Prelude

2.4K 35 4
                                    

Catalina Itzel Belmonte

Wounds come in different forms. There is this abrasion, which I think would heal the fastest of the open wounds. Physical wounds are easily treated and I prefer them better than those unseen. The ones caused by dagger words, negative thoughts, worries, and doubts. Wounds that other people inflicted on us intentionally or unintentionally. 

I hate them because no matter how hard you try to treat them, they just won't heal because they transcend time, and if you thought they have, some of them are once you thought have healed already when in fact, they're just covered with new wounds. 

I stared at my reflection. My past isn't visible already but I can still feel its traces in me. But perhaps, it will always remain in me. Kahit ano'ng gawin ko ay hindi na mawawala dahil parte ko na iyon. Without my past, I wouldn't be who I am now.

I shut my eyes tightly before letting out a sigh. I shouldn't be thinking about those things now. Okay na ako. Hindi ko na dapat balikan ang mga ganoong bagay. 

"Ang aga mo ah," puna sa akin ni Brielle, dormmate ko, na kakagising lang.

She's been my dormmate since first-year college, so we're close friends already. 

"Tinapos ko 'yong drug study," I smiled at her bago humikab at nag-stretch ng mga braso at katawan. 

Inaantok pa rin ako pero hindi na ako pwedeng matulog dahil mag-aalas sais na ng umaga. 

Apat na oras lang ang tulog ko dahil sa dami ng kailangang gawin. Simula noong magsimula ang hospital duty namin, palaging ganoon lang katagal ang tulog ko. Paano, bukod sa duty namin ay may mga pinapagawa pa ang mga clinical instructors namin na nursing care plan, drug study, case study, at iba pa 'yong quiz namin after every after duty! Nakakapagod! Hindi na yata ako masasanay sa ganito!

"May duty ka ngayon?" she asked before sitting on her bed. Sinimulan niya ang pagtupi sa kumot niya. 

"Yup," tumayo ako matapos i-shut down ang laptop. Pumasok ako sa banyo at nagsimulang maligo. I spent almost twenty minutes inside the bathroom before drying my hair. 

"Hindi ka ba mag-aalmusal?" 

Mula sa paglalagay ng blush on ay nilingon ko si Brielle. Nasa study table na siya ngayon at mukhang mag-aaral dahil maya-maya pa ang klase niya unlike ako na maaga. 

"Baka bibili nalang ako ng sandwich sa labas," I answered before finishing my makeup. Palagi kaming sinasabihan ng mga CIs namin na maglagay ng makeup para raw presentable kaming tingnan at hindi 'yong mas mukha pa kaming mga pasyente kaysa sa mga patients namin. 

Kung makapagsalita sila ay parang hindi sila ang dahilan kung bakit mukha na kaming mga pasyente. Hindi naman kami mamumutla kung kumpleto ang tulog namin, 'no! Try nilang bawasan ang mga pinapagawa sa'min, matutulog talaga ako kahit buong araw pa. Pero siyempre, that's impossible, especially sa course namin. Parang required kasi talaga na maraming ginagawa sa course namin. 

"Mabubusog ka ba doon?" ngumiwi siya.

"Siguro," I shrugged. "Bawi nalang ako sa lunch."

"Basta, 'wag kang papagutom. Ligo na muna ako. Lock the door kapag aalis ka na," bilin niya sa'kin bago pumasok sa banyo bitbit ang tuwalya niya. 

Brielle is like a mother. Magka-edad lang kami pero mas mature siyang mag-isip sa akin. She takes care of me, too. 

"Sure!" ngumiti ako ng malapad bago naglagay ng lip tint sa labi ko. Sunod naman ay pinusod ko ang buhok ko at nilagyan ng styling gel ang mga baby bangs ko na sobrang kulit. Ilang beses na akong nabigyan ng penalty noon sa RLE dahil sa kanila! 

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now