Naalimpungatan ako mula sa masarap na pagkakatulog dahil tawag ng tawag itong lalaking ito.
Sinulyapan ko siya kahit nakapikit ang isa kong mata "Erick ang aga aga pa" reklamo ko
"Ellaine tumayo ka na dyan baka hindi natin iyon maabutan" sagot nito
umupo ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa bintana, ang dilim dilim pa naman sa labas at ang aga aga pa.
"Erick look kung ano mang yang trip mo mamaya na lang natin gagawin"
lumapit ito sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay at pilit tinatayo "you will enjoy this, promise" nakangiti ito
Tumingin ako sa kama at muling humiga roon para kasing nang aakit itong kama na ito para matulog ulit ako.
"Ellaine" tawag ulit nito na hindi ko pinansin
"Ellaine hahayaan mo ba talaga akong pumunta ng mag isa doon gumising pa naman din ako ng maaga para sa bagay na ito" pangongonsensya nito
at kung anong bagay man ang sinasabi nito ay hindi ko alam marahil maaga itong sinapian ng kabaliwan. XD
Dahil nakonsensya naman daw ako sa sinabi nito ay tumayo na ko
"Oo eto na, tatayo na"
"Good" nakangiti ito
Pumasok ako ng banyo para maghilamos at magtoothbrush, binilisan ko na dahil nagmamadali si Erick.
Nagsuot ako ng jacket tiyak na malamig pa sa labas dahil sobrang aga pa.
"Ready" tanong nito
"Kahit antok na antok pa ako ay pinilit mo akong tumayo tas magtatanong ka pa" pagsusungit ko
Ngumiti lang ito bago hinawakan ang kamay ko at iginiya pababa.
Sa tapat ng dagat kami huminto at sobrang ramdam mo ang lamig na dala ng hangin at kasabay non ay ang tunog ng hampas ng alon sa dagat.
"Anong gagawin natin dito"
Kinindatan lang ako nito tapos ay hinubad nito ang suot na polo kaya naka sando na lang ito inilapag niya iyon sa buhangin, umupo ito roon bago ako hinila para maupo din.
Nasa pagitan ako ng mga hita niya habang nakatalikod samantalang ang mga kamay niya ay naka yakap sa baywang ko.
"hindi ka ba nilalamig" ako kasi na naka jacket na ay nilalamig siya pa kaya na nakasando lang.
"No im fine, sa yakap mo pa lang nagiinit na ko" pabirong sabi nito
magaan ko siyang tinapik sa balikat bago ako sumandal sa dibdib niya.
hindi ko mapigilan ang mapapikit dahil sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.
Minulat ko ang mata ko at tumingin sa kanya na nakatingin din pala sa akin.
Ginawaran niya ako nang munting halik sa labi at nginitian bago muling binalik ang tingin sa harapan namin.
Kagaya niya ay tumingin din ako doon at napasinghap ako sa nakitang papasikat na araw hindi ko maiwasan ang mamangha sa kagandahang nakikita ko. Sobrang ganda at sobrang na eenjoy ko ang panonood dito.
"I know you will enjoy this" si erick
Ito pala ang pinaplano niya kaya pinilit niya akong gumising ng maaga at talagang hindi ko pinagsisihan na sumama ako. hindi ko ata maatim na mamatay na hindi ito makikita.
Panandaliang katahimikan habang sabay naming ninanamnam ang ganda ng tanawin.
"When you came into my life, Im have this doubt if i can still live without you" pambabasag nito sa katahimikan
"I dont know how to live withou you, you gave everything to me and that everything is you and your love for me"
Hinayaan ko lang siyang ipagpatuloy ang mga sasabihin niya dahil masarap pakinggan.
"Im excited to put my name into yours and i can finally say that you are mine"
"Sobrang excited ako na tumira sa pangarap nating bahay kasama ka, matutulog na ikaw ang katabi at gigising na sobrang higpit ng yakap mo sa akin, Nakikita kang nagluluto ng almusal para sa ating dalawa, ihahatid mo ako hanggang gate at pababaunan ng matamis na i love you bago pumasok sa trabaho lagi mong ipapaala sakin na mag iingat at huwag mambabae" bahagya pa itong tumawa"Sobrang Excited akong uuwi dahil alam ko naghihintay yung taong mahal ko at sasalubungin ako ng yakap at halik"
Sa pag ihip ng hangin ay kasabay non ang pagbasak ng munting luha sa aking mata.
Sobrang bigat ng mga salitang binibitawan niya na para bang nakakasiguro na siya sa aming dalawa.
"I want you to be the mother of my children, ikaw at ako sabay natin silang aalagaan at pupunuin ng pagmamahal sabay natin aabangan ang unti unti nilang paglaki. araw araw hanggat nabubuhay ako ikekwento ko sa kanila kung paano naging ikaw at ako kung gaano ko kamahal ang nanay nila at sobrang pagmamahal ng nanay nila sa akin kung paanong napatunayan natin that forever do exist".
Ipinatong nito ang ulo niya sa balikat ko at kinintilan ng mumunting halik iyon.
"I wanna be in your arms in the last minutes of my life, telling how much i love you, and hearing you telling me you always love me too and you really do"
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko simbolo ng sobrang kaligayan nag uumapaw sa puso ko dahil sa mga sinambit niya.
Hindi niya alam kung paano niya pinaparamdam ang sobrang kasiguraduhan sa puso ko.
Pero sa kabila ng mga magagandang salitang binitawan niya ay hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot, takot na balang araw lahat ng mga pangarap niyang ito ay mananatili na lang pangarap, takot na isang araw lahat ng ito ay makalimutan niya dahil iba ang pipiliin niya.
Naramdaman ko ang banayad na paghaplos niya sa pisngi ko kaya humarap ako sa kanya at nagsalubong ang mga tingin namin.
Sa mga mata niya mababasa mo ang sensiridan ng mga sinabi niya.
Sapat na kaya ang mga salitang ito para mapanatag ako
Hindi ko akam kung bakit pero pakiramdam ko darating ang araw na bibitawan niya ang lahat ng ito at ang araw ba iyon ang labis kong kinakatakot.
Bumaba ang mga tingin nito sa aking labi habang unti unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko, ipinikit ko ang mga mata ko at naramdaman ang pagdantay ng mga labi nito sa akin.
Gusto kong kalimutan at bitawan ang takot na yon dahil kung hahayaan kong matakot ako ay mas lalong lumalapit ang araw na iyon.
Sa ngayon, ikaw at pagmamaha mo.muna ang panghahawakan ko, Erick
"I love you Ellaine, I really do" nang maghiwalay ang mga labi namin
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"I love you Erick, I really do"
Nanatili kami sa ganoonh posisyon habang hinihintay ang tuluyang pagsikat ng araw.
Sana nga Erick!
BINABASA MO ANG
Here We are Again
Teen FictionNabuo ang galit sa dibdib ko "bakit, dahil kay shirley dahil sa kanya na naman,hindi ba pwedeng this time ako naman ang piliin mo,Dahil ako ang girlfriend mo,Dahil ako mahal mo Damn it Erick, Bakit ako ang Kailangan mamalimos ng oras at atensyon mo"...