Flourishing
"Belmonte."
I straightened my back after hearing my last name. My groupmates turned to me, as well as our classmates.
Kakatapos lang ng presentation namin at ngayon ay isa-isa na kaming tinatanong ni CI namin. Half of my score in the oral presentation will be based on how I will answer her questions. Kapag nasagot ko ng tama, makakakuha ako ng mataas na score. Kung hindi, siguradong mababa. I need to have a passing score kaya kailangan kong pagbutihin ang pagsagot.
"Yes, Ma'am," tugon ko.
"What DM complications did your patient manifest?" she asked. Istrikta ang tingin na iginagawad niya.
"Diabetic foot. She has ulcers on both feet," I answered immediately.
She nodded. "How do you think ulcers develop in patients with diabetes?" she followed up.
Okay, you got this, Tali. Nabasa mo 'yan.
"Uhm... poor glycemic control and circulation po. Also... ulcers may result from improper foot care, trauma, and pressure."
"And?" her eyebrows rose up.
"Po?" I'm already feeling nervous dahil sa magkakasunod niyang mga tanong. Baka mas mahirap ang susunod niyang itanong! Sana lang ay masagot ko!
"You only gave one complication, Ms. Belmonte. Mayroon pa."
Napamura ako sa isip. Akala ko ay tapos na ko!
Ano pa kasing complication?! Bakit ang dami yatang tanong sa akin? Sa mga groupmates ko ay hanggang dalawa lang!
"The patient has been suffering from DM for a long time now. What do you think will happen when there is poor glycemic control? Kapag mataas ang blood sugar level sa mahabang panahon?" she gave me a hint.
Hindi ko pa rin makuha. Ano ba kasi iyon? Puwede bang call a friend? Gusto kong itanong kaso baka ibagsak niya ako oral presentation kahit na nakasagot naman ako kanina.
"What will happen to the nerves, especially on the feet?"
Umawang ang labi ko noong tingin ko ay napagtanto ko na ang hinahanap niyang sagot. Hindi nga lang ako sigurado. Basta... nabasa ko iyon sa isang article tungkol sa diabetes.
"They will be damaged po," I answered.
Tumango-tango siya ulit. "And that condition is called?"
"Diabetic Neuropathy po," confident kong sabi. Sigurado na ako na tama ang sagot ko.
Napahinga ako ng maluwag noong ngumiti siya.
"Great. Now, Ms. Montecillo," she called Niah. Siya naman ang tinanong hanggang sa huling miyembro ng grupo namin. Noong masagot na lahat ng tanong niya, pinabalik niya na kami sa kaniya-kaniya naming mga upuan 'tsaka tinawag ang susunod na grupo.
We're done! Finally!
Kahit na palagi naming ginagawa ang pag-present ng mga cases at activities, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Hindi pa rin ako nasasanay.
"Good job, guys!" si Leslie bago kami magsiupuan.
"Galing mo," ibinulong sa akin ni Harvin na nasa likuran ko. Nginitian ko siya at nagpasalamat bago umupo sa tabi ni Tracy.
I caught her watching me and Harvin. Mukhang gumagana na naman ang pagiging tsismosa niya.
"Kita ko 'yon. Type ka ni Harvin?" kuryoso niyang tanong. Nanliliit pa ang mga mata niya na parang nahuli ako na may ginawang krimen.
YOU ARE READING
Dazzled by Flames (Flames Series #3)
RomanceO N - G O I N G (Flames Series #3: Vixen Cyprus Davidson) Everyone has something within them that they don't want others to see. For Catalina Itzel Belmonte, that would be the pain she has been carrying her entire life. Pain that her loved ones have...