Chapter 6

527 10 5
                                    

The One Who Saved MLife

"Ang pinakamasaklap na aksidente ay ang nahulog ang puso mo sa taong di ka gusto."

JAMES QUEN'S POV

"Ako nga pala si James Quen, hindi mahal ng taong mahal ko."

Actually mali, mahal niya 'ko dahil akala niya ako yung lalaking inaakala niya. Hindi yung mahal niya 'ko dahil ako bilang sarili ko.

Di naman ako yung nagligtas kay Justine eh.

I don't know any Justine hanggang yung araw na yun. Nung tinanong niya ko kung ano pangalan ko.

Hindi ako si Seph.

Yung sinasabi niyang si Seph na nagligtas ng buhay niya nung mga bata palang sila.

Literally, ako si Seph. Third name ko ay "Seph".

Mapaglaro nga  talaga ang tadhana.

Pero di ako si Seph na mahal niya.

Mahal niya pa kesa sa sarili niya.

Sana ako na lang yung Seph na yun pero pagbalik-baliktarin niyo man ang mundo, hindi mangyayari yun. Asa naman ako!

Kung pwede nga lang magtime-travel pabalik dun sa araw na yun at ako na lang yung nagligtas sa kanya, ginawa ko na.

Pinandigan ko yung pagpapanggap ko dahil unang kita ko pa lamang sa kanya nahulog na ata ako sa kanya.

Sino ba namang hindi?

Yung mala-anghel at inosente niyang mukha. Grabe! Ang ganda niya sobra.

Pinagsisihan ko? Hindi na medyo.

Medyo na nagguilty ako dahil nagsisinungaling ako sa kanya, pero ano pa bang magagawa ko? Aminin ko sa kanya na nagpapanggap lang ako? Edi magagalit siya sakin, ayoko naman ng ganun. Kaya papanindigan ko na lang 'to.

Hindi dahil ngayon lang ako sumaya ng ganto. All of my life kase di ko alam gagawin ko sa buhay ko. Dahil nga only child lang ako lahat nang gusto ng magulang ko lahat ineexpect nilang magawa ko, kaya nappressure ako.

Puro na lang 'ganto gawin mo', 'dapat ganto' at 'kailangan ganto'. Lintek na ganto yan! For God's sake buhay KO 'to. Hindi sa kanila.

Hindi naman sa hindi ko nirerespeto magulang ko sadyang naiinis lang talaga ako minsan.

Kaya nga nung nakilala ko siya, in a snap my life suddenly changed. 

Ngayon, alam ko na ang gusto kong gawin sa buhay ko.........

Yung iintayin ko siya sa harap ng altar.

Yung magkakaroon kami ng sariling pamilya.

Yung magmamahalan kami to infinity and beyond. 

Pero ngayon parang imposible na.

Nagaway kasi kami dahil sa ugali kong pagiging pikon. (Chapter 2)

Alam kong ang babaw pero ganun ako eh.

Nakakainis nga eh. 

Ang immature ko naman nun. Tanda-tanda ko na eh.

Di ko nga alam kung saan ko 'to namana eh. Ugh, basta nakakaurat.

Hay, kaya nga ako tumatawag ngayon kay Justine eh. Gusto kong magsorry, ako yung mali eh. Sasabihin ko sa kanya na magbabago na 'ko. Pangako yan. Ayoko na rin kasi ng ganto. 

The One Who Saved My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon