Chapter 2

641 11 9
                                    

The One Who Saved MLife

JUSTINE'S POV

FASTFORWARD

16 years old

Nandito ako sa mall.

KAMI actually.

Nagtataka kayo kung sino kasama ko?

Kasama ko lang naman si Seph.

Oo, si Seph yung nagligtas sa buhay ko sa park nung kamuntikan na ako mabangga ng isang sasakyan. Si Seph na na-love at first sight ako.

Siya yung tipo ng lalaki na pag nakita ko, bumibilis yung tibok ng puso ko, yung nawawala ako sa sarili, yung pinagpapawisan ako, basta ganun.

Ang buo niya nga palang pangalan ay James Quen Seph Gil.

Ang haba nga ng pangalan niya eh.

Kumakain kami ngayon ng ice cream. Chocolate flavor. Parehas pala kami, chocolate yung favorite flavor niya. Treat niya, treat naman niya parati eh. Hahaha. Pero di ko naman inaabuso yung pagkagalante niya, sadyang mapagpumilit lang talaga siya.

Tinitigan ko lang siya habang kinakain niya yung ice cream niya.

Grabe, ang gwapo niya parin talaga.

Sulit talaga yung mga oras at pagod na nilalaan ko sa paghahanap sakanya.

Oo, hinanap ko siya.

Kinabukasan nung niligtas niya ko, hinanap ko na talaga siya. Pabalik balik ako sa park, umaasang baka nandun ulit siya. Pero madalas, natatapos ang araw ko ng malungkot. Kasi nga di ko parin siya nahahanap. Ganyan lang yung routine ko araw-araw. Pagkatapos ng school, deretso agad ako sa park, maglalakad-lakad, magtatanong-tanong, pag gabi na kahit sagabal sa loob ko, uuwi na ko, mapapagalitan rin kasi ako. Sabi nga ng mga magulang ko, nawawalan na daw ako ng social life. Which is true, nawalan na ko ng time sa mga friends ko. Di na kami madalas gumagala. Ay mali pala, di na ako madalas sumasama sa kanila tuwing may lakad sila. Kasi nga kagaya ng sinabi ko after school deretso agad sa park. Hanggang sa bahay, tuwing gabi siya parin ang iniisip ko. Sabi nga nang bestfriend kong si Julia, natamaan na nga raw talaga ako eh.

Susuko na sana ako, nang isang araw nakita ko na lang siya. Dun araw-araw na kaming nagttext, bumalik na yung normal kong buhay. Yung araw na nakita ko siya, yun na ang pinakamasayang araw sa tanan ng buhay ko.

________FLASHBACK________

Apat na taon ko nang hinahanap si Seph, hanggang ngayon wala parin.

Oo, APAT na taon na.

Parang gusto ko nang sumuko, nakakapagod na rin kasi. Sa school ko na nga ginagawa yung mga assignments ko eh, minsan nga hindi ko na ginagawa eh. Nakakatulog kasi ako siguro dahil sa sobrang pagod. Para ngang sa park at sakanya na lang umiikot yung mundo ko eh. Nawawalan na rin ako ng time para sa pamilya ko. 

Siguro eto na yung last day nang pagkahahanap ko sakanya, kung hindi ko pa siya makita titigil na ko sa paghahanap.

 Hay. Bahala na ang favorite kong superhero, si Batman.

Atsaka kung para kami talaga sa isa't isa, destiny kung ika nga will find its way.

Nandito ako ngayon sa park , as usual, nakaupo sa isang bench.

Daming tumatakbo sa isip ko.

Susuko na ba ako o ipapagpapatuloy ko pa 'to?

Kinakawawa ko na kasi sarili ko eh.

The One Who Saved My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon