"Ellaine" Narinig kong tawag ng kung sino sa pangalan ko kaya hinarap ko ito. si Lana
Nginitian ko ito habang papalapit sa akin.
"Ang aga mo dito aa" nakangiti ito
Tumingin ako sa paligid at napansin ko ang tuluyang paglabas ng liwanag at unti unting pagdatingan ng mga tao.
Sa sobrang kadramahan ko hindi ko na napansin ang pagbabago sa paligid ko.
hinarap ko si lana "Maaga ako nagising kaya naglibang libang muna ako rito" paliwanag ko
"ganun ba" tumango tango pa ito "tara kain tayo nandoon sila" yaya nito
Pumayag na ako at nagpatangay sa paghila sa akin.
Pagpasok namin sa resto ay agad kong napansin ang tatlo na nagkakatuwaan, Mukhang maganda ang gising ng mga ito. Kinawayan rin kami agad ng mapansin kaming papalapit doon. wala roon si Erick marahil tulog pa hanggang ngayon.
"Where's Erick" tanong agad ni aaron ng makalapit kami roon
Nagkibit balikat ako at umupo sa tabi ni aycee na katabi naman ni Dan, si lana ay umupo sa tabi ni aaron.
"Nag away ba kayo?" si Dan
tumingin silang apat sa akin at naghihintay ng sagot. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o hindi pakiramdam ko kasi wala ako sa mood pagusapan ito at hindi pa rin kami naguusap ni Erick.
"Tara kain na tayo, gutom na kasi ako" nakangiti kong yaya sa kanila para ibahin ang usapan, pero totoong gutom na ako dahil alam niyo naman na nag emote ako kagabi kaya hindi ako nakakain.
Mukhang naintindihan naman nila ang nais kong iparating dahil nagkanya kanya na sila ng kain.
Habang kumakain ay hindi maiwasang magkwentuhan at mag asaran lalo na ng nagkwento ang mga ito tungkol sa kabataan nila kaya puro tawanan ang maririnig sa lamesa namin.
Kahit papaano pakiramdam ko wala akong iniisip na takot ng mga sandaling iyon.
"youre here"
Isang tinig na nakapagpaangat ng tingin naming lahat, it was Erick na hindi man lang nagabalang mag suot ng disenteng damit dahil nakasando at boxer lang ito. mukhang ako agada ng hinanap pagkagising.
"pare, tara kain" anyaya sa kanya ni Aaron na hindi niya pinansin at ang mga mata nito ay nakatutok sa akin.
umupo ito sa tabi ko "kumain ka na?" tanong niya sa mababang tono
Imbis na sagutin ko siya ay tumayo ako "Guys thank you for this morning, magaayos pa ako ng gamit dahil maaga pa ang byahe natin pauwi ngayon" nginitian ko sila at umalis doon ng hindi nililingon si Erick.
Isang malakas na tunog sa lamesa ang narinig ko sa pwesto nila bago ako tuluyang makalayo at alam kong si Erick ang may gawa non dahil ganun siya kapag nagagalit o naiinis.
Pagkarating ko ng kwarto ay agad kong inayos ang mga gamit ko, naghanda ng susuotin para sa pagbyahe at nagmamadaling pumasok ng banyo para maligo dahil anu mang sandali ay nakasunod na iyon rito.
Ginawa kong mabagal ang lahat ng kilos ko, sa banyo na rin ako nagbihis at nag ayos para hindi siya magkaroon ng pagkakataong makausap ako.
Tulad ng inaasahan ko siya agad ang sumalubong sa akin pagbukas ng pinto ng banyo.
Nagkunwaring hindi ko siya pinansin at agad pumunta kung saan nakalagay ang nga gamit ko.
He was about to talk ng unahan ko siya
"Sa baba na lang ako maghihintay" bitbit ang gamit ko ay agad ko na siyang tinalikuran at lumabas doon bago ito makasagot.
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko ng maisara ko na abg pintuan ng kwarto
BINABASA MO ANG
Here We are Again
Teen FictionNabuo ang galit sa dibdib ko "bakit, dahil kay shirley dahil sa kanya na naman,hindi ba pwedeng this time ako naman ang piliin mo,Dahil ako ang girlfriend mo,Dahil ako mahal mo Damn it Erick, Bakit ako ang Kailangan mamalimos ng oras at atensyon mo"...