Incipient
"May pasok ka?" tanong ni Brielle sa akin.
Sinuot ko ang college shirt namin bago sumagot. "Wala, pero may medical mission."
"Saan?"
"Bicutan," I answered.
"Ingat ka." Pumikit siya at bumalik sa pagtulog.
Nagtungo ako sa harap ng salamin at nagsimula nang mag-ayos. Pinatuyo ko ang buhok ko saka naglagay ng cheek tint at lip tint. Noong matapos ay ang mga gamit ko naman ang inayos ko. I made sure na kumpleto ang laman ng paraphernalia bag ko bago nagpaalam kay Brielle.
Naglakad ako papunta ng school dahil doon muna raw magkikita-kita. Ang bus din ng college namin ang gagamitin papunta ng Bicutan kaya hindi na ko mahihirapang pumunta doon.
Pagpasok pa lang ng gate ay natanaw ko na kaagad sila Kuya JC. Kinawayan ko ang mga naunang nakakita sa akin.
"Good Morning!" bati ko paglapit. Nginitian ko sila, maging ang mga first year students na ngayon ko lang makikilala.
"Mag-attendance ka muna." Kuya JC handed me the attendance sheet. Sinulat ko doon ang pangalan ko at pumirma.
"Ano'ng oras aalis?" I asked him when I finished. Binalik ko sa kaniya ang attendance sheet.
"Seven-thirty daw," aniya bago ako pinakilala sa mga first-year. They told me their names pero dahil marami sila, iilan lang ang natandaan ko.
"Ayan na pala si Harvin. Uy, p're!" tinawag ni Kuya JC si Harvin na papalapit na sa amin. Tulad namin ay suot nito ang college shirt niya.
"You're volunteering?" tuwang-tuwang sabi ko dahil ngayon lang yata siya magvo-volunteer. Noon naman ay hindi siya sumasama.
"Oo," nahihiyang tugon niya. Tinanggap niya 'yong attendance sheet na hawak ni Kuya JC at pumirma rin doon.
"Paano mo siya napapayag?" baling ko kay Kuya JC na hinihintay si Harvin na matapos.
"Madali lang." Ngumisi siya. "Sinabi ko lang na sasama ka."
"Ulol," mariin na sabi ni Harvin sa kaniya.
Mahina akong natawa saka nilingon ang mga first-year volunteers. "H'wag niyo siyang gayahin, mag-volunteer ulit kayo dahil gusto niyo, hindi para sa mga crush niyo."
"Gusto ko namang mag-volunteer talaga," depensa ni Harvin.
"Mas gusto mo lang mag-volunteer kasi nandito si Tali, 'no?" tuya ni Kuya JC.
"H'wag mo nang lokohin, baka umatras pa," sambit ko bago nilapitan si Ayen noong matanaw ko siya.
Nakasama ko na siya noon na mag-volunteer. Tulad ko ay madalas din siyang sumama sa mga medical missions.
"Mabuti na lang at nag-volunteer ka!" tuwang-tuwang sabi niya.
"Bakit naman?" Bumeso ako sa kaniya.
"May kasama ako." She chuckled. "Wow! Pati ikaw magvo-volunteer?" gulat niyang tanong kay Harvin.
"Attendance nga, Ayen," si Kuya JC. Inabutan niya ito ng ballpen saka 'yong attendance sheet.
Hinintay ko siyang matapos pumirma bago siya pinakilala sa mga first-year. Habang naghihintay, nakipagkuwentuhan kami sa kanila. Ang dami nilang tanong sa amin tungkol sa mga gagawin ngayon, maging sa mga subjects na malapit na nilang i-take.
"Don't worry, puro VS lang naman gagawin niyo," pahayag ko.
Nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Noong unang beses din akong mag-volunteer ay kabado rin ako. May pagkatanga pa naman ako kaya natatakot akong may magawang mali.
YOU ARE READING
Dazzled by Flames (Flames Series #3)
RomanceO N - G O I N G (Flames Series #3: Vixen Cyprus Davidson) Everyone has something within them that they don't want others to see. For Catalina Itzel Belmonte, that would be the pain she has been carrying her entire life. Pain that her loved ones have...