanawin sa harapan namin, Hindi ko ng namalayan ang pagdating niya

Sandali ko siyang pinasadahan ng tingin, hindi katulad ko ng maiksing short at loose shirt ang suot ay naka two piece na black naman ito bagay na bagay sa maputing kulay niya at lalong nahubog ang magandang kurba ng katawan nito, hindi maipagkakaila na maganda talaga ito

Muli kong binalik ang tingin ko sa harapan"talking with someone on his phone" sagot ko

tumango ito"you look good together just like what we are, the only difference is your his girlfriend and im his bestfriend"

Hindi ko alam pero pakiramdam ko na may nais siyang ipakahulugan sa sinabi niya

"He treat me like how he treat you" dugtong nito"to tell you honestly, Natakot ako nang dumating ka sa buhay namin, akala ko mababago na yung samahan namin pero thankful ako kasi parehas lang naman nandyan ka man o wala. lalo ko pa ngang naramdaman na pinapahalagahan niya ako"

Napataas noo ako, alam ko na nais nitong iparating sa akin na walanf pagkakaiba ang halaga namin sa buhay ni Erick

Sa wakas sa kabila ng maamong mukha nito ay lumabas din ang masangsang na ugaling ikinukubli.

Nakataas kilay akong tumingin rito

"So what are you trying to say?" Naiirita kong tanong

"Im just curious, Sa haba ba ng pinagsamahan namin ni Erick, Sanay kaming magkasama sa lahat ng bagay, Importante ang opinyon ng isa sa amin, Sanay kaming magkasama, Do you think Erick can still live without me" Proud nitong tanong

Mapait akong tumawa rito, siya pa talaga ang may ganang magtanong sa akin ng mga ganyang bagay.

Ngitian ko siya"I dont know" kunmari'y walang pakelam kong sagot, dahil gusto kong maramdaman niya na hindi aki magpapadala sa mga sinasabi niya"But one thing Im sure of" muli ko siyang tinignan tingin na may maipagmamalaki"He cant live without me"

Panghahawakan ko muna ang mga pangakong iyon ni Erick

Bumahid ang pagkairita sa mukha nito "you know what, kung hindi ka lang sana dumating sa buhay namin ni Erick we will be more than friends as what our family expected"

Muli akong natawa sa sinabi nito dahil kanina lang halos magpasalamat na ito sa pagdating ko sa buhay nila, samantalang ngayon ay kabaliktaran "So Erick must be thankful to me na dumating ako sa buhay niya bago niya maisipang patulan ka" Hindi naman talaga ako ganito kasama pero sa tuwing siya ang kausap ko umiinit agad ulo ko.

Galit siya dahil iyon ang nababasa ko sa mukha niya "Huwag kang magpakasaya ellaine, ipapaalala ko lang sayo, that im always his first, ako ang lagi niyang pinahahalagahan at ikaw ang lagi niyang binabalewala"

Ayoko man magpadala sa mga sinabi niya ay hindi ko maiwasan dahil ako mismo ay alam kong totoo iyon

"Oo ikaw nga ang first niya pero para malaman mo na kahit ilang ulit ka niyang unahin ay akin pa rin ang punta niya sa huli, his day never end without telling me how much he love me the word that he never tell you kasi kaibigan ka lang niya"

"and you wanna know whats the difference between you and me, your his Bestfriend and im his girlfriend a place you wished to be yours"

kinuyom nito ang mga palad upang magpigil ng galit kasabay non ay ang pagsilay ng mga luha sa mga mata nito

Gustuhin ko man maawa sa kanya at hindi ko magawa, dahil siya ang dahilan kung bakit lagi akong nasasaktan

Hindi na siya muling sumagot pa pero nanatili pa rin siyang nakaharap sa akin.

Narinig ko ang mga yabag na papalapit sa amin kaya tinignan ko kung sino iyon. Si lana

"Hi ellaine and Shirley, do you guys want to join us?" bungad nito

Pero dahil nakatalikod sa kanya si Shirley ay hindi makita ang mukha nito na may bahid ng luha

Nagpunas ng luha si Shirley gamit ng mga palad nito bago humarap kay ellaine na may nakasilay na ngiti upang pagtakpan ang tunay na nararamdamam"Sure, mauna na ako roon" madali itong umalis papunta sa mga kasamahan namin

"So Ellaine?" si lana

Ngumiti ako rito at tumango"Sure" sabay kaming naglakad papunta sa mga kasamahan nagkakasiyahan.

Here We are AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon