Chapter 10

505 12 10
                                    

The One Who Saved MLife

JUSTINE'S POV

Meenie. Meenie. Minie. Moe.  Sino kaya ang pipiliin ko? Eto? O eto? Eeeeto. 

Wahh! Justine! Magseryoso ka nga.

Nakuha mo pang kumanta diyan. Kailangan mo nang pumili.

Hinihintay na ng dalawa yung isasagot mo oh.

Joseph: "Ano na Justine? Sino na?" 

Seph: "Syempre ako! Tanga ka ba pare?"

Joseph: "First come, first serve nga eh. Epal kasi!"

Seph: "Ano sa tingin mo si Justine? Restaurant? Tignan mo Justine oh! Gawi ka namang restaurant, loko!"

Joseph: "Wala akong sinasabi pare, ayos imbento ng kwento ah." 

Seph: "Ganun na rin yun pare. Ambobo talaga!"

Joseph: "Lul! Mas bobo ka! Pinanganak kang walang utak!" 

 Magsasalita pa sana si Seph nang magsalita ako.

"PWEDE BA, MAGSITIGIL KAYONG DALAWA! PARA KAYONG MGA BATA!" napatigil ako sa pagsasalita nang napansin ko halos lahat ng tao nakatingin samin. "Atsaka mahiya naman kayo ang daming tao, nagsisigawan kayo." hininaan ko boses ko.

(_ _) 

Nakakahiya! Atsaka naririndi na ko. Di ako makapagisip ng maayos.

Ang dami kasing pumapasok sa utak ko eh tas dagdag niyo pa yung ingay nung dalawa. Diba, sino ba naman makakapagisip ng maayos kung ganyan yung sitwasyon?

May nagsasabing si Seph.....

May nagsasabing si Joseph.....

May ganito.....

May ganyan.....

"Si Seph, diba siya yung mahal mo?"

"Si Joseph, ang bastos naman kung iiwanan na lang siya dun."

"Si Seph, ano ba! Kakagaling niyo lang sa away."

 "Magaaway na naman kayo?"

"Kahit na, bastos parin yun. Si Joseph talaga!"

"Oo si Joseph, may lakad silang dalawa tas biglang eepal si Seph."

"Si Seph! Ang kulit! Sige, magagalit ulet  yan sa'yo."

"Oo nga, siya pa naman yung sinasabi mong 'The One Who Saved My Life' chuchu"

"Ano connect nun? Si Joseph dapat talaga."

"Bahala ka, magagalit sa'yo si Seph."

"Bahala ka rin, mas lalong magagalit sa'yo si Joseph."

"Shunga! Kaano-ano niya ba si Joseph? Wala naman diba. Anong pake niya kung magalit si Joseph? Atsaka sabi mo nga naiinis ka kay Joseph, dahil nangaasar siya. Sabi mo pa nga pag nagtagal ka pa masisira lang yung araw mo!" 

 "Kaya Seph FTW"

Sino ba talaga? Mas lalong sumasakit yung ulo ko eh.

The One Who Saved My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon