Chapter 14

545 8 7
                                    

The One Who Saved MLife

JOSEPH'S POV

"Love a form of amnesia when a guy or girl forgets that there are 1.2 billion other guy or girl in the world."

Bakit siya pa? Sa dinami-dami ng babae sa mundo, bakit siya pa? Bakit si Justine Bernardo pa? Sabihin niyo sakin. Bakit?

________FLASHBACK________

Homeroom kami ngayon, nandito na kami ngayon ni Miguel sa classroom. Chill-chill lang. Yung tropa? Malay ko sa mga yun, wala pa eh pero dadating na rin yung maya-maya. "Pare, ano ba pwedeng regalo kay Juliebeybs? Para sa debut niya, next-next week pa naman pero mas maganda kung nakabili na ako ngayon." tanong netong katabi ko.

"Imbitado ba kami diyan?" I paused. "At teka nga, debut agad? So magee-18? Eh 4th yr high school pa lang siya eh, mga college na yung mga ganun. Diba?" 

"Syempre imbitado kayo, pwede ba namang M.I.A ang tropa?" ^_^ hehe yun ohh, madaming pagkain panigurado. "Oo nga eh, nakakapagtaka nga. Pero huminto daw siyang one year nung kinder ata kaya nagkasabay sila ni Justine, di ko alam kung bakit." he continued.

Siya pala yung pinakamatanda samin, hindi kasi halata sa mukha kala ko nga si Kiray eh. Haha. 

Nagsalita ulet siya. "Pero ano ba pare? Di mo pa sinasagot tanong ko, ANO. PWEDENG. IREGALO. KAY. JULIEANN. PARA. SA. DEBUT. NIYA?"

"Ba't mo ba ko tinatanong pare? Ikaw diyan yung may alam kung ano yung mga trip nung tao eh." 

"Sabagay, eh pero hindi naman namin napaguusapan yung mga ganun eh."

"Kung wala ka ng maisip kung ano iregalo sa kanya., halikan mo na lang tapos sabihin mo 'Kung ayaw mo, ibalik mo na lang." tas sabay kindat. Boom pare, boom!" 

"HAHAHAHA loko ka pare, may respeto naman ako dun. Yung seryoso kasi!"

"Eh seryoso naman yun eh pero may naisip ako, kung tanungin mo na lang kaya si Justine. Sa tutal, bestfriend niya naman yun." 

"Yun, nadali mo pare. Oo, tama ka! Talino mo brad!" Hehe. Ako pa. ^_^ "Pero pare, nasaan na ba si Justine? At teka nga nasaan na si Juliean? Nandiyan na yung iba oh, sila na lang kulang."

Oo nga 'no. Nandito na sila Yen, Neil, at Albie tas sila Ej at Kiray na kakarating lang. Eh anong oras na? Magttime na--okay, nandito na yung adviser namin pero wala pa rin sila.

Triny kong tawagan siya o si Julieann pero hindi sila sumasagot, nakailang text na rin ako pero hindi rin nagrereply. Nako naman oh, paano kung narape yung mga yun o di naman kaya naaksidente. Puta naman oh, pinagaalala mo ko Justine eh. Nasaan ba kasi yung mga yun? May sakit kaya siya? Pambihira naman oh, edi sana itext ako or di naman kaya yung barkada. Hay.

Tss. Pag 5 minutes talaga at wala pa sila dito, lalabas na talaga ako dito at hahanapin sila.

Nakalipas na ang 5 minutes, wala parin sila. Anakng, lalabas na talaga ako---*tok-tok* Binuksan naman kaagad neto ni ma'am. 

"Hi ma'am, sorry we're late. May inasikaso lang po kami ni Justine. Sorry po talaga." sabi ni Julieann na katabi si Justine. 

I sighed in relief. Buti naman nandito na sila pero ano daw? Inasikaso? Ano naman kaya yun?

The One Who Saved My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon