Love
For the first time, natuwa ako na dumami ang workload namin. Getting busy means not meeting Vixen's family. I don't think I'm ready for that. We've talked about that naman. He's not pressuring me to meet them. He said we could do it when I'm finally ready.
After we finished our drinks, kumain muna kami ng dinner bago niya ako ihatid pauwi. Ayaw ko pa ngang umuwi dahil gusto ko pa siyang kasama. Ang kaso naman ay may klase pa kaming pareho kinabukasan.
"Let's perform blood sugar test na rin para malaman natin kung maraming Diabetes patients sa community. Kung marami, we can add DM sa health teachings natin during health class," suhestiyon ni Kaycee.
"So hypertension and DM?" si Leslie na sinusulat ang mga suggestions.
Natulala ako sa pag-iisip ng puwede pa naming gawin sa duty namin sa CHN bukas. We'll go to a certain community in Rizal. Bukas at sa susunod na araw.
"Stroke also since hypertensive patients are at risk of stroke," dagdag naman ni Niah.
"How about the others? May suggestion ba kayo?" tanong ni Leslie at tiningnan kami isa-isa.
Walang umimik kaya ako na ang nagsalita.
"Mag-assess na rin kaya tayo ng height and weight ng mga elementary students? Para if maraming underweight... we can give free nutritious lunch and a health class about the importance of nutrition."
Nagsitanguan sila sa suhestiyon ko kaya napangiti ako. Akala ko ay hindi nila tatanggapin dahil magastos ang ideya ko.
"Are we going to cook?" Niah asked.
"Bili na lang. Ang hassle magluto," si Tracy.
"Agree ako sa kaniya." Tinuro ko si Tracy at tipid na nginitian si Niah.
"Uhm... BMI, vital signs, and blood sugar test? Iyon na ba lahat ng gagawin muna natin bukas?"
We all agreed with Leslie while watching her write all our ideas.
"Okay so... I'll divide our group into three subgroups para sa mga activities na gagawin. Same subgroup na rin sa pagdiscuss ng topics sa susunod na araw."
Para maging fair, gumamit siya wheel of names online. Sa huli, kasama ko si Carli. We were assigned to perform blood sugar test.
"May glucometer ka ba?" tanong ko kay Carli.
"Yup, iyon na lang gamitin natin bukas."
Medyo tumagal pa ang meeting namin dahil pinag-usapan pa namin ang gagawin namin sa huling araw namin sa Rizal. Maging 'yong mga gagastusin namin ay pinag-usapan namin.
Natapos lang ang meeting namin fifteen minutes before our next class. Hindi na tuloy kami nakapag-lunch lahat. Bumaba na lang kami para bumili ng snacks na puwede naming kainin during the class.
Habang nakapila sa cafeteria, I checked my phone for any messages from Vixen. I saw three messages.
From: Vixen
Is your meeting done?
Lunch, Tali. Don't forget to eat.
Have you eaten?
A grin formed on my lips. My boyfriend is worried about me! Panay ang text, ibang-iba noon na ang tipid at ang dalang mag-text!
Shit. Nakakakilig naman 'tong supladong 'to!
To: Vixen
Kakatapos lang ng meeting and no, I haven't. Nasa cafeteria kami ngayon, we're buying snacks. Nasa library ka?
YOU ARE READING
Dazzled by Flames (Flames Series #3)
RomanceO N - G O I N G (Flames Series #3: Vixen Cyprus Davidson) Everyone has something within them that they don't want others to see. For Catalina Itzel Belmonte, that would be the pain she has been carrying her entire life. Pain that her loved ones have...