Chapter 29

993 21 3
                                    

Forgotten

It was last year when I last saw my father. Pasko kaya binisita ko. Bumisita lang ako dahil kahit na gusto ni Tita Miranda na doon ako mag-celebrate ng pasko, alam ko namang ayaw ni daddy. I didn't want to ruin his Christmas so I just visited the day after the Christmas day.

Ayos lang naman dahil hindi naman na ako mag-isa mag-celebrate ng pasko. Kasama ko na si Vixen, maging ang pamilya niya. I celebrated with them like I am one of them. They're actually more welcoming than my family.

Hindi na kami nagkita ulit ni daddy pagkatapos ng araw na iyon. Ngayon na lang ulit.

"Kumain ka ba ng breakfast?" tinanong ko si Vixen.

Kausap ko siya ngayon habang papasok siya sa trabaho niya. He's driving and his phone's in front of him. Nasa tainga niya rin ang AirPods niya para marinig niya ako ng maayos.

Sinulyapan niya ako bago minaniobra ang manibela pakaliwa. 

"I'll eat at work. What about you?"

"Kumain na ko."

"That's good. What are your plans today? Are you going somewhere?"

"Aalis ako mamaya," sagot ko. 

"To where?"

Hindi ako nakasagot kaagad. Ayaw kong malaman niya na pupuntahan ko si daddy, na magkikita kami. Mag-aalala lang siya kahit wala naman nang dapat ipag-alala. Tingin ko ay kaya ko naman na. Siguro...

"Aasikasuhin lang tuition ko."

Tumayo ako at nagtungo sa harap ng cabinet ko.

"So at school?"

"Yup," I lied.

I pretended that I'm looking for something to wear so that he won't notice that I couldn't look at him. 

Mahirap magsinungaling sa kaniya. He knows me too much. He knows when I'm lying and he sees it through my eyes. Kaya ayaw kong tingnan siya ngayon. 

"Are you going alone?" he asked.

"Oo."

"Where's Brie?"

"She went out with her high school friends last night." Nilingon ko siya. "Kaya ko naman mag-isa."

"Are you sure?"

"Yes, Vix."

I saw on his background that he was already at the parking lot. 

"Baba ko na. Don't forget to eat while working, ah?" paalala ko sa kaniya. Baka kasi makalimutan niya sa sobrang busy.

Pagkatapos ng phone call, naglinis ako ng dorm. Nagwalis ako at nag-mop ng sahig bago nilagay sa cabinet ang mga pina-laundry na damit at uniforms. I also texted Tita Miranda, asking what time my father usually goes home. Alas sais pa raw kaya plano kong umalis isang oras bago iyon.

"I thought you'll visit your dad?" tanong ni Brielle noong madatnan niya ako pag-uwi niya.

Mula sa hawak kong cellphone, nilingon ko siya. Nakadapa ako sa kama ko habang siya naman ay nasa tabi ng pinto, kakapasok lang.

"Later pa. He's not home yet."

I stood up to charge my phone. Pagkatapos ay pinanood ko siya.

"How's your gala with your friends?" 

"Sakit sa ulo."

"Uminom kayo?" kuryoso kong tanong. Paano ay mukhang wala siyang tulog. Nangingitim ang ilalim ng mga mata niya.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now