Uncrush
"Ito kaya?" He showed me an evidence-based journal related to our topic.
Hindi ko alam kung gaano na kami katagal nakatayo at naghahanap ng journal. Nahihirapan kaming maghanap dahil kahit gaano karaming journals mayroon ang library, hindi naman kami makahanap ng related sa topic namin.
Binasa ko ang title ng journal na hawak niya. It's actually a good study. When I scanned its pages, kumpleto ang laman.
"I like it but let's not settle for this. Hanap pa tayo ng dalawa para sure."
Bumalik kami sa paghahanap. Nakahanap ako ng journal na related din sa topic namin at nakahanap siya ng isa pa. Dinala namin ang tatlong journals sa mesa namin. We studied them first before deciding what to choose. Sa huli, 'yong kaniya 'yong napili namin.
"Ako na gagawa sa Introduction hanggang Method tapos ikaw na sa Results hanggang sa Discussion. Tapos paghatian na lang natin 'yong Conclusion and Recommendations," wika ko.
"Sure," he said while copying the journal's title on his Ipad. Doon niya babasahin ang journal para hindi na kami magpa-photocopy. Also, our school has its own electronic library kaya hindi na siya mahihirapan sa pagkuha ng access sa journal.
Bago ako magsimula sa parte ko, binasa ko muna ng maigi 'yong journal na pinili namin. I studied it carefully, especially its recommendations and how the journal can be applied in the nursing practice.
"I'll start doing my parts now," paalam ni Harvin. He went toward the computers. Wala kaming dalang laptop kaya makikigamit muna kami.
Bumalik ako sa pagbabasa. Nag-concentrate naman ako ngayon sa mga parte ko para alam ko kung alin ang mga ilalagay ko sa written report namin.
From the journal, my eyes roamed around the library when I felt heavy stares shooting at me. Nahigit ko ang hininga ko noong matagpuan ko kung kanino nanggagaling ang mga tinging iyon.
Vixen's eyebrows shot up in question. Ako naman ay nakatingin lang sa kaniya. When I remember the scene that got me annoyed a while ago, I quickly withdrew my eyes from him.
Doon na siya kay George. Magpahimas siya ng biceps niya. Mukha pa naman siyang tuwang-tuwa na nagpapa-tsansing kay George.
Sinarado ko ang journal at hinanap si Harvin. Dala ang journal, umupo ako sa computer chair sa tabi niya. Sinulyapan niya ako at nginitian. He even opened the computer for me.
"Thanks," I mumbled.
"Sinend ko na 'yong link sa email mo. Doon mo na lang din gawin," aniya.
I logged into my email account and searched for the Google docs link he emailed me. Noong mahanap ko, sinimulan ko nang gawin 'yong Introduction. Ang kaso hindi ko naman 'yon natapos dahil may klase pa kami.
Pagdating namin sa classroom, ilang minuto lang ay dumating na rin ang CI namin. Nagsimula na ang return demonstration namin sa IV insertion. Habang nanonood sa mga kaklase, hindi ko maiwasang maisip si Vixen.
Vixen let me prick his hands until I was able to do it correctly. Ilang beses akong nagkamali pero ayos lang sa kaniya. Hindi siya nagreklamo kahit na ang palpak ko.
Naisip ko na naman tuloy 'yong sinabi ni Brielle but then I know in myself that it's impossible for him to like me. Kung ako siya at may kilalang Catalina at George, I would like George. I won't like me. Wala rin naman kasing kagusto-gusto sa akin.
Mariin akong pumikit at inis na napailing.
Ayan! My insecurities are getting ahold of me again!
"Tali... Huy!"
YOU ARE READING
Dazzled by Flames (Flames Series #3)
Roman d'amourO N - G O I N G (Flames Series #3: Vixen Cyprus Davidson) Everyone has something within them that they don't want others to see. For Catalina Itzel Belmonte, that would be the pain she has been carrying her entire life. Pain that her loved ones have...